Episode 8: His Decision ( Part 1 )

Start from the beginning
                                    

"Sa tingin ko hindi na. Kitang kita naman sa CCTV kanina kung gaano na kalaki ang pinagbago niya. Ang dating santong bestfriend natin ay ibang iba na kumpara ngayon" Sagot ko. Maya maya pa ay nakita ko na siyang tumayo.

"Pinili niya ang maging kalaban natin. Pinili niya ang maging isa sa Walong Diablo. Kaya simula ngayon, wala na akong kilalang Elon Fuentes." Ang seryoso ng tono ng boses niya kaya nakaramdam ako ng kaonting kaba. 

Ano bang nakain mo at pumasok ka rin mundong pinasukan namin ni Hell, Elon?


******


[ Virgel's PoV ]


Tatlong katong mula sa pintuan ang narinig ko kaya napagising ako ng wala sa oras. "Sino 'yan?" Sobrang antok pa ako pati ng boses ko. Napatingin ako sa orasan. 4:30 palang. Masyado pang maaga. Ngayon na ba agad magsisimula ang training?

Tuloy parin ito sa pagkatok kaya bumangon na ako para pagbuksan. "Sandali." Kinusot kusot ko muna ang mga mata ko habang papunta sa pintuan.

Pinihit ko yung doorknob at tsaka ito binuksan. "Ngayon naba ta--"

Biglang nawala ang buong antok ko sa katawan nung makarinig ako ng isang putok ng baril pagbukas ko. Maya maya pa nakaramdam nalang ako bigla ng pamamanhid sa bandang hita ko. Tapos unti unti itong nangalay dahilan para matumba ako.

Anong..

Napatingin ako sa hita ko. May tama ng bala..


Tinamaan ako...


Pagkatingin ko ulit sa harap ko, may isang pigura ng lalaki at nakatutok ang hawak niyang baril sakin. Di ko makita yung mukha niya dahil sa ilaw na nanggagaling sa likuran.

Di ako makapag  salita. Sobrang bilis ng pagkabog ng dibdib ko habang nakatingin sa baril sa harap ko. 

A-ayoko pang mamatay..

Kusa nalang nangatal ang bibig ko sa sobrang takot at walang habas na tumulo ang mga luha ko. Halos maihi narin ako sa sobrang kaba ng nararamdaman ko.


"W-wag.." Isang salita lang ang tanging nasambit ko. 


Katapusan ko na ba?


"Paalam, Virgel."


At isang putok nalang ang muling narinig ko bago ako tuluyang mapabangon sa pagkakahiga

Tulala lang akong nakatingin sa kumot ko habang kinakapos ng hininga. Dali dali kong inalis ang kumot at tinignan ang hita ko. Walang tama..

"P-panaginip.." Nasambit ko nalang at tsaka pinahiran ang noo kong pawis na pawis na. 

Ang pangyayaring yun. Bakit parang totoo? Nangangatal parin ang bibig ko. Kahit anong isip ko na panaginip lang yun ay ayaw maniwala ng katawan ko. 

"Paalam, Virgel.."

Sino yung lalaking 'yun? Hindi ko makita yung mukha niya pero ang boses niya, parang kabisado na ng tenga ko yung boses niya. Lalo na sa tono ng pagtawag niya ng pangalan ko. Kakilala ko ba 'yun? Pero bakit niya ako gustong patayin?

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now