Chapter 2

155K 3.2K 298
                                    

Chapter 2

Wanna Get Killed?

Nagising si Savannah dahil sa pag-ring ng kanyang cellphone at dahil tamad siya, hindi niya ito sinagot kahit alam niyang ang ama niya ito. Itinaklob niya ang kanyang unan sa kanyang tenga at mariing ipinikit ang kanyang mata. Sa lahat ng ayaw niya ay 'yung magigising siya dahil sa tunog ng telepono pero dahil may lahing makulit ang tatay niya, palagi itong tumatawag sa kanya ng sobrang aga para kamustahin siya at para na rin kulitin siya.

Sa huli ay wala na rin siyang nagawa kundi ang sagutin ang kanyang telepono.

"Problema mo?" pabalang niyang sagot sa caller na si Van.

"Hoy, Savannah! Daddy mo 'to! Kung makasigaw ka riyan, eh! Kakatusan kita!" sigaw ni Van sa kabilang linya.

Mas lalo namang napakunot ang noo ni Savannah. "Sige, kutasan mo kung kaya mo. Ano bang kailangan mo, Dad?" Humiga siyang muli at ipinikit ang kanyang mata habang nakalagay pa rin sa kanyang tenga ang kanyang telepono at hinintay ang sagot ni Van.

"Kamusta ang school? Maayos ba ang grade mo? Wala bang nambubully sa 'yo? Sabihin mong wala ka pang boyfriend!"

Napangiti naman si Savannah dahil kay Van. Kahit na palagi silang nagtatalo nito sa telepono ay natutuwa pa rin siya na kahit malayo sila sa isa't-isa ay hindi nito nakakalimutang kamustahin siya at tanungin ang mga ginagawa niya. Ganoon din si Kisha, kahit na ilang milya ang layo nila, nagagampanan pa rin nito ang pagiging isang ina

"Dad, sa tingin mo ba hahayaan kong may mambully sa 'kin? Bago pa nila magawa 'yon mabubura na sila sa mundo." Dahil sa isang supportive na ama si Van ay napangisi siya sa sagot ng anak. "At isa pa, wala akong boyfriend. Happy?"

"Manang-mana ka talaga sa 'kin! Basta kapag may umaway sa 'yo ipapadala ko riyan ang mga representatives para sa resbak!" Napailing naman siya dahil sa sinabi ng ama. "Nga pala, napatawag ako para sabihing pupunta d'yan sina Blade, Jinnah at Irrah."

Her mouth formed into an 'o' when she heard the good news. She's been waiting for this to happen. Magkakaroon na rin siya ng kasama sa mansyon at 'yon ay sina Blade Lockhart, ang anak nina Wade at Victoria, si Jinnah Williams na anak naman nina Jick at Farrah pati na rin si Irrah Falcon na anak naman nina Israel at Jullia. Kahit na mas naunang ipinanganak si Savannah, ngayon ay parang magkakaedad lang sila. Dahil nga mabilis ang development nila ay pagdating nila rito sa Pilipinas ay maari silang mag-enroll sa klase ni Savannah.

"Then that's great! When?" she asked excitedly.

"Next week pupunta na sila riyan para mag-aral at mag-stay diyan. Hindi ka pa namin madadalaw sa ngayon dahil abala kami sa paglibot sa iba't-ibang parte ng mundo upang makilala pa ang ibang kasama sa Vampire Clan."

"It's okay. I can wait. How's Mom? Is she with you?"

"No. She's with Victoria. Nagshoshopping sila. Sabi naman niya sa 'kin tatawagan ka niya pagkauwi na pagkauwi nila."

"Well then you can hang up now, Dad. Wala na naman akong sasabihin sa 'yo at mukhang wala ka na rin namang sasabihin."

"Wait!" Nailayo naman niya ang telepono sa kanyang tenga sa biglang pagsigaw ni Van. " 'Wag ka muna magbo-boyfriend! Bye!"

Hindi na niya nagawang sumagot sa sinabi ng ama dahil bigla na lamang nitong ibinaba ang tawag. Napabuntong hininga na lamang siya at tumayo na para makapaghanda sa pagpasok sa eskwela. Masaya siya ngayon at dadating na sina Jinnah, Blade at Irrah. Kahit na may ibang bampira na napasok sa eskwelahang pinapasukan niya, hindi pa rin niya magawang makipagkaibigan sa mga ito dahil natatakot sila sa kanya at hindi naman gaanong madaming bampira ang napasok doon, karamihan pa rin ay mga tao.

The Prodigious VampireWhere stories live. Discover now