Sinilip ko si Rinrin na pinipilit pa rin i-pull off ang hindi ko alam kung saan nanaggaling na maturity at seriousness. Halos mawala din ang pagpipigil ko ng pagtawa nung bigla siyang nag-slouch nung akala niya atang hindi ako nakatingin at nunng inayos ko na yung mga pictures, bumalik agad siya sa pa-cool niyang pwesto.

"Para saan po ba yung costumes?"

"National's Break Dancing Compet." Nakita ko yung pasimple niyang tingin para makita ba kung nakatingin ako sa kanya o hindi.

"Meron ba kayong suggested colors?"

"Power rangers!" nangulat ako nung biglang natanggal yung de quatro ni Rinrin at hinawakan ako sa magkabilang braso. Nung nahalata niya yun, bigla niyang inalis yun at balik na naman sa dati. "They want it to be colorful. One color per member."

"Rinrin," Nag-light up yung mata niya nung tinawag ko siya sa pangalan niya, "What are you doing?"

"Ha?"

"What are you trying to pull off, Mr. Lareza?"

Nag-straigthen up siya, yun nga lang hindi bumagay yung pout. "Eh kasi sabi nila kelangan daw formal at serious pag nakikipagusap dito. Inaaway nila ako, Gabby!!"

Tumayo na ako at kinuha yung bag ko. Humarap ako sa kanya at kumindat, "I missed Rinrin...the cute one."

Nagulat ako nung bigla siyang tumayo at sinabit yung braso niya sa balikat ko. "I missed you too, Gabby!"

Pero instant na nawala yung ngiti ko sa ginawa niya dahil sa sunod niyang sinabi. Kusa na niyang tinanggal yung pagkakasabit niya sa balikat at nag-pout.

"But, they said that I should be mad at you."

I don't think I should think twice para makasigurado kung bakit at kung sino ang tinutukoy ni Rinrin.

******

Hindi na ako naganong kay Rinrin. Alam ko namang wala siyang pakielam sa sinasabi ng iba sa kanya dahil mas pinipili niya yung solo niyang paniniwala at pakirramdam sa taong tinuturing niyang importante sa kanya. Kaya natutuwa ako kay Rinrin kasi mas importante sa kannya kung ano ang pagkakakilala niya sayo noon at ngayon. As long as you keep him important to you too, wala ng problema. Alam kong childish yun pero madalas naman talaga hinihiling natin na bumalik tayo sa pagkabata. When there was innocence and none of the cruelty ng reality na naiintindihan natin pagmatanda na tayo.

"Gabby," naglalakad kami ngayon ni Rinrin. Ihahaatid daw niiya ako pauwi sa apartment. Kahit childish si Rin, alam niya pa rin kung pano maging gentleman. "Si Dommy?"

I almost forgot na merong naging something sa kanila noon.

"Miss mo na siya?"

Nagkibit balikat si Rinrin at tumingin na sa dinadaanan. "Ang bilis, Gabby."

And I forgot that no matter how young or childish someone is, he or she can still feel this. Childish si Rinrin sa tingin naming childish siya pero somewhere inside, there's a part of him that can understand everything.

"But I'm not mad." Ngumiti siya. "I just thought...you know."

Napatigil ako dun sa huling kanto na dadaanan namin para makadating sa amin. Ayokong tumigil pa si Rinrin dun kasi alam kong nasa loob sina Marcus at Dom. At base sa sinasabi ni Rin, kahit hindi niya pinapahalata noon, alam kong aware siya na hindi niya magugustuhan kung makikita niyang magkasama ang dalawa.

"I'm sorry, Rinrin."

"Sorry?" inosente siyang nagtaka sa sinabi ko. "Wala ka namang ginawang masama."

Boyfriend Corp. Book 2 : After ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon