Matapos niyang makaligo at makapagbihis ay 'agad na siyang dumiretso sa labas ng bahay kung saan nakalagay ang kanyang bisikleta. Hindi niya tinanggap ang regalong mamahaling kotse galing kay Van dahil mas gusto niyang gumamit ng bike. Hanggang ngayon ay nakatambak lang sa garahe ang kotseng iniregalo sa kanya.

Habang nagbabike siya patungo sa school ay nakita niya si Warren na nakabike rin na paliko sa kantong papunta sa eskwelahan. Binilisan niya ang pagpapatakbo ng bike hanggang sa maabutan ito.

"Nakabike ka na naman? 'Di ba sabi ko sa 'yo 'wag ka ng gagamit niyan kung naka-palda ka?" bakas sa mukha ni Warren ang pagkainis dahil sa dalaga.

"Eh, ano naman ngayon? Naka-cycling naman ako sa loob." Bumelat si Savannah sa kanya at napailing na lamang ang binata dahil dito. Itinigil niya ang kanyang bike kaya napatigil na rin si Savannah. Binuksan ni Warren ang kanyang bag at inilabas ang kanyang jogging pants. Ibinato niya ito kay Savannah at agad naman nitong nasalo.

"Aanhin ko 'to?" nakakunot noong tanong ng dalaga.

"Kainin mo." sarkastiko niyang sabi. Sinamaan naman siya ng tingin ni Savannah dahil sa pamimilosopo niya. "Isuot mo bago pa pagpyestahan ng mga manyak ang kung ano mang masisilip sa 'yo." Sumakay na si Warren sa kanyang bike at nauna ng umalis. Naiwan naman si Savannah na nakatayo habang hawak ang jogging pants at nakatingin sa papaalis na si Warren. Wala na siyang nagawa kundi ang isuot ang jogging pants. Naka-palda pa siya habang isiunot 'yon at nagpatuloy na rin siya sa pagbabike. Binilisan niyang muli ang pagpapatakbo upang maabutan si Warren. Minsan natatawa na lang si Savannah sa pagtrato sa kanya ni Warren, mas overprotective pa ito kesa sa kanyang ama.

Nang makarating sila sa school ay 'agad namang pinagtinginan si Savannah. Hindi na niya ito pinapansin dahil sanay na siya, wala yatang hindi nakakakilala sa kanya rito sa school...well, bukod kay Law. Bigla niya itong naalala pero iniiling na lamang ang kanyang ulo para mawala ito sa isip niya.

"May problema ba? Masakit ba ang ulo mo?" nag-aalalang tanong ni Warren.

Natawa naman si Savannah dahil dito. "Alam mo Warren, kung hindi lang kita bestfriend mapapagkamalan ko ng may gusto ka sa 'kin. Ilang balde ang isusuka ko kapag nangyari yon" pabiro niya itong hinampas at ngumiti lamang sa kanya ito. Ginulo-gulo ni Warren ang buhok ni Savannah tsaka ito inakbayan. Sabay silang lumakad sa hallway patungo sa room.

" 'Wag kang mag-alala, hindi mangyayari 'yun, ayokong mamatay ka sa sobrang pagsuka" nagtawanan lamang sila hanggang sa makarating si Savannah sa kanyang room. Hindi sila magkaklase ni Warren sa lahat ng subject kaya magkahiwalay sila ng room. Palagi siyang inihahatid ni Warren sa room niya bago ito pumunta sa sarili nitong room. "Magkita na lang tayo mamayang lunch break" muling ginulo-gulo ni Warren ang buhok ni Savannah at lumakad na palayo. Pumasok naman si Savannah sa loob at dumiretso sa dulong bahagi ng room kung nasaan ang kanyang table at upuan na nasa may tabi ng bintana.

"Narinig mo ba? 'Yun daw si Law ng Class B, lilipat na rito sa subject na 'to?"

"Eh? Bakit daw?"

"Sinukuan na siya ni Mrs. Valdez. Sakit daw sa ulo! To think na bago pa lang siya rito!"

"Oh my God, I think Math will be my worst subject now!"

"Sinabi mo pa! Gwapo nga pero nakakatakot ang itsura! Laging masama kung makatingin!"

Hindi naman napigilan ni Savannah na makinig sa usapan ng dalawang chismosa niyang kaklase na kalapit lang ng upuan niya. Nakuha kasi ng mga ito ang atensyon niya ng mabanggit nila ang pangalang Law. Itinuon na lamang ni Savannah ang kanyang tingin sa nakabukas na bintana. Pumikit siya at dinama ang ihip ng hangin na tumama sa kanyang mukha pero pagmulat ng kanyang mata ay nagulat na lamang siya ng may isang pigura na lumitaw mula sa ere at pumasok sa pamamagitan ng bintana. Napasigaw ang iba dahil sa biglang pagsulpot nito sa may bintana.

The Prodigious VampireWhere stories live. Discover now