"Good Evening! This is an announcement for passengers travelling to San Francisco on flight PR114. Please have your boarding passes and passports ready for boarding. Flight PR114 is now boarding at gate 6."

Ipinikit ni Mhelanie ang mata at unti-unting nagpakawala ng hangin mula sa bibig. Ang bigat sa pakiramdam. Naho-home-sick na agad siya. Pero kailangan niyang lakasan ang loob. Kinuha niya ang hand carry luggage na nakapatong sa bakanteng silya at isinukbit ang shoulder bag sa balikat saka tumayo habang hawak ang passport at boarding pass. Ang bigat ng mga paang inihakbang. Ang mabagal na paghakbang ay natigil nang may tumawag sa pangalan niya. Napangiti siya ng mabosesan iyon. Nakangiti siyang lumingon.

Patakbong lumapit sa kanya sina Wilson, Dock at Alford.

"Mabuti na lang at umabot kami. Gusto lang sana naming magpaalam." Si Alford hustong makalapit.

"Salamat." Lumagpas ang tingin niya sa tatlo. Hinahanap ang taong gusto niyang makita.

"Hindi namin siya kasama." Ani Alford nang mahulaan kung sino ang hinahanap ni Mhelanie. Her shoulders sagged.

"Galit talaga siya." A sob constricted her throat, tears clouded her vision. She tried to keep her tears at bay, but she couldn't hold them back. Marahan siyang kinabig ni Alford at masuyong niyakap.

"Hindi 'yon galit. Hindi lang siguro niya kayang makita kang aalis. Basta bumalik ka, ah? Maawa ka naman sa kaibigan namin. Baka mabaliw 'yon." Tumango siya.

"Babalik ako. Alagaan niyo siya, ah?"

"Oo, papadedein ko siya sa tamang oras." Ang pag-iyak niya ay nauwi sa marahang pagtawa sa biro ni Alford. Kumalas siya mula sa pagkakayakap ni Alford at pinahid ang basang pisngi.

"Paano? Alis na ako. Mami-miss ko kayo. Pakisabi kay Falcon mahal na mahal ko siya. Pangako babalik ako." Isa-isang siyang niyakap ng tatlo at may kanya-kanyang bilin sa kanya. Dapat raw ay lagi niyang isuot ang wedding ring nila ni Falcon at ipakita iyon kapag may lalaking may balak na pormahan siya. Ang tatlo na raw ang bahala kay Falcon. Ipinangako ng mga itong walang babaeng makakalapit kay Falcon. Babantayan ng mga itong mabuti si Falcon para sa kanya.

Natigilan si Mhelanie at halos magkandahaba-haba ang leeg nang may makitang lalaking kasing-built ni Falcon sa hindi kaluyuan. Gilid ng mukha nito ang nakita niya habang may kausap na lalaki pero nawalan din agad. Baka kahawig lang. Kung nandito ang asawa niya ngayon e 'di sana nilapitan na siya.

Nang nasa eroplano na si Mhelanie ay hindi niya mapigilan ang maluha. Parang gusto na niyang bumaba lalo na nang mag-take off na ang eroplano.

"Nasa eroplano ka pa lang naho-home sick ka na?" isang baritonong boses ang nagpabitin sa paghikbi niya. Mula sa bintana ay ibinaling niya ang tingin sa lalaking katabi. Inabutan siya nito ng puting panyo.

"C'mon, take this. It's for free for a gorgeous crying lady." Inabot niya ang panyo at tinuyo ang luha.

"Salamat." Tinitigan niya ang lalaki. Ito ang lalaking kausap ng lalaking inakala niyang si Falcon kanina. Inilahad nito ang kamay sa kanya.

"Jufred." Inabot niya iyon at nakipagkamay.

"Mhelanie."

PAGKATAPOS ng mahigit fifteen hours na flight ay narating nila ang San Francisco International Airport . Mula sa airport ay may sumundo sa kanya at inihatid siya sa tutuluyan niya, Sa Russian Hill. Mahigit bente minutos lang ang byahe mula airport hanggang sa village. Ang anak ni Mr. Villez mismo ang sumundo sa kanya kasama ang isa sa staff sa Prime Media na isa ring Pinay na si Claudia.

"You're such a lucky, girl. The company provided you a nice place to live in than us." Ani nito nang huminto ang sasakyan sa tapat ng isang bungalow house.

"Ano ang ibig mong sabihin? Hindi ba kayo nakatira rito?"

"No!" Eksaherada nitong pinaikot ang mata.

"The company provided their employees an apartment with shared bedrooms. Pero ikaw, sa isang magandang village. Mukhang espesyal ka." Nagtataka man ay hindi na lang siya nagtanong pa at bumaba na ng sasakyan.

Bahagyang kumunot ang noo ni Mhelanie nang may isang lalaking kumaway sa kanya na kakababa lang ng sasakyan. Ito ang lalaking kasabay niya sa buong flight, si Jufred. Hindi naging kainip-inip ang mahigit kinse oras na flight dahil sa lalaking ito na medyo may kadaldalan. Hanggang sa paglipat nila ng eroplano sa Tokyo ay hindi siya nito iniwan. Dito rin ba ito nakatira?

Tinulungan siya ni Claudia at Mike na ipasok ang bahage sa loob ng bahay. Nakatingin siya kay Jufred na pumasok sa napakalaking bahay. Higit na malaki sa bahay na tutuluyan niya. Nang makapasok sila sa bahay ay sinuyod niya ng tingin ang kabuan. Bungalow lang ito pero napakaganda.

"Sir Mike is mine, ah." Natawa siya sa ibinulong sa kanya ni Claudia habang sinusuyod ni Mike ang mata sa kabuuan ng bahay. Itinaas niya ang kamay para ipakita ritong kasal na siya.

"Oh, you're married."

"At mahal ko ang asawa ko." Tumango-tango ito. Bumaling sa kanila si Mike.

"The helper will be arrived tomorrow to help you, Mhelanie."

"May maid ka pa!" Si Claudia sa namamanghang tinig.

"Ahm. I think I don't need a helper, Sir Mike. I can make it on my own."

"That's an order from big boss. Just accept it. According to my father you do not know how to drive so we are giving you a driver. For now we will go ahead and take a rest. " Suminghap si Claudia at maging siya ay namamangha sa pagiging espesyal niya. Napaka-generous naman ng mga ito.

Inihatid niya ang dalawa sa labas pagkatapos iabot sa kanya ni Mike ang susi ng bahay. Walang bakod ang mga bahay dito pero safe naman raw ang village. May nakakabit raw na security alarm ang bawat bahay na kung sakaling puwersahang papasukin ay malalaman agad sa monitoring station. Tiningnan niya katabing bahay kung saan pumasok si Jufred kanina bago isinira ang pinto.

Kakaupo palang niya sa sofa nang may magdoor bell. Tumayo at tinungo niya ang pinto. Sumilip siya sa peephole. Si Jufred ang nasa labas. Nag-isip siya kung pagbubuksan ito. Nanaig pa rin ang pagiging ugaling Pilipino ni Mhelanie at pinagbuksan ito.

"Hi. Good evening!" Masigla nitong bati sa kanya. May nakapatong na box ng pizza sa isang palad nito at sa isang kamay ay ice cream.

"Hi, dito ka rin pala tutuloy?" aniya.

"I've lived here for almost four years now, I'm glad that we're neighbors. For sure you haven't eaten yet. I stopped by on my way home to grab a bite to eat, and I think it would be nice if you join me to finish these."

Hindi pa nga siya kumain. Inalok siya ni Mike na kumain pero tumanggi siya since busog pa naman siya at ayon naman kay Mike ay may supplies na siya rito kaya wala na siyang aalalahin. But it would be absolutely reckless kung papaunlakan niya ang lalaki. Hindi niya ito kilala, but some part of her ay parang magaan ang loob niya sa lalaki at hindi siya nakakaramdam ng takot.

"Don't worry, I won't harm you. Hindi ako masamang tao." Anito nang makita ang pag-aalangan niya. Eventually ay pinayagan niya ang lalaking pumasok at pinagsaluhan nga nila ang dala nito.

Natigil si Mhelanie sa pagsubo ng pizza nang biglang may mag-flash. Salubong ang kilay niyang tiningnan si Jufred. Kinuhanan siya nito ng larawan gamit ang cell phone.

"Hehe! May flash pala" He said as he smiled maniacally at napakamot pa ito sa ulo. Nang tumunog ang cell phone nito ay agad na sinagot ang tawag. Ngumiwi ito na para bang sinigawan ng kausap sa kabilang linya. Tumayo ito at lumayo.

"Damn! Pizza is fucking delicious, and I've picked one with nutrional toppings. Okay. Okay! I will cook Filipino dishes tomorrow!" Pakikipagtalo nito sa kabilang linya habang tinutungo ang pinto.

Fatal Attraction 4: Sinful AffairWhere stories live. Discover now