Chapter 1

5.8K 80 1
                                    

Chapter 1
Tears

"All set na ba?" Pagtatanong sakin ni Mommy Miracle. Nginitian ko siya ng matamis.

"Yes, mommy! Ready na po lahat. Yung asawa ko nalang po 'yung hinihintay." I suddenly blush.

"Okay, we'll wait for your husband, then." Nginitian ako ni Mommy tapos kinindatan. Umupo nalang muna ako sa couch. Birthday ngayon ni Zhack. Isusurprise namin siya. Sana nga magustuhan niya e. Ako pa naman ang nagisip ng concept.

2 years ko nang crush si Zhack. At hanggang ngayon crush na crush ko parin siya. Ginawa ko ang lahat maging close lang kami ng pamilya niya. Buti nalang at kaibigan ko ang kapatid niyang si Myra.

"Hi ate abcdefg! Hehehe." Tinignan ko si Zarene ng maigi. Ito talagang bata na 'to. Kung hindi lang talaga 'to kapatid ni Babyloves Zhack. Syempre joke lang.

"It's ab c-d, baby. I hate you na." Sabi ko sabay pout. Humagikgik siya tapos hinila niya 'yung palda ko.

"Come here ate, I'll whisper something." Ngumuso pa ito sakin. Aww, why so gwapo like Zhack?

Lumapit ako sakanya tapos nagsquat pa ako para maabot niya 'yung tenga ko.

"Ate, I'm so gwapo. You're so panget. Hahahahaha." Sabi niya sakin sabay takbo.

"Zarene!" Narinig kong pagtawag ni Myra sa kapatid niya.

"Nako talagang bata na'yun karindeee!" Sinabunutan pa ni Myra ang sarili niya at sumimangot. Kamukhang kamukha ni Myra si Mommy Miracle. Nakuha niya ang kulay brown nitong buhok at ang mapupungay nitong mata. 'Yung kutis naman ni Myra parang bulak na sa sobrang puti. Si Daddy Gray kasi maputi din kaya siguro naghalo.

"Uy, iniisip mo nanaman kung bakit ang ganda ko at kung paano ako ginawa? Tara samahan kita kayla mommy pakwento ka." Umarte pa itong hihilahin ako papunta kayla Mommy Miracle.

"Manahimik ka nga diyan!" Sabi ko sakanya sabay nguso. Bakit kasi ang tagal ni Babyloves Zhack?

"Ito naman. Teka nga, bakit ba ang aga niyong nagayos nila mommy dito sa living room? Mamaya pa ang uwi ni kuya. Sabi niya sakin."

"Mas mabuti na 'yung maaga kesa naman 'yung late. Ano 'yun? Isusurprise natin siya tapos tayo pa 'yung late? Kabobohan lang bes?" Inirapan niya ako tapos kinuha niya 'yung cellphone niya tapos nagtype. Tss, siguro 'yung mga manliligaw nanaman niya 'yun.

Ang ganda niya kasi, kainggit. Siya hinahabol ng mga lalaki, ako? Ako ang naghahabol sa mga lalaki. Syempre noh! Naninigurado lang ako. Baka tumanda akong dalaga mahirap na.

"Hello kuya." Nabuhayan ako ng marinig kong kausap ni Myra sa telepono 'yung kuya niya. Nilapit ko agad ang tenga ko sa cellphone.

"Hahahaha. Joke lang. Ito naman. Uto-uto ka. Magingat ka bes, baka 'yan ang ikamatay mo someday. Hahaha." Sinabunutan ko siya. Nakakainis. Ang paasa talaga ng pamilya nila. Charot lang.

"Heh! Paasa ka. Manang-mana ka sa kuya mong pogi na asawa ko." Hinampas niya naman ako.

"Aww!" Kahit kelan napakasadista niya. Sarap niyang ipakain kay Aso. May aso kasi kami sa bahay. Regalo sakin ni Mommy Miracle nung birthday ko at dahil tinatamad akong magisip ng pangalan 'aso' nalang ang pinangalan ko.

Waiting For You Where stories live. Discover now