"Need help? Ako na lang magdala niyang envelope mo." Nakangiting sabi niya sa akin. Akmang kukunin niya na yung hawak ko'ng envelope pero agad na akong umiling.

"A-ayos lang." Naramdaman 'ko na naman ang dugong umaakyat papunta sa pisngi 'ko kaya umiwas na ako ng tingin. "T-tara na."

Akala 'ko ay magiging awkward na ang buong pagiikot namin sa Azlar. Pero hindi, hindi 'ko inakalang medyo loko-loko din pala ang Zeo na 'to at wala siyang ginawa kundi magtanong ng magtanong ng kung anu-ano, tungkol sa akin, tungkol sa Azlar at kung saan-saan pa. Masaya siyang kasama. Isama mo pa ang pagiging palabiro at patawa niya.

Lalo tuloy akong nagdududa sa lalaking 'to. Binuhay ba 'to galing sa wattpad? Nasa kanya na ang lahat! Mabait, gwapo, palabiro. Wala atang panget sa isang 'to.

"May boyfriend ka ba, Kira?" Tanong sa akin ni Zeo. Kamuntikan 'ko pang mabuga yung tubig na iniinom ka sa tanong niya. Napailing na lang ako at napatawa.

"Wala. Mabait 'to, saka na boyfriend boyfriend!" Natatawang sabi 'ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at ginulo ang buhok 'ko. Kanina pa yan. Hindi 'ko alam pero mukhang nag-eenjoy siya sa panggugulo ng buhok 'ko.

"Seryoso? Ang ganda mo kaya, Kira." Ayan na naman siya sa banat niya. Nag-tss na lang ako at ngumiti na lang ako sa kanya.

"Ikaw? May girlfriend ka?" Tanong 'ko at uminom ng mineral water na binili niya sa akin kanina sa Caf.

"Girlfriend?" Tumango ako at parang napaisip naman siya sa tanong 'ko. "Wala. Pero binabalikan meron." Binabalikan? Ibigsabihin may babae siyang gusto na binabalikan niya dito? Napangiti ako habang iniisip kung gaano siya ka-swerte sa isang 'to.

Hindi na ako nagtanong tungkol doon. Nakakahiya naman kung pati yun, itatanong 'ko pa, diba? Tapos na naming ikutin ang buong school ng mga five ng hapon nang may nakasalubong kaming mga babaeng nakapula. PaniguradoTRG to'ng mga 'to. Napailing na lang ako at umiwas ng tingin. Asar pa rin ako sa TRG, pagtapos ng ginawa nila sa akin. Leche sila! Sa kanilang sa kanila na yung unggoy na crush nila!

"shet, si ZAF!" Patiling sabi ng babaeng nakasalubong namin. ZAF? Agad na kumunot ang noo 'ko at nakita ko'ng ngumiti at kumindat si Zeo doon. Pa-fall din pala ang loko. Lakas din sa babae eh.

"ZAF?" Tanong 'ko nung nawala na yung maiingay na babaeng napula.

Napatawa siya at tumingin sa akin. Ayan na naman yung tawa niya na parang kanta. Ang sarap sa tainga. "Hindi mo alam?" Umiling ako. "Ako kasi si Zeo Adrian F--" Bago niya pa matuloy ay narinig namin ang malakas na pagsigaw ng isang lalaki.

"ZEO!" Parehas kaming napatingin sa direksyon ng lalaking sumigaw at parang kumulo ng kusa ang dugo 'ko kung sino yung nakita 'ko. Leche talaga. Hindi pa pwedeng hindi magtagpo ang landas namin ng uggoy na 'to?!

Parang tumalon ang puso 'ko nung hinawakan ni Zeo ang kamay 'ko. Bakit ba bigla bigla na lang to'ng nanghahawak!? Kita niyong na Crush at first sight ako sa isang 'to eh. "Tara, ipakilala kita kay Red."

"Wag na!" Paulit-ulit ko'ng sabi pero hindi niya ako binitawan hanggang sa makarating kami doon sa sasakyan kung saan nakasandal ang unggoy na si Red. Nakita ko'ng nakatitig siya sa akin kaya agad akong umirap. Nakakairita talaga mukha nito eh! Tuwing nakikita 'ko talaga 'to, parang nangngati kamay 'ko at parang gusto 'ko agad na isuntok sa mukha niya.

"Red ito pala si---" Hindi natapos sa pagsasalita si Zeo ng biglang umepal si Unggoy ay ngumisi sa amin. "Kira Suarez. Bat mo kasama yang babaeng palengkera na yan?"

"Ang kapal mo talagang unggoy ka! Ang panget mo! Leche ka!" Singhal 'ko. Badtrip. Sira na. Sirang sira na ang masayang araw 'ko kasama si Zeo.

"Wait." Napatingin ako kay Zeo na mukhang naguguluhan na. Ang cutie niya talaga! Hindi tulad ng unggoy na nasa harap 'ko. "Magkakilala kayo?" Tanong niya.

"Oo, at siya ang may kasalanan kung bakit nagkandasugat-sugat to'ng mukha 'ko!" Sigaw 'ko habang tinititigan si Red.

"Hoy hindi---"

"Wag ka ng magpaliwanag! Ang panget mo na nga ang sama sama pa ng ugali mo! Baklang unggoy!" Sigaw 'ko. Humarap ako kay Zeo at ngumiti. "Mauna na ako. Salamat" Patalikod na ako pero hinila ako naramdaman 'ko ang paghawak ni Zeo sa braso 'ko.

"No. Sasabay ka sa amin, Kira." Ma-awtordidad niyang sabi sa akin. Magrereklamo pa dapat ako pero nakakatakot yung tingin niya. "Pumasok ka na." Wala na akong nagawa, pumasok na ako sa loob ng sasakyan. Narinig 'ko ang pagrereklamo ni Red pero hindi na yun pinansin ni Zeo, pumasok na din siya at umupo sa tabi 'ko. Nasa tabi naman ni Zeo si Red.

"Dapat di mo na---"

"Shut up, Red. Ang ingay mo." Halos matawa ako pagsusungit ni Zeo kay Red.

Umiling na lang ako at tumingin sa labas. Hindi mawala sa isip 'ko ang tanong na nabauo sa isip 'ko. Magkaano-ano ba ang dalawang 'to? Bakit hindi natatakot si Zeo kay Red?

//

Comment pa kayo. Hahahaha. Nakakatuwa. Ang hahaba ng comments niyo! Thank you, guys!

Courting the Fortune-tellerWhere stories live. Discover now