TRB 1

2.6K 73 62
                                    


Mika's

I entered my house, removed my stilleto and tip-toed my way papunta sa hagdan nang biglang bumukas ang ilaw.


"AEREEEEN!" rinig kong bulyaw ni dad nang paakyat na sana ako. Hinintay niya pala ako. "Saan ka nanaman galing bata ka?" I smirked, si dad talaga napakamainitin ng ulo.

"Sa tabi tabi lang dad." I answered and gave him a kiss sa kanyang cheeks.

"Amoy alak ka nanaman. Ilang beses ko ba dapat sabihing itigil mo na yan ha?"

"Dad, I'm a teenager, what do you expect?" sagot ko at ininom yung iniinom niyang johnny walker.

"You are supposed to be studying!" kunot noo nitong sabi.

Mika Aereen Reyes, 19 years old, the rule breaker.

I hate it when dad keeps telling me to do this, don't do that, nakakayamot.

"At bakit ganyan ang suot mo? Napakaikli." I was wearing a red dress kasi, 2 and a half inches above the knee.

"Dad, ang wrinkles." nakangiti kong sabi dito.

"Hindi ko na alam ang dapat gawin sayo." at napaupo na lang siya sa sofa habang minamasahe ang ulo niya.

Naupo naman ako sa arm rest ng sofa at yumakap kay dad. I know ang sakit ko sa ulo pero this is me.

"Dad you should stop stressing yourself." paglalambing ko dito.

"How can I do that kung ganyan ka kasutil? Ano bang klaseng pagpapalaki ang ginawa ng mommy mo sayo?"

I rolled my eyes internally, here goes the drama.

My mom and dad seperated when I was young. Only child ako, at dahil bata pa nga ako, my mom had the custody.

I don't know why, kinuha niya ako pero hindi niya ako inalagaan. Mas itinuon pa ang pansin sa paghahanap ng bago niyang makakasama. I am an attention seeker, I wanted her attention so I became what I am today.

Laman ako ng guidance noon kasi dun lang ako ni mommy natitingnan ng mata sa mata. Nakakainis lang kasi nung medyo nagkaisip ako, I told her na kay dad na lang ako pero ayaw niya.

Although dad gives me the attention my mom can't give, it wasn't enough to fix this attention seeking attitude problem of mine, kumbaga, huli na yung lunas. It's already a part of me, is it really? I never tried changing.

Kami lang naman magkasama ni dad sa malaking bahay na ito, may mga bodyguards din ako pero natatakasan ko lang sila.

"Ram!" pagtawag ni dad sa bodyguard ko.

"Sir." nakayuko nitong sabi.

"You're fired." casual na sabi ni dad. I've heard it more than ten times na for this month.

I should be thankful na wala na akong bodyguard but I'm sensing something na hindi maganda.

"I am so tired of this Aereen, paulit ulit na lang. Mauubusan na ata ng bodyguards yung agency nila kakafire ko dahil hindi ka naman nila kayang bantayan." kunot noong sabi ni dad at tumayo.

"C'mon dad! I can handle myself." I smiled at him, I know he can't resist it.

"Your charm won't work this time young lady. Bukas na bukas may bago ka na ulit na bodyguard, and hopefully, she will be the last."

That had me thinking, lalaki nga nagagawa kong takasan ano pa kung babae diba? But whatever, she'll be fired naman agad agad. I kissed dad good night and went straight to my room.

*****


After fixing myself, I went down para pumasok na ng school. Kahit naman gaano ako kapasaway, I'm still doing my part as a student. Although I don't excel sa class ay okay lang, I study to pass lang naman.

"Aereen." pagtawag sa akin ni dad na nagbabasa ng dyaryo.

"Dad, papasok na po ako." sabi ko.

"She's your new bodyguard." sabay pat niya sa likod ng katabi niyang kumain.

"Really dad? Yang payatot na yan ang bodyguard ko? Baka naman isang ihip ko lang sa kanya ay matumba na yan." pangungutya ko sa gusto niyang maging bodyguard ko pero ngumiti lang si dad.

"Victonara Galang po. Ara na lang po." Tumayo naman ito at inoffer ang kamay niya kaya napataas ang kilay ko dahilan para maupo na ulit siya.

"Victonara? What a lousy name." napairap na lang ako.

"Aereen, stop it." sabi ni dad.

"Ara ikaw na bahala sa anak ko ha. Take note sa lahat ng sinabi ko." tumango naman iyong Ara.

Her hair was short, (Ara G's hairscut nung S76 ❤️) ang payat and she's shorter than me. Does dad really think that this girl could protect me? Dad is a politician kasi so madami siyang kaaway kaya pinipilit niya na kailangan ko ng bodyguard. Sus, I can manage naman.

"Ingat kayo anak." sabi ni dad at humalik na ako sa pisngi nito. "And by the way, she's studying at your school too."

"Whatever dad, sooner or later you'll fire her, but if you won't, I'll make sure she'll quit." I smiled.

Pinagbuksan naman ako ni payatot ng pinto bago naupo sa may driver seat. She turned the radio on and a very boring song play, as in nakakaantok so I plugged my phone and played a metallic song.

"Mam okay lang po ba hinaan?" tanong nito.

"No." I smirked.

"Okay po." she answered.

Hinatid pa ako nito sa classroom ko to make sure na papasok ata ako. Duh, nag aaral ako, hindi nga lang maigi.

"Mam, I'll fetch you later po." sabi nito as if naman hihintayin ko siya.

I want her to be fired agad agad. Ayoko ng aura niya. There's something in her na nakakainis na mismong paghinga niya kinaiinisan ko. So I plan to get away from her later.

"Fetch me if you can." sagot ko at ngumiti ako ng nakakaloko.

The Rule BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon