XVII. Three Words (Kathryn & Daniel)

Magsimula sa umpisa
                                    

She finds hope in the strangest places
She reads her books
And she knows the faces of everyone
That ever said she's alone



She knows every word to the saddest songs
And she sings along
Though her friends all tell her
That she can't sing

Ang hirap mainlove, ang complicated.

Whoa oh, whoa oh (This place could burn for all we care)
We get one step closer but we're still so far away (Hold me till then)
Whoa oh, whoa oh (This place could burn for all we care)
It's too bad empty bottles couldn't save her life today (Hold me till then)
(Hold me till then)

Binaba ko ang mic at tumabi kay kuya ng matapos ko ang kanta.

Nginitian ako ni kuya. "May boses ka pala, bunso..."

Nginitian ko pabalik si kuya. Bunso... Sino ba naman ako para mag-ilusyon na mahalin rin ako ni kuya? Ng dati kong kuya? Wala na akong pag-asa. Ano bang hindi ko maintindihan doon?

"Kathryn... alis na tayo." 

Akala ko, uuwi na kami. Pero mali na naman ako. Dinala ako ni kuya sa playground, malapit sa amin. Walang mga batang naglalaro ngayon at napakatahimik ng lugar. Umupo ako sa swing at umupo rin si kuya sa swing katabi ng inupuan ko. 

"Kuya, ba't hindi pa tayo umuwi?"

"Mahal kita." Tiningnan ko si kuya at seryoso siyang nakatingin sa akin. Ngumiti ako. Syempre, bunso nga niya ako, diba? Pusang gala, ayaw kong magassume. Masakit.

"Syempre. Diba, bunso nga, diba?"

Hindi ngumiti o tumawa man si kuya- si Daniel. Napakaseryoso ng mukha niya. Lumapit siya sa harapan ko at lumuhod. Hindi nawawala ang tingin niya sa akin.

Hindi ako makapagsalita, walang pumapasok sa utak ko.

Napakabilis ng tibok ng puso ko, parang sasabog na.

"Aish. Ang hirap sabihin." Narinig kong bulong ni kuya at napayuko siya. Pero muli niyang inangat ang ulo niya at tumingin sa akin. "Oo, mahal kita bilang kapatid ko." Tumigil ang puso ko at para bang binagsakan ng isang mabigat na bagay. "Pero mahal rin kita bilang ikaw. Bilang si Kathryn. Noong nalaman kong ampon ako, ikaw ang unang pumasok sa isip ko. Ayaw kong mawala ka sa paningin ko. Gusto kitang itago sa bulsa ko para walang makakita sayo. Kasi gusto ko, akin ka lang. Ngayon, di ko na mapigilan. Natatakot kasi ako. Natatakot akong dumating 'yung panahon na mawala ka. Gusto ko, ako lang. Selfish na kung selfish pero gusto ko ako lang yung lalakeng aalagaan ka at mamahalin ka."

"Ikaw lang? Bawal si papa?" Hinampas ko si kuya.

"Ano ba 'yan, Kathryn?! Nagtatapat ako sayo, dito." Frustrated na sigaw ni kuya.

Napatawa ako. "Letse naman kasi, kuya, eh. Ang drama-drama mo. Ang haba-haba ng sinabi mo. Hindi mo man lang ako pinasalita. Para sabihin sayo na, oo, mahal din kita. Hindi bilang kuya ko pero bilang ikaw." Ngumiti si kuya, napakasincere.

Hinalikan niya ako sa noo.

Hinampas ko ulit siya. Ang unexpected, sobra.

"Makahampas 'to. Ang sweet mo, ah!" Nakangising saad ni kuya. Hinawakan ni kuya, ni Daniel ang kamay ko at pinatayo ako. Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Sobrang iba na ang yakap ni kuya. Parang wala ng tinatago, sobrang malaya sa pakiramdam. "I love you, Kathryn."

Namumula na ang pisngi ko sa sobrang kasiyahan. Tinago ko ang mukha ko sa dibdib ni kuya, kinikilig ako. "Daniel, kinikilig ako."

Napatawa lang si kuya.

Ganito nga siguro kapag inlove- SHEMAY, SI JULIA! 

Napabitaw ako sa yakap at tiningnan si kuya. "Daniel, si Julia... masasaktan siya. Kaibigan ko siya." Tanong ko kay kuya.

Muli niyang hinalikan ang noo ko.

"Wag kang mag-alala. Nandito ako, akong bahala." Sabi ni kuya at muli akong niyakap.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni Julia kapag nalaman niya 'to. Pakiramdam ko napakatraydor ko. Pero pwede namang maging masaya, diba?

"Kuya-, Daniel, I love you."
"Bunso, Kathryn, I love you too."

@kitkath
"Kung panaginip man 'to, sana hindi na ako magising. <3"

END OF CHAPTER SEVENTEEN
Thank you po sa pagbabasa!

Fifteen SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon