31- Broken Heart and Soul

Magsimula sa umpisa
                                    

"Quinn," tila nagising si Tiana mula sa kanyang trance nang marinig ang boses ni Erick.

Mabilis na lumapit ang lalaki sa babaeng bagong dating saka ito niyakap ng mahigpit.

Nanikip ang dibdib niya sa nakita kaya nag-iwas siya ng tingin.

Ang babaeng ito, si Quinn Lockhart, ang dahilan kung bakit hindi na bumabalik sa kanya si Erick.

"Who is this piece of turd?" mabagsik na tanong ni Quinn na hindi halos tiningnan si Erick. Nilampasan nito ang lalaki at nilapitan si Neschume. She pulled the Zayin sword making Neschume groan in pain.

"Ako na ang bahala sa kanya," ani Deus pero itinaas ni Quinn ang kanang kamay nito para patigilin ang kanyang kakambal.

"You, you and you," mabagsik na sabi ni Quinn sabay isa-isang dinuro sina Tiana, Deus at Gaius. "Are you sure na handa na kayong maging Sentry? Ga-graduate na kayo this year and you froze in the middle of a threat?"

"Quinn, calm down," ani Erick na sumunod sa babae at inakbayan ito.

"Calm down? Sila ba ang future Sentries? Sisirain nila ang reputasyon naming mga Sentry."

Naikuyom ni Tiana ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang maramdaman ang paghawak sa kanya ni Deus.

"It's nice to see you too, Quinn. We missed you," malumanay na sabi ng kakambal niya kaya natigilan ang babae. Ilang beses itong napakurap bago huminga ng malalim.

"Who is this?" inapakan nito si Neschume na ngayon ay nakahiga na sa sahig at naghihingalo.

"Criminal," sagot ni Malik.

"Should I kill her now?"

"Yes, you can," si Gaius naman ang nagsalita saka umupo sa gilid ng kama ni Rifka.

"Stop it," saway ni Erick saka pinangko si Neschume. "I will treat her before you hand her to the director."

"Zayin ang nakasugat sa kanya. Isang oras lang at mamamatay na 'yan kung hahayaan mo lang," ani Malik. Galit talaga ito kay Neschume dahil sa ginawa nito kay Rifka.

"She was about to kill a helpless student. Pwede n'yo 'yang hayaang mamatay," segunda naman ni Quinn.

"Bakit ang harsh mo ngayon, pinsan?" inakbayan bigla ni Cole si Quinn kaya napasimangot ang babae.

"Hindi lang 'to ngayon, Collier. Bakit amoy alak ka? Ikaw rin, Marcus," anito sabay pingot sa dalawang lalaki.

"Ang sama mo talaga, Quinn," reklamo ni Malik nang makawala.

"Sa halip na mag-aral at mag-ensayo, nag-iinuman kayo. Sinasayang n'yo ang oras ninyo."

"Oh shut up, Quintina," asik ni Tiana sa babae. "Hindi ikaw ang nanay namin kaya tumigil ka. Kung nandito ka para sa boyfriend mo, then s'ya ang atupagin mo. 'Wag mong pakialaman ang buhay ng iba dahil wala kang karapatan."

Pagak na natawa si Quinn. "Bitter ka pa rin pala, Tatiana."

"Hindi ako bitter. Walang rason para maging bitter ako."

"Liar. Galit ka lang dahil kahit na kayo ni Erick ang lageng magkasama rito ay hindi mo pa rin siya maagaw mula sa akin."

"Quinn, that's enough," sabad ni Erick habang ginagamot si Neschume.

"Don't tell me what to do, Fredrick."

"Kung balak ninyong magsigawan, doon kayo sa labas. May nagpapagaling dito," sa wakas ay nagsalita uli si Gaius. Kanina pa kasi nito nililinis ang mukha at mga kamay ni Rifka.

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon