" I don't care about your,reason and whatever it is I don't care! "

Iniwan nyang luhaan si Analie at simula ng araw na yun ay naging kakompitensya niya ito sa lahat ng bagay.

    "Analie I'm sorry wala akong idea sa gusto mong sabihin noon, but if you just tried to tell me maybe I  understand."

     "Analie,please stop this,wala kaming kinalaman sa nangyari sa kapatid mo." Sagot no Gabriel.

     "Mahal kita Gabriel." Sabi ni Analie.

      "Pero wala akong nararamdaman para sayo,si Avery ang mahal ko."

      "Pwes hindi kayo liligaya." Sabi ni Analie at kinuha mula sa bag ang dala nitong baril at itinutok Kay Avery."mamili ka ngaun ipapaubaya mo si Gabriel sa'min o mamatay ka?"

Lahat ng tao ay napasigaw sa ginawa ni Analie. Ng mga oras na yun ay hindi maintindihan ni Gabriel kung ano ang gagawin.

     "Analie ibaba mo yan nakikiusap ako." Sabi ni Avery.

      "Sige maki-usap ka mag makaawa ka Avery,gusto kong lumuhod ka para maisip mo ang lahat ng kahihiyan na inabot namin magkapatid ng mga panahon kailangan nya si Blake."

Napatingin si Avery kay Gabriel, atsaka dahan-dahan syang umupo para lumuhod.
Halos mangatal si Avery ng iumang ni Analie ang dulo ng baril sa kanyang sintido.

      "Analie please maawa ka naman sa'kin, buntis ako ayaw kong mawala ang anak ko." Sabi ni Avery na umiiyak.

Ngunit tila walang naririnig si Analie, ng akmang kikilos si Gabriel.

     "Try to move or else she's going to die."

Samantala mabilis ang pagmamaneho na ginagawa ni Amelia, halos lahat ng simbahan ay napuntahan na nya ngunit di nya makita sila Gabriel.

      "God help me, please." Bulong ni Amelia sa sarili. Hanggang sa napadaan sya sa isang Resort na may bridal car sa labas. Agad syang nagtanong sa guard na naroroon,ng makonpirma nyang sila Gabriel nga ang naroroon ay agad syang tumakbo sa loob. Hinanap nya ang pinagdarausan ng kasal. Halos mamutla siya sa nakikita.

      "Ate stop!" Sigaw ni Amelia na ikinalingon ni Analie at ng mga tao sa paligid.

     "Amelia!" Gulat nitong sabi at napatingin sa kapatid na matuwid na naglalakad."kailan ka pa napakalakad?"umiiyak nitong tanong.

Marahan lumakad si Amelia palapit kay Analie. "Matagal na ate ngunit inilihim ko sayo dahil balak kitang isorpresa sa birthday mo,but i am the one who got surprise sa mga ginagawa mo?"

      "Gumaganti lang ako, para sayo."

      "That you shouldn't be!"

      "Amelia,are you insane we're longging for this."

     "I know ate but hindi ganito,why do you have to threaten them, it's not all because of me,your doing this for yourself!" Ang galit na sabi ni Amelia.

Ng maagaw ni Amelia ang  pansin ni Analie ay marahan tumayo si Avery at ng akmang hahakbang sya ay muling nagsalita si Analie.

     "Avery!" Sigaw nito kasabay ng pagkabit ng gatilyo ng baril nito.

     "Ateeee."

     "Averyyyy!" Sigaw ni Gabriel ng makitang bumagsak sa sahig ito ay duguan. Tila tulala naman tumakbo si Analie dahil sa nangyari. Nagkagulo sa loob ng pavilion kung saan hinahanap ang kasalan.

Humahagulgol si Gabriel ng halos wala na syang makapang pintig sa puso ni Avery.
   
      "Hold Love malapit na tayo sa hospital! Wag mo naman akong iiwan mahal na mahal kita." Umiiyak ba sabi ni Gabriel.

{Completed} Straight From the Heart {Editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon