"Kapag ipinaglaban kita tuluyang mawawala sa 'kin sila nanay. Kaya nga pinapaintindi ko sa 'yo."

"Pero hindi ko maintindihan!" Nanggagalit ang mga ngipin ni Falcon. Kumislap ang mata nito nang mamuo ang luha roon. Agad nito iyong sinupil sa pamamagitan nang magkurap ng mata. Tumayo ito. Inilagay ang kamay sa magkabilang balakang at itiningala ang ulo. Tumayo si Mhelanie ipinaikot ang mga braso sa baywang ni Falcon mula sa likuran nito at hindi mapigilan ang mapaluha.

"Tres, suportahan mo naman ako, oh! Babalik naman ako. Hindi mo ba ako kayang hintayin?"

Masakit sa kanya ang desisyong umalis pero kailangan. Hindi siya mapapatawad ng nanay niya at ni Harper hanggang nagsasama sila ni Falcon. Baka kung sakaling lalayo siya at ipakita sa nanay niya at kay Harper na pinapahalagahan niya ang mga ito ay baka sakaling mas madali niyang makuha ang kapatawaran ng dalawa; baka sakaling magkaayos si Harper at ang nanay niya. Hindi lang naman para sa pamilya niya kaya siya lalayo kundi para na rin sa sarili niya. Gusto niyang lumayo pansamantala para hanapin ang sarili na sa mahabang panahon ay hindi na niya alam kung nasaan na.

Nawalan siya ng sariling paninindigan, hindi siya kapagdesisyon at naging sunod-sunuran na lang sa lahat. Mula kay Harper, sa nanay niya at maging kay Falcon. Isa sa weakness niya ay ang tumanggi sa taong mahal niya lalo't alam niyang iyon ang makakapagpasaya sa mga ito kahit na hindi siya magiging masaya.

TANYA had arrived at Falcon's penthouse while he was drowning his troubles. Kahit anong pag-intinding gawin niya ay hindi niya makuha ang point ni Mhelanie. Pero bahala ito kung iyon ang gusto nito. Ang piliing lumayo mula sa kanya. Pagod na siyang ipaglaban ito. Sinukuan na siya ni Mhelanie kaya bakit pa niya ito ipaglalaban. Hanggang sa huli ay sinubukan niya itong kausapin at pigilan pero ayaw na nitong magpapigil. Bukas ang takdang paglipad nito patungong San Francisco.

"Tres, anak, unawain mo si Mhelanie." Hinawakan ni Tanya ang balikat ni Falcon at marahang pinisil habang siya ay nakayukyok sa bar counter ng kanyang mini bar.

"Hindi ko maintindihan, mom, kahit ano'ng pag-intinding gawin ko."

"Dahil hindi mo binubuksan ang puso mo. Nagkita kami kanina at nakapag-usap nang masinsinan. Binuksan niya ang sarili niya sa 'kin. Naaawa ako sa kanya. Umiiyak siya habang nagkukuwento. Kahit na kailan ay wala raw siyang napagsabihan ng hinain niya sa buhay kundi ako lang. Tres, napakahirap ng pinagdadaan ni Mhelanie. Galit sa kanya ang sariling ina pati na rin si Harper na kapatid niya pala. And worst, she lost her child."

"Mom, nawalan din ako at ngayon iiwan niya ako! Puwede naman akong sumama pero ayaw niya!" Marahas niyang hinablot ang baso at inisang lagok ang mapait na likido mula sa baso.

"God, Tres! You started to become egotistical! Ano ang nangyayari sa 'yo at hindi mo maunawan ang gusto ni Mhelanie?" Pinagtaasan na ni Tanya si Falcon na sarado ang pag-iisip.

"Buong buhay niya wala siyang ginawa kundi ang sundin ang gusto ng kanyang ina at ni Harper. She gave up her dreams para lang mapagbigyan ang sariling ina at kapatid. At ikaw. . . ganoon din ang ginawa mo sa kanya. Hindi mo siya binigyan ng pagkakataong tumanggi. Pinilit mo siyang sumama sa 'yo. Pinilit mo siyang makasal sa 'yo."

"Is that what she told you? That I forced her to marry me!"

"Si Alford ang nagsabi sa 'kin. Parehong-pareho talaga kayo ng ama mo, Tres! I was very disappointed in you! Ngayon bahala ka kung mas piliin mong huwag kausapin si Mhelanie!" Nauubusang pasensiyang angil ni Tanya sa anak.

"KUMUSTA ka na?" bulalas ni Mamshie Juday nang mapabagbuksan nito si Mhelanie. Iginiya si Mhelanie ni Mamshie Juday sa sofa sa sala at magkatabing umupo. Nagtungo siya bahay ni Mamshie Juday para magpaalam at ibigay ang sulat niya para kay Harper. Mamayang alas nuebe ng gabi ang flight niya. Wala na itong urungan. Desido na siya.

Fatal Attraction 4: Sinful AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon