CHAPTER 22: History repeats itself?

Start from the beginning
                                    

                “Hindi ako sasama sayo. Kuya, isa pa nga.” I-aabot pa lang sa akin ng bartender ang alak ay kinuha na kaagad ito ng lalake at ininom.

                “Ay, leche! Makaalis na nga.” Tumayo ako pero dahil sa hilo, hindi ko kinaya. Muntik na akong bumagsak pero nasalo ako kaagad ng lalake. Nang makatayo ulit ako ay tinulak ko ang lalake at pilit na lumakad ng mag-isa kahit pasuray-suray na ako. May bumunggo sa akin na naging dahilan ng pagbagsak ko, then everything went black.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(---ADRIAN’S POV---)

Nandito kami sa office ni Dad. Si Lolo Vin, nakaupo sa isang upuan sa tabi ng desk ni Dad. Umuwi si Lolo Vin dito para umattend ng wedding anniversary nila Dad.

Hindi ko gusto ang nangyari kagabi sa party at sa lahat pa ng babae na ipapakasal sa akin ay si Elise pa. Hindi kami magkasundo ni Elise.

                “Hijo, umupo ka na muna. Nahihilo na ako sayo.” Utos ni Lolo Vin.

Umupo ako sa sofa na nasa loob ng office ni Dad pero tumayo din ako. Asan si Dad? Nasa labas at may kausap na kliyente sa telepono. Maya-maya lang ay pumasok na si Dad.

                “O, bakit kayo nandito?” patay malisya si Dad sa dahilan kung bakit ako nandito.

                “Anak, bakit hindi mo sinabi sa akin at pati na rin sa apo ko na may engagement pa lang magaganap.”

                “Oo nga, Dad. Bakit hindi muna nyo ako tinanong kung payag ako o hindi?” kalmado na tanong ko sa kanya. Alam kong lahat ng gusto niya ang dapat masunod pero hindi ngayon. Hindi na ako papayag.

                “Adrian, there’s nothing you can do. Naka-set na ang lahat from engagement party to your wedding. It’s all planned out.”

                “What?! That’s it? Basta nyo na lang ako ipapakasal sa babaeng hindi ko mahal?!”

                “Then who do you want to be married with?! To that girl beside you?!”

                “Yes! I love her more than my life!”

                “Adrian, you’re pathetic! Wala kang mapapala sa babae na yon. Hindi katulad ni Elise, maganda at nagmula sa isang kilalang pamilya!”

                “So, it’s all about your reputation, huh?!”

                “Yes! From now on, I don’t want to hear anything about that girl you’re talking about. You’re just wasting your time on her! Focus on Elise! She’s your fiancée!” nagsisigawan na kami ni Dad habang si Lolo Vin ay tahimik na nakikinig sa amin.

                “NO! My answer is final! I won’t let you control my life again!” lumabas ako ng office ni Dad at dumiretso sa kwarto ko. Sa sobrang galit ko ay sinuntok ko ang pader.

Hindi ko namalayan na may tumulo na luha mula sa mga mata ko.

Mahal na mahal ko si Jen. Yes, I love her more than my life. Hindi ko hahayaang may humadlang sa amin. Hindi ko hahayaan na kontrolin ulit ni Dad ang buhay ko. 

*BEEP*

Tiningnan ko ang Iphone ko. Nag-text si Elise.

                From: Elise Kim

“Adrian, we need to talk. I don’t want to get married. I love somebody else. I have a plan.”

                Reply to: Elise Kim

“Sige, meet me at Starsky Coffee Shop. 5 PM.”

                From: Elise Kim

“Ok. I’ll be there.”

Kung ganoon, hindi lang pala ako ang may ayaw sa arranged marriage. May paraan pa para hindi ito matuloy. Kung hindi man uubra ang plano ni Elise, mapipilitan akong itanan si Jen.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nakalabas na ng office ni Dwight ang anak niyang si Adrian. Ang dad naman ni Dwight na si Vin ay tahimik na pinagmamasdan ang anak.

                “Dwight, bakit mo ginawa iyon sa anak mo?” mahinahong tanong ni Vin.

                “Dad, gusto ko lang naman na maging maayos ang buhay ni Adrian.” Sagot naman nito.

                “Maayos? Sa tingin mo, naging maayos ba ang buhay ni Adrian sa ginawa mo?” ilang minuto din natahimik si Dwight.

                “Para sa kanya din naman itong ginagawa ko, Dad.”

                “Para sa kanya? E kanina lang, inamin mo na ginagawa mo ito para sa reputasyon mo.”  Natahimik ulit si Dwight at napayuko.

                “Anak, alam kong mahal mo ang anak mo, pero hindi tama ang ginawa mo. Ganito din ba ang ginawa ko sayo noon? Hindi diba? Hinayaan kita sa gusto mo. Hinayaan kitang mahalin ang taong mahal mo. Hinayaan kitang pakasalan ang asawa mo ngayon. Pero ni minsan ba, pinilit kitang magpakasal sa ibang babae? Pinigilan ba kita sa mga gusto mo sa buhay? Pinigilan ba kita sa pagpapakasal mo sa asawa mo ngayon?” Alam ni Vin ang pakiramdam na ipagtabuyan ng mga magulang ng minamahal mo. Masakit para sa kanya na hindi siya tanggap ng pamilya nito. Wala naman mali sa kanya. Mas mahalaga lang talaga noon ang estado at reputasyon nang isang tao sa buhay.

------------------------------------

Si Vin ay nagmula sa isang mahirap na pamilya. Bago niya nakamit ang tagumpay na mayroon siya ngayon ay dumaan muna siya sa butas ng karayom. Nagmahal din siya tulad ni Dwight at Adrian, pero sa maling babae. Galing sa isang kilalang pamilya ang babaeng minahal niya. Tutol ang mga magulang nito sa kanya dahil mahirap lang siya. Itinanan niya si Marie noon malaman niya na ikakasal na ito sa ibang lalake. Pumunta sila ng maynila para makipagsapalaran. Nagsikap si Vin at unti-unti ay umunlad ang buhay nila. Nagkaroon sila ng dalawang anak, si Mae at si Dwight. Parehas niyang hinayaan ang dalawa na magdesisyon para sa sarili nila. Kaya hindi malaman ni Vin kung bakit pinipilit ni Dwight ang anak nito para pakasalan ang isang babae na hindi naman niya mahal. Ayaw niyang mangyari ulit ang ginawa niya noon. Ayaw nya humantong sa ganoon desisyon si Adrian kahit na alam niya na sa mabuting kamay naman sila mapupunta.

----------------------------------

                “Anak, ano ba ang mas matimbang sayo? Yan reputasyon mo o ang kaligayahan ng anak mo? Pag-isipan mo ang sinabi ko sayo, Dwight. Kahit ako ay tutol din sa naging desisyon mo at ako mismo ang gagawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal.” Tumayo na si Vin at lumabas ng office ni Dwight. Habang si Dwight ay naiwan at halatang malalim ang iniisip.

Crazy Textmates to Crazy Couple?Where stories live. Discover now