Kabanata 12

1.7K 23 0
                                    

Italicized words are throwbacks or dreams. Thank you guys for tuning in with me in this story :) Love lots.

---------------------------------------------------------------------------------------------

Alstroemeria

"Good morning miss."


Bati ng guard sa akin sa main entrance ng ZB Tower office building.
 


"Good morning din po." Bati ko pabalik.


Sinalubong ako ni Talia sa tanggapan ng building.


"Good morning miss, lahat po ng naiwang trabaho ni Sir Samuel ay nasa office niyo na."


Sumakay kami sa elevator ni Talia, kasama ang ibang tauhan na bumabati din sa akin.

"May meeting po kayo with the accounting and finance department mamayang 10 am, tapos sa marketing department after lunch 1 pm and 3 pm with the HR department."


Patuloy sa pagsasalita si Talia habang naglalakad na kami patungong office ko.


Binabati ako ng magandang umaga lahat ng empleyadong nakakasalubong ko. Alas syete pa lang ng umaga. Monday ngayon at maaga akong nagising kaya maaga akong pumasok sa office. Ayoko namang mahuli sa lahat ng gagawin ko ngayong araw.

I'm wearing my navy sheath dress, black pointy toe pump and my Dolce & Gabbana cream bag. Binabaybay ko ang hallway papunta sa aking opisina. It's my official start.

Sina daddy at mommy ay may flight papuntang New York ngayong araw dahil namimiss na daw nila ang kanilang mga apo. Hinayaan ko na silang umalis dahil ito naman ang gusto nila. Malaki na din naman ako, kaya ko na ang sarili ko. Pinangako naman nilang uuwi sila bago ang kaarawan ko. That's a month from now. Kuya Zach and Ate Kate promise me also bago ako umuwi ng Pilipinas na dadalhin nila ang kambal dito sa Pilipinas sa birthday ko. I miss the twins. Sila ang nagpapasaya sa akin sa New York noong nakatira ako doon.

"Okay, Talia. Salamat. Magbreakfast ka muna, napaaga ako ng dating. Alas otso pa ang start mo di ba?"

"Yes miss. Tapos na akong kumain, kayo po?"

"Tapos na ako sa bahay. Sa office muna ako, just remind me 10minutes before the meeting para makapaghanda ako." I said

"Yes miss."

Pinagbuksan ako ng pintuan ni Talia papasok ng aking opisina. Tumambad sa akin ang napakaraming iba't ibang klase ng mga bulaklak.

"Simula noong nagleave kayo last week miss ay maraming nagpapadala ng bulaklak para icongratulate kayo sa pagiging bagong CEO ng ZB Tower."

Chineck ko ang mga bulaklak. Sari-saring kulay ng roses, tulips, may sunflowers din.

"Sinu-sino ang mga nagbigay nito?" Tinanong ko si Talia habang patuloy kong tinitignan ang mga bulaklak.

"Hindi ko na po tinignan ang mga cards miss. Pinalagay ko na lang dito sa office mo ng diretso. Pero mostly po galing sa mga partners ng ZB Tower."

Tumango ako. Nagpaalam sa akin si Talia na pupunta na siya sa kanyang table sa labas lang ng aking opisina.

Beautiful arrangement of white and blue alstroemeria caught my attention. It's my favorite flower. Si Chris, ang aking pamilya at si Tasha lamang ang nakakaalam ng paborito kong bulaklak. Maybe one of them ang nagpadala ng napakagandang arrangement ng bulaklak na ito. Kinuha ko ang mga bulaklak at tinignan ko kung may card na nakalagay dito. Nang makita kong may card ay binuksan ko ito at binasa. "Congratulations!" yun ang nakasulat sa card. Tanging yun lang, walang nakalagay kung sino ang nagpadala. Inilipat ko ang napakagandang arrangement na ito sa flower vase at inilagay ko sa aking side table. Ipapakuha ko lahat kay Manong Tonyo ang bulaklak dito sa aking opisina ng maiuwi ko sa bahay.
 

THEN, SUDDENLYحيث تعيش القصص. اكتشف الآن