"Nalulungkot ako sa nangyayari sa 'inyong magkapatid. Sinabi ko na nga ba't napakaling gulo nito." Nasabi na siguro ni Harper ang lahat kay Mamshie Juday.

"Kasalanan itong lahat ni Vanessa. Siya ang nagsabi ng lahat kay Harper nang tungkol sa inyo ni Falcon."

"Si Vanessa ho? Paano niya hong nalaman?"

"Nakita raw ng empaktang 'yon ang pagpasok ni Falcon sa tent mo noong nasa isla tayo! Gustong-gustong ni Vanessa na makita si Harper na nagdurusa kaya ayon, ibinuko ang lihim niyong relasyon. At itong si Harper ay nag-hire ng private investigator para hanapin ka." Alam niyang na-disappoint si Mamshie Juday dahil sa ginawa niya pero hindi nito iyon ipinapakita. Mas pinipili nitong intindihin siya.

"Siya nga pala. Balita ko ay buntis ka." Lumamlam ang mukha ni Mhelanie sa tinuran ni Mamshie. Hanggang ngayon ay masakit pa rin sa kanya ang pagkawala ng anak nila ni Falcon.

"I had a miscarriage, Mamshie." Napasinghap si Mamshie Juday at natutop ang sariling bibig ng dalawang kamay saka naituon ang mata sa kanyang tiyan.

"Bakit? Huwag mong sabihin na dahil sa pagsugod sa 'yo ni Harper kaya ka nakunan?"

"Mahina po talaga ang kapit ng bata. Ayon sa doctor 50/50 kung magsusurvive ang pagbubuntis ko."

"Ikinalulungkot ko ang nangyari." Kinuha ni Mhelanie ang sulat niya mula sa kanyang bag para kay Harper at ibinigay iyon kay Mamshie Juday.

"Pakibigay po 'yan kay Harper. Marami akong gustong sabihin sa kanya pero alam kung hindi niya ako kakausapin kaya idadaan ko na lang sa sulat. Flight ko po mamaya. Tinanggap ko ang offer sa 'kin na trabaho sa California."

"Ganoon ba? Kasama mo ba si Falcon?"

Umiling si Mhelanie. "Hindi po. Nagpasya akong i-give up si Falcon. Baka sakaling mapatawad ako ni nanay at ni Harper kung lalayuan ko muna si Falcon. Pero mahal na mahal ko si Falcon, Mamshie. Siya lang ang minahal ko." Agad na namula ang mata ni Mhelanie sa pagbadya ng kanyang luha.

"Alam ko. Nanghihinayang ako dahil sa maling lalaki ka nagmahal. Pero mali man ang simula ng relasyon niyo alam kung deserve niyo pa rin ang sumaya."

"Babalikan ko siya. Sana lang mahintay niya ako. Mamshie, puwede po ba akong humingi ng pabor?"

"Anything, anak?"

"Kausapin mo naman si Harper. Sabihin mo na kahit hindi na ako, pero si nanay sana mapatawad niya. Alam kung galit sa 'kin si nanay pero alam kong malulungkot 'yon ngayon aalis na ako. Iyak nang iyak si nanay dahil sa hindi sa kanya pagkausap ni Harper."

"Susubukan ko siyang kausapin."

"At kayo na po sana ang bahala kay Harper at Nanay. Punta-puntahan mo po siya sa Batangas, maaari po ba?" Marahang sinapo ni Mamshie Juday ang mukha ni Mhelanie.

"Oo, ako na ang bahala sa nanay at kapatid mo. Huwag mo na silang alalahanin. Ang isipin mo ay ang sarili mo dahil napakalayo ng California at mag-isa ka roon. Tuparin mo ang lahat ng pangarap mo mula pa man noon." Napaluha si Mhelanie habang itinatango ang ulo. Mahigpit na nagyakap ang dalawa.

IT HURTS na aalis na siya pero hindi talaga siya kinausap na ni Falcon. Kahit iginiit niyang makipagkita ay hindi nito sinagot ang mga tawag at text messages niya. Wala rin ito sa opisina. Muli siyang pinigilan ni Falcon pero buo na ang desisyon niya kaya lalo itong nagdamdam. Gusto rin siyang ihatid ni Tiyong Alfie pero tumanggi na siya.

Napabilis ang alis niya dahil mayroon na naman siyang US visa. Pinag-apply na siya ng Visa ni Mr. Villez noong alukin siya nito ng trabaho, para raw kung sakaling magbago ang isip niya ay handa na ang visa niya. Sinubakan naman niya kahit wala siyang balak na tanggapin ang trabaho. Naisip niya kasi na baka sakaling mapapayag niya ang kanyang nanay at si Harper ay ready na ang kakailanganin niya.

Fatal Attraction 4: Sinful AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon