XVII. Three Words (Kathryn & Daniel)

Magsimula sa umpisa
                                    

Wow, snabero.

"Ba't ba ayaw mong magbasketball?" Tanong ni kuya nang matapos siya sa paglalaro.

"Eh, ba't ayaw mo bang magvideoke?" 

"Ganito na lang. Pag nashoot mo 'to, pupunta tayo sa videoke. Kapag hindi mo 'to nashoot, dito lang tayo." Saad ni kuya. Sinabi ko sa kanya na ang dali naman ng pinapagawa niya. Magshushoot lang naman, psh. "Pero nakatalikod ka." Dagdag ni kuya sabay smirk.

O-kay.

"Ang daya naman! Ba't nakatalikod?!"

"Bakit? Di mo kaya? Edi di-"

"Hindi! Kaya ko!" Sigaw ko.

Iniswipe ni kuya ang card at nalaglag na ang mga bola. Kumuha ako ng isa at tumalikod. Bad trip naman si kuya, oh! Pahirapan bago makapunta sa videoke! Huminga ako ng malalim at bumilang hanggang tatlo. Pusang gala, sana magshoot.

1...

2...

3...

"Asar, nagshoot." Rinig kong bulong ni kuya.

Tiningnan ko 'yung score at may nadagdag nga na points. "Wahaha, akala mo, ha?!" Sigaw ko at nagshoot nang nagshoot hanggang sa matapos 'yung laro. Sayang naman kasi kapag hindi ko tinapos. Pagkatapos, naghanap kami ng in-charge sa videoke at nagpaassist.

"Thanks po, ate!" Sabi ko sa babae nang nasa videoke room na kami.

Nginitian ako ng babae at lumabas na siya sa room.

Hindi ko alam kung bakit kanina ko pang gusto kumanta. Naglilihi ata ako sa mga kanta. Teka? Buntis lang ang naglilihi, ah?! Umupo si kuya at kinuha sa akin ang cellphone ko. Maglalaro nalang daw muna siya. Kinuha ko ang song book at naghanap ng pwedeng kakantahin. Omg, Mayday Parade! So Far Away, isa sa mga paborito kong kanta.

She's in love
And the world gets blurry
She makes mistakes
And she's in no hurry to grow up
'Cause grownups they don't understand her

Napatigil si kuya sa paglalaro at nagkatitigan kami. Umiwas ako ng tingin, kakasabi ko lang kanina na susuko na ako. Pero ba't ganun? Parang bigla kong gustong sabihin kay kuya na mahal ko siya, matagal na.

Well it's a big, big world out there
But she's not scared
She thinks that nobody cares about her problems
And she's probably right

Muli kong tiningnan si kuya, si Daniel, at nakatingin pa rin siya sa akin. Ba't ba sa dinami-dami ng tao, ikaw pa? Alam ko namang huhusgahan ako ng maraming tao. Pero ikaw pa rin. Hay, labo.

Fifteen SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon