Seventeen and Pregnant..

23.2K 167 10
                                    

"A baby is something you carry inside you for nine months, in your arms for three years and in your heart till the day you die." - Mary Mason



"Paano na gagawin ko? Hindi pwede to.. Mahal ko pa buhay ko, kapag nalaman to ng mga magulang ko baka palayasin nila ko.. Paano na ang pagaaral ko? Paano na ang future ko? Paano na ang buhay ko?"   

Eto ang mga nasa isip ni Summer habang umiiyak at nakaupo sa toilet seat ng paaralan nila, hawak-hawak nya at titig na titig sya sa PT na hawak nya, dalawang linya kaya ibig-sabihin ay positive..   Hindi nya inaasahan na magkakaroon ng bunga ang minsang pagsasama nila ni Sky.. Isang gabi palang nyang nakikilala ang lalake pagkatapos ay may nangyari na sa kanila agad? Nakilala nya ito sa bday ng kaibigan nyang bading na si Chonta.. Pinsan kasi ito ng kaibigan.. Hindi naman nya inaasahan na mapapalagayan nya kaagad ng loob si Sky.. Friendly kasi ito at maharot, na sya namang ugali din nya..  

*  

FLASHBACK..  

"Baklaaaaaa!!!"


"Hoy gaga ka! Buti nagpakita ka pa dito, akala ko pa naman di ka na makakarating eh,"


"Pwede ba naman yon! Bday ng best friend ko eh, o eto gift ko.."


"Thankyou sister! Lab you talaga! Pakiss nga!" 


Nagbeso-beso sila..  


"Sila Chantelle ba? Nandito na?"


"Ay oo, kanina ka pa nila hinihintay, o halika na sa loob.."


Pumasok sila sa bahay nila Chonta, sa sofa na mahaba ay nandoroon ang mga kaibigan nila nasila Chantelle, Chloe at Kimzy.. Umupo naman sya sa tabi ng mga ito.


" Ikukuha ko kayo ng pagkain ah.."


" Sige sige Chonta, madami ah."


"Bakla ka talaga! Paimportante ka talaga kahit kelan!"


"E gagi ka pala eh, gubat kaya tong bahay nila Chonta.. E ang bahay nyo dyan lang.."


"Oo na.. Kala ko di ka na dadating ehh.."


"Eto na nga eh, ano pang inaarte mo?"


"Gaga. Kanina ka pa namin hinihintay."


Singit naman ni Chloe..


"Sorry! Pwede magsorry?"


"Gaga ka talaga. Mga bakla, ang importante nandito na sya."

Seventeen and Pregnant..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon