Thirteen

6.1K 255 10
                                    

♡♡♡♡

"Alam mo nahihiwagaan ako sayo." Sabi ni Jaymie Kay Avery ng minsan ay nasa isa silang Mall. Sa loob ng dalawang linggo nila sa Pinas ay masasabing nag-e-enjoy ang dalawa.

    "Bakit naman?"

    "First,kakaibang ang ningning ng yung mga mata,second is kinakausap mo na si Gabriel ng maayos,so what do you think it's not a mystery?"

     "Usyusera kang buntis ka! Sandali nga? Tell me Jaymie, mula ba ng mag punta tayo ng Quezon alam mo ng si Gabriel yung owner ng Resort?"

    "Kinda! Pero na-sure ko lang ng makita ko sya ng paalis na tayo, atsaka napaisip din kasi ako ng marinig ko yung boses nya then para sa confirmation tumawag ako kay Brian,at sinabi nya na nasa Pinas nga si Gab."

      "So,wala kang balak na aminin ito sa'kin?"

      "Big deal ba? Eh masaya ka naman di ba?"

     "Ha? Saan ako masaya?"

     "Hoy Avery wag kang super denial dyan,alam Kong nag-e-enjoy ka na sa company ni Gabriel!"

      "May sense of humor pala kasi syang kausap,at yung inis at galit na nararamdaman ko noon sa kanya ay unti-unti ng nawawala."

     "Oww! Interesting,I can feel that love will be on the air soon."

     "Baliw kang buntis ka!"natatawang wika ni Avery.

Hapon na ng naisipan umuwi ng dalawa sa Antipolo, pagpasok nila sa bahay ay agad na nakatinginan ang magkaibogan dahil sa mabangong amoy na   sumalubong sa kanila.

    "Manang?"ang tawag ni Jaymie sa kanilang kasambahay na agad naman lumapit." Anong niluluto nyo?"

     "Ah Mam, hindi po ako nagluluto si Sir Gab po,ginataang alimasag po."

     "What? Si Gabriel nandito?" Tanong ni Avery.

     "Wow! bingi! Kasasabi lang ni Manang di ba?" Sagot naman ni Jaymie."arte lang ano Manang? "

     "Jaymie!"

     "What? Avery?" Nakataas ang kilay na tanong nito.

Natatawang iniwan ni Jaymie ang kaibigan at nagtungo sa kusina. Alam nyang unti-unting nahuhulog ang kaibigan Kay Gabriel at masaya sya para dito kaya naman ginagawa nya ang lahat para lalong nagkalapit ang dalawa,sinadya nyang papuntahin si Gabriel sa bahay para magluto ng isa sa mga paborito ni Avery. Weakness ni Avery ang ganitong style,dahil mas lalo nitong minamahal ang isang taong magagawa ang mga pagkain nitong gusto,gaya ng yumaong si Blake.

      "Prof?" Bating biro ni Jaymie sa binata.

     "Hey! Kanina ka pa?" Sagot nito na lampasan ang tingin sa dalaga.

     "Hmm,not really. She's upstairs nag iinarte."

     "Ha?"

      "Isa ka pa,nagmamaang-maangan, Gabriel ano may chance na ba?" Tanong ni Jaymie habang panay ang tikim sa pagkain na niluluto ng binata.

     "Ewan ko Jaymie, kasi normal lang naman syang kausap, kapag sinasabi ko ang feeling ko,she change the topic."

      "Patient Prof.sabi nga eh kapag may tyaga may nilaga."

      "Yah,your right and I will."

Mula ng umakyat si Avery sa kanilang kwarto ni Jaymie ay hindi pa sya bumaba,naiinis sya kaibigan dahil wala na itong gawin kundi ang biruin sya. At ang mahadera nyang kaibigan ay hindi pa umaakyat nanadya ata. Ipinasya nyang maligo muna bago bumaba. Matapos maligo at magbihis ay ipinasya nyang bumaba, sa sala ay naabutan nyang masayang nagtatawanan sila Jaymie at Gabriel.

{Completed} Straight From the Heart {Editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon