Napatigil ako sa pagsasagot ng homework ko nang tumunog ang aking phone. Kinuha ko ito sa ibabaw ng kama bago ko sinagot yung tawag.

"Hello?"

"Hello babe! How about we go to Dianna's party tonight?" Sabi ng lalaki mula sa kabilang linya.

"I'm sorry Frey. I have homework to do." I told him. Hindi pwede na pati grades ko ay maapektuhan. Madumi ang records ko sa school but my grades compensate for them all. Kaya naman kahit anong pilit nina mommy na ilipat ako ng school ay ayaw ko talaga. Pinaghirapan ko ang grades ko. Sayang kung matitigil.

Frey Stevenson was my boyfriend for four years now. Second year high school ako nung naging kami. Sa lahat ng lalaki na nagtangkang manligaw sakin, si Frey lang ang pinansin ko. Hindi lang dahil gwapo sya kundi dahil matalino rin. Captain ball sya sa university basketball​ team nila. He was taking up medicine. Pangarap nya maging doktor.

"Aww. Don't be such a party pooper Dems! I miss you. Almost one week na tayo di nagkikita." May halong tampo na sabi ng boyfriend ko mula sa kabilang linya.

"Sorry baby. Sobrang busy ko lang talaga. I will make it up to you. Promise." I said.

"That was easy babe. Makita lang kita okay na ko. But how are you going to make it up to Dianna? You know how much she likes you being around." Sabi ni Frey. Pinsan nya si Dianna. Sa bahay nito nakikitira si Frey since both parents nilang magpinsan ay nasa states kaya medyo close din kami. Pero di gaano. Ni hindi ko nga alam kung bakit sya nagpa-party eh hindi nya naman birthday.

"Ako na bahala don. Enjoy ka sa party, okay?" I heard him sigh on the other line.

"Okay babe."

"I love you Frey."

"I love you more Dems."

Doon na natapos ang tawag namin. Ibinaba ko na ulit yung phone ko para sana maituloy ko yung paggawa ko ng homework kaso yung malungkot na boaes ni Frey hindi na mabura sa isip ko.

What he said was true. Two weeks na lang kasi, twenty first birthday ko na. Hindi ko alam bakit bongga pa yung party na hinahanda ni mommy para sakin. Wala na akong time makasama si Frey. Siguro sinasadya talaga ni mommy na gawin akong busy para hindi ko makasama si Frey.

I was not a secret that my mom doesn't like Frey for me. Halata yon sa kilos nya. Everytime na pupunta dito si Frey sa bahay, hindi sya nage-effort na kausapin si Frey. Ewan ko talaga don kay mommy.

Frey was super nice. Gentleman. Smart. Total boyfriend material. Kaya hindi ko maintindihan bakit ayaw sa kanya ni mommy. Maybe its because Nia was into him, too. Walang hiya na ipinaglalandakan ni Nia kina mommy at daddy na gusto nya si Frey. Naawa naman sa kanya ang mga magulang ko at alam nya yon kaya sya nagpapa-awa lagi.

Everytime Frey will come to our house for dinner, parati rin syang sumusulpot. Harap harapan nyang nilalandi si Frey. Confident naman ako na mahal ako ng boyfriend ko kaya hindi ako threatened sa kanya.

Isinara ko na ang text book ko since wala na naman akong gana tapusin yung homework. Kokopya na lang siguro ako kay Selene bukas. Matalino naman yon. Sya lang yung pinapansin ko sa school eh. Well, ako lang talaga ang pumapansin sa kanya.

Transferee kasi si Selene sa school namin and there's a rumor going around na may anak na sya. She got pregnant when she was seventeen daw, first year college. Nagstop sya for a year bago sya pumasok ulit. Hindi ko naman alam kung totoo yon. Tsaka wala naman akong pake. Getting pregnant at a young age doesn't make Selene a less of a person. Besides, she's super nice rin. Sa school namin sya nagdecide magenroll ngayong school year para ka-age nya mga classmates nya. Sa pinapasukan nya raw kasi, normal curriculum yung gamit kaya mas matanda sya kesa sa mga classmates nya. At least sa St. Gertrude, magkaka-age kami.

EZH #2: Timothy Samaniego [COMPLETED]Where stories live. Discover now