Para akong wala sa sariling nagpapatianod sa kaniyang kamay na nakahawak sa akin.Saka lang ako natauhan ng paupuin nito sa aming sofa.

'Uminom ka na ba ng gamot?'

At siya namang pag iling ko.

'Well,mukhang hindi ka pa rin kumakain'

Napatingin ako sa kaniya ng tumayo siya at dinukot ang cellphone nito sa bulsa niya at maya maya ay may kausap na sa linya nito.

Hindi ko masyado marinig ang kaniyang mga sinasabi sa kausap dahil sa ingay rin na nanggagaling sa palabas ng T.V.

Napansin ko na lamang siyang naghihiwa ng prutas sa tabi ng lababo ng aming kusina.

Saka siya bumalik sa aking tabi dala ang mga hiniwa hiwang prutas na nasa bowl.

"Kumain ka ng marami,"ng ilapag ito sa tabi ko.

Tila batang paslit akong sumunod sa kaniyang sinasabi.

Matapos kong maubos ang kaniyang dinalang prutas ay saka nito inabot ang gamot na hindi ko alam kung saan niya nakuha.

Nang mainom ang gamot saka naman siya umupo sa tabi ko.

Bukas pa rin ang t.v pero hindi ito ang dahilan para mabingi ako.Mabingi sa lakas ng pintig ng puso ko.

Parang nanlalambot ang aking mga tuhod sa mga sandaling iyon.Sa sandaling nagdidikit ang aming mga balat sa braso.Nakakapanindig balahibo!

Pati ang amoy ng pabango niya nakaka adik.Argh!

Kahit na nakatingin ang aking mga mata sa telebisyon,nakapukol naman ang aking isip sa kaniya.

Teka bakit nga ba ako umaakto ng ganito?

Hindi ba dapat lumalayo na ako sa kaniya?

Pero bakit..

Bakit hinahayaan kong gawin niya ang mga ganitong bagay..

Bagay na hindi naman dapat gawin.

Umisod ako konti palayo sa kaniyang tabi.

Pero siya namang lapit nito sa akin.

'Hmmm..ano nga pala ang dinaanan mo at naisipan mo pang dumaan din dito.'

'Nakatanggap kasi ako ng tawag sa kakilala ko.Humihingi lang ng tulong nagkataon lang na dito yung way papunta sa kanila.Tapos pumunta na ako dito after that'

Napa-'aah'na lang ako.

'Ikaw,dapat nagpapahinga ka.Saka hindi ka ba nalalamigan sa suot mo?'

Pansin ko rin na parang hindi siya makatingin sa akin ng direkta.

At tila mamula mula ang kaniyang pisngi.Tumayo ako at itinapat ang electric fan sa kaniya.

'Pansin kong namumula ka.Naiinitan ka ba?Pasensya na hindi kasi uso ang aircon dito e.'

'No.Okay lang ako.'alangan nitong sabi.

Maya maya may naman narinig na naman akong katok sa pinto.

'Ako na.'Mabilis na sabi nito at siya nitong bukas ng pinto.Bumalik siyang dala ang kahon ng pizza at paperbag.




Samantala....

'Ma,saan tayo pupunta?'tanong ni junie.

'Ah..saan nga ba?Ay sa tita stella mo..doon tayo pupunta.'tugon ng ginang.

'Ayoko dun ma,nakakainis kasi yung anak nun.'giit ni simon.

'At bakit naman aber,'

'Paano kasi ma,sabi ba naman niya sa amin.Bakla daw po si kuya ma.Sabi ko nga ganun lang yun kumilos pero hindi bakla yun.Diba ma.?'

Napabuntong hininga ang ginang.Sa inusal ng anak.

'Kayo talaga.Wag niyo na lang pansinin ang ibang tao.Tayong pamilya niya ang mas nakakakilala sa kaniya.Saka ano naman kung bakla ang kuya niyo.Ibig sabihin ba nito hindi niyo siya matatanggap.Makinig kayong mabuti kay mama.Walang mali sa kung ano ang tingin ng tao sa kaibahan ng seksuwalidad niya kesa sa normal.Ang mali ay ang humusga ng kapwa.Kaya bilang pamilya narito tayong susuporta sa kung ano man ang nais marating ng bawat isa sa atin,maliwanag.'

Napatango at sa huli ay malayang pagngiti ang kaniyang nasilayan sa kaniyang mga anak.

'E,bakit hindi na lang tayo umuwi sa bahay mama.'Si simon.

'Ah,e hindi tayo pwedeng umuwi agad.'

Nakita niya ang pagtataka sa mga mata nito.

'Kasi may sakit ang kuya niyo.'

'E di mas dapat tayong umuwi.May sakit pala si kuya e.'

Napataas na ang kilay nito.

'Hayaan niyo na ang kuya niyo may mag aalaga na naman na doon,tara na nga!ang dadaldal niyo.'






A/N:🍦

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon