PROLOGUE

7 2 0
                                    

HAILEY~

"HAILEY! Kailan mo ba balak bayaran ang renta mo?! Mag da-dalawan buwan ka ng hindi nagbabayad! Nalulugi na ako sayong bata ka! "

Napabalikwas ako sa pagkakabangon ko dahil sa lakas ng boses ng landlady.

Bwiset naman oh! Kay aga-aga pumuputak nanaman ang bibig ng tandang 'to!

Padabog akong bumangon at binuksan ang pintuan ng kwarto ko at hinarap ang matandang manok.

"Papaalisin na talaga kita dito kung hindi ka pa magbabayad! May plano ka pa bang bayaran ako?! Palagi mong sinasabi na magbabayad ka pero umabot na tayo ng dalawang buwan! Wala pa rin! Mamatay nalang ako hindi ka pa nagbabayad! Naku Hail~"

"Hep hep hep! Aling Tina kay aga-aga yan ang inaabala niyo! Sige ka, magkakarami ang wrinkles niyo nyan!" Pambobola ko.

"Huwag mong iniiba ang usapan! Asa'n na yung bayad mo?! Pupunta ako ngayon sa spa para makapagrelax pero wala akong pera dahil hindi ka pa nagbabayad! "

"Hehehhehe Aling Tina kasi u-uhmmmmmm a-ano kasi..."

"Ano?! " highblood?

"Hindi pa po kasi ako nakakahanap ng trabaho eh, pero promise po! Maghahanap po talaga ako ng trabaho! ""

"Letcheng linyang yan! Paulit-ulit nalang! Naku! Last nalang talaga Hailey! Kung hindi ka pa makakabayad ng renta! Papaalisin na talaga kita dito! "

"Promise po talaga Aling Tina! "

At umalis na po ang inyong dakilang manok.

Dumiretso ako sa banyo para maligo. I am planning to search for a part time job today, again.

But before anything else, I am Hailey Rodriquez. 17 years old, first year college sa Tremento High. Working student ako noon. Bago ako mawalan ng trabaho dahil sa pesteng alarm clock ko!

Okay na sana eh! Mataas na sana ang sweldo ko bilang isang singer sa isang restaurant pero dahil sa alarm clock kong nasira ng hindi ko alam! Na-late ako! Kaya ayun! Adios Trabaho!

Ngayon, plano kong maghanap ng trabahong swak sa schedule ko. May klase kasi ako sa umaga, kaya kailangan gabi o di kaya weekend ang trabaho ko.

Pagkatapos kong maligo at magbihis, lumabas na ako ng apartment at naging instant ninja para hindi ako makita ni Aling Tina. Dahil paniguradong maaalala nanaman niya yung pambayad kong naudlot at baka tuluyan na talagang maging pwet ng manok ang bibig niya.

Nang tuluyan na akong makalabas ng apartment, biglang kumalam ang sikmura ko. At doon ko lang napagtanto na hindi pa pala ako kumakain.

Mamaya nalang siguro. Matitiis pa naman siguro 'tong gutom na 'to.

Habang naglalakad, tiningnan ko yung mga posters na naka paskil sa mga poste at pader. May maraming job offerings pero majority ay

'Wanted Maid'

'We are now Hiring for Overseas Housekeepers '

'Wanted yaya'

Masyadong pang nanay ang trabahong available. Hindi naman sa nagrekreklamo ako pero, mahihirapan talaga ako pagnagkataon. May studies pa akong inaatupag, may isang kapatid pa ako pinapaaral at inaasikaso, may renta pa akong dapat bayaran, yung pagkain namin ng kapatid ko araw-araw, at iba pang gastusin.

Nagtataka ba kayo kung nasaan ang kapatid ko?

Nandoon siya sa bahay ng kaklase niya. Gumagawa sila ng project nila. 15 years old pa ang kapatid ko. Mas matanda ako ng dalawang taon sa kanya.

Doon din siya nakatira sa aparment ko, pero pareho pa rin naman ang presyo.

Naglakad nalang ulit ako, nagbabakasakaling pagpalarin ng swerte at makahanap ng trabaho.

"Excuse me, may I ask if you are Ms. Hailey Rodriguez?"

Napalingon naman ako sa likod ko. Nakatayo doon ang isang babaeng siguro nasa mid 30's. Sopistikado ang dating ni teta!

"Yes ako po 'yun. May kailangan po ba kayo?" Magalang na tanong ko. Hindi natin alam, baka recruiter 'to ng mga models edi good shot ako!

"Actually, mas kakailanganin mo 'to. I received a news telling that you got kicked out of your job. I was hoping to offer you a new job, connected pa rin naman ito sa dati mong trabaho. "

Biglang nagningning ang mata ko dahil sa narinig.

"Talaga po?! Teka wait! Baka scammer po kayo? Oh baka nasa tv show ako? ILABAS ANG CAMERA! " pero bigla na lamang tumawa ang babaeng kaharap ko.

"Hindi ito biro Ms. Rodriguez. Westly Industry is offering a new job for you. We are currently looking for a singer,
and base from my own observation you are also fit to become a model or even an actress. You have the potential. "

Wow! Lakas maka-complement! Pero wait~

"WESTLY INDUSTRY?! SURE PO BA KAYO DIYAN?! " napasigaw na ako dahil sa gulat.

The lady chuckled.

"Yes. If you are willing to apply, then I am personally inviting you for tomorrow's event held at Westly Industry main building itself. The President will talk to you regarding about the terms and the things you need to do. "

"Naku! Sige po! Hindi ko po talaga 'yan tatanggihan! "

"Here's my contact number. Just call me the moment you arrive the place. " nakangiting sabi niya at inabot ang isang calling card.

"I should get going. It's nice meeting you Ms. Rodgriguez. "

"Thank you po. Ingat. " kumaway ako sakanya para mas ma feel niya yung pamamaalam ko.



Dumating ang araw na pinakahinihintay ko.

This is the start of my new journey in life.

Let's hope na mabawasbawasan naman ang mga problema ko.









Note to Myself || Taglishحيث تعيش القصص. اكتشف الآن