"Kausapin mo siya mamaya at sabihin mo sa akin kung may problema para masolusyunan ko. Naiintindihan mo ba ako?"

"Opo, Tita," sagot niya.

"Kailangan ko nang umuwi. Inu-obserbahan ko ngayon si Forrest. Medyo kakaiba ang ikinikilos ng batang 'yun ngayon. Mukhang problemado."

"Baka naman gusto n'yang balikan si Saide," aniya at napatiim-bagang ang babae.

"Subukan n'ya lang at matatanggalan siya ng mana. I will disown him."

Alam ni Auberon kung gaano ka-ruthless si Juliana Kühn kaya hindi niya sinusuway ito kahit na minsan ay sumusobra na ang pangingialam nito sa buhay niya to the point of controlling her. Minsan naiisip niyang wala na siyang karapatan sa sarili niyang buhay.

Katulad ni Forrest.

Hindi nagtagal ay umalis na rin si Juliana. Tinawagan nila si Gaius pero hindi ito nakipagkita sa ina. Hindi talaga alam ni Auberon kung ano ang rason kung bakit matindi ang galit nito sa ina.

Pinuntahan niya si Sophia sa dorm room nito pero hindi niya ito nakita r'on. Wala rin ito sa opisina ng student council.

"Neschume, nakita mo ba si Sophia?" tanong ni Auberon sa babae nang makita niya ito sa cafeteria.

"Hindi ko s'ya nakita," sagot naman nito na busy sa pagkuha ng mga plato mula sa mga mesa. Ito na rin ang maghuhugas ng mga ito.

"Hindi s'ya napadpad dito?" tanong niya uli habang isa-isang tiningnan ang mga estudyanteng kumakain.

"Hindi," maikli nitong sagot saka siya tinalikuran.

Pinigilan niya ito sa kanang braso kaya kunut-noo siya nitong nilingon.

"Samahan mo ako," she wasn't asking. She was commanding.

"May trabaho ako, Auberon," nanatili ang flat na boses ni Neschume. Alam niyang ayaw nito sa ginagawa niyang pangingialam dito pero wala itong magawa dahil alam niya ang plano nito.

"Sumama ka sa akin kung ayaw mong isumbong kita."

At 'yun nga ang nangyari. Iniwan nito ang trabaho at nagalit pa ang in-charge ng cafeteria pero wala itong nagawa nang malamang si Auberon Kühn pala ang may pakana ng lahat ng inconvenience nila.

Kasama si Neschume, nilibot ni Auberon ang buong academy hanggang sa wakas ay natagpuan din niya ang hinahanap.

Kausap nito sina Rifka Strauss at Tatiana Bloodworth sa isang coffeeshop sa Emporium pero hindi na nila naabutan ang dalawa dahil nakaalis na ang mga ito nang makalapit sila.

"What do you think you're doing? Why were you talking to our enemies?" galit na tanong ni Auberon at kampante lang si Sophia na nakatitig sa kanya habang sumisimsim ito ng frap nito.

"Sinabi mo ba sa kanila ang tungkol sa kasunduan nating tatlo?" tanong naman ni Neschume na halatang kabado.

Hindi pa rin sumagot si Sophia pero naglalaro sa mga mata nito ang amusement.

Galit na ibinagsak ni Auberon ang dalawang palad sa mesa kaya lumikha iyun ng ingay. Napatingin pa sa gawi nila ang ibang customers at staff.

"Don't mess with me, Sophia. Alam mong kaya kong sirain ang buhay mo. Isang physical test lang, pwede ka nang mapatalsik mula sa academy."

Lalong nag-init ang ulo ni Auberon nang makitang ngumisi si Sophia.

"Sasabihin mo sa academy na user ako ng Cratus? Sige lang," anito. Her voice was loud enough for the students to hear them kaya napatitig siya sa babae.

SentryWhere stories live. Discover now