They enjoyed the delicious food. Katulad pa rin ng dati, hindi nila namamalayan ang oras kapag magkasama sila. Mayamaya ay may pumasok na tatlong violinists at nagpatugtog ng old classic love song.
"You hired them?" manghang tanong ni Mandy kay Blake, hindi niya rin nasabi ang bagay na iyon dito.
"Yup. Hindi kumpleto ang romantic dinner date kung walang romantic music, right?" Tumayo ito at inilahad ang isang kamay sa kanya. "May I have this dance, Miss Santillan?"
She smiled. "Sure." Inakay na siya nito sa gitna. Ipinaikot niya ang mga braso sa leeg nito at hinawakan siya nito sa baywang. Mabagal silang sumayaw sa saliw ng Wonderful Tonight ni Eric Clapton. From now on, favorite song na niya ang naturang kanta.
"It's late in the evening, she's wondering what clothes to wear. She puts on her makeup and brushes her long black hair..." pagkanta ni Blake na ikinatawa niya.
"It's blonde, Blake, not black." pagtatama niya sa lyrics.
"I know. I'm referring to you. You have beautiful black hair so I'm going to sing black hair."
She chuckled lightly. "Okay." naaaliw na tugon niya.
"So, what can you say about my performance? Did I pass the romantic dinner date test?" hopeful na tanong nito.
Nakangiting tumango siya. Hindi na siguro mawawala ang ngiting nakapaskil sa mga labi ni Mandy. When she was with this man, she was happy. "Oo, pasadong-pasado." Sa effort pa lang ay lamang na lamang na ito.
Nagliwanag ang mukha nito na para bang isa ngang malaking achievement ang ginawa. Pinisil nito ang isang kamay niya. "Next time, pagbubutihin ko pa."
Next time? She wouldn't mind either. Susulitin niya ang bawat pagkakataong kasama niya ito kahit ginagawa lang nito iyon dahil curious ito. Aabangan pa niya ang nakatagong romantic side ni Blake Peralta.
They danced without taking their eyes off each other. It was just so magical. Muli na namang tumalon ang puso ni Mandy sa mga titig nito. She felt like she was taken back in time where they first met and kissed. At habang tinitingnan niya ito, gusto na lang niyang malunod sa mga mata nito. Gusto niyang manatili silang ganito kalapit sa isa't isa. Gusto niya palaging nararamdaman ang init na nagmumula sa katawan nito hindi lang sa seksuwal na paraan, kundi dahil napapanatag ang loob niya.
Hinapit siya ni Blake at isinandal niya ang pisngi sa dibdib nito, kasabay ng realisasyong tumimo sa kanyang puso. She was in love with him. Nag-uumapaw, malalim. Wala na siyang pakialam kung nasa rules iyon. Hindi na niya kayang pigilan ang sariling mahulog dito. Hindi na siya matatakot aminin sa sariling minamahal niya ang binata.
I feel wonderful because I see the love right in your eyes. And the wonder of it all is that you just don't realize how much I love you...
I love you, Blake, piping sabi niya sa isip at yumakap dito. Nahiling niyang sana hindi na matapos ang gabing iyon.
MAAGAP na nasalo ni Blake si Mandy nang muntikan itong tumumba. Kung bakit kasi hinayaan niya ito sa gustong magparamihan sila ng mauubos na matapang na alak. Napapayag siya nito dahil bukod sa makulit, ipinagdiinan nitong mataas ang alcohol tolerance nito. Pero tatlong baso pa lang ang naiinom ng dalaga ay tumba agad. Napailing siya. Hindi niya alam kung bakit nagkaganoon ang ending ng romantic dinner date nila.
"Blake!" Suminok si Mandy. "Gusto koh pang umenom! 'Sa'n ang basoh koh!" Suminok uli ito.
"Princess, you're drunk. I need you to put to rest."
"Hindeh pa akoh lashing! Magparamihan tayow! Matatalo na kita, eh!" giit nito at pinaghahampas siya sa dibdib.
Tumatawa siya habang sinasalag ang kamay nito. Ganito pala malasing si Mandy. Wala na ito sa tamang huwisyo pero naaaliw pa rin siya.
Pinangko niya ito. Panay ang palag at angal nito pero hindi kalaunan ay tumigil din, umuungol na lang. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Iuuwi sana ni Blake si Mandy sa mansiyon ng mga ito pero nang tawagan niya si Tita Auds at sinabing nakainom ang anak ay sa bahay na lang daw niya sila umuwi. Hindi naman ganoon kalayo ang mansiyon ng mga Santillan pero ang ginang ang nag-insist na sa bahay muna niya dalhin ang dalaga dahil bukod sa malalim na ang gabi, nakainom din siya—kahit cl-in-arify niya ritong nasa tamang huwisyo pa siya at matagal tamaan ng alak at kayang mag-drive. Wala namang problema sa kanya kung sa bahay niya matutulog si Mandy. Gustong-gusto pa nga niya iyon. Mas maaalagaan niya ito. He loved taking care of her and doing things for her.
Inihiga ni Blake si Mandy sa kama niya. Umungol ito at niyakap siya sa leeg kaya sumubsob ang mukha niya sa dibdib nito. Agad siyang nag-init at tinigasan nang maramdaman ang malalambot na umbok. Napapikit siya nang mariin.
Shit. No, Blake. Not now. She's drunk.
Nanaig ang self-control niya. Tinanggal niya ang sapatos at jewelries nito sa katawan. Kumuha siya ng t-shirt niya sa drawer at mabilis na pinalitan ang damit nito ng damit niya. Kumuha rin siya ng maligamgam na tubig at binasa roon ang bimpo saka pinunasan ito.
Hindi maiwasang mapangiti ni Blake habang pinupunasan ang mga kamay ng dalaga. This night was very special and dear to his heart. Hindi rin pala masama ang makipag-romantic date. Siguro ay dahil si Mandy ang ka-date niya. Everything felt so magical. Noon pa man, kapag kasama niya ito, ang ordinaryong araw niya ay nagiging espesyal. Her smiles, her laughs, her facial expressions... those were the images he always wanted to see every single day. Hindi pagpapanggap lang ang ginawa niya. Lahat ng sinabi niya nang gabing iyon ay galing sa kanyang puso. Gusto niyang maulit iyon. Gusto niyang mag-effort pa nang husto para mapasaya ito. He didn't know where this all coming from pero desperado siyang gawin ang lahat para sa dalaga.
"Blake..." ungol ni Mandy at ipinilig ang ulo pakaliwa.
"Yes, baby, I'm here," he answered sweetly.
"Blake... I love you..." she murmured.
Nanigas siya sa kinauupuan, nanlalaki ang mga mata. Nabitawan pa niya sa kama ang bimpo. Tama ba ang narinig niya? Sinabi ni Mandy na mahal siya nito? Nagbaka-sakali siyang uulitin nito ang sinabi pero tumahimik na ito at tuloy-tuloy nang nakatulog.
Hindi alam ni Blake ang gagawin. Natulala siya. Naghalo-halo ang kanyang nararamdaman. And his heart was beating so fast! Kulang na lang ay lumabas na iyon sa dibdib niya. Totoo kayang mahal siya ni Mandy o nadala lang ito ng espiritu ng alak kaya nito nasabi iyon?
But they say that drunk people speaks the truth and honesty, singit ng isip niya.
Nanginginig ang mga kamay na kinumutan niya ang dalaga at hinalikan ang noo at pisngi nito. "Sleep tight, princess." he whispered breathlessly.
YOU ARE READING
HOT STRINGS ATTACHED ✔
General FictionSPG-R/18 * MAD CATS #2 *Published under LIB Bare, MIBF 2018. Available in all Precious Pages and book stores nationwide. I hope you can grab a copy! :)
CHAPTER THIRTEEN - part 2
Start from the beginning
