Chapter 1

19.7K 438 129
                                    

Chapter 1

-----

"How many times do I have to tell you Demi, control your temper. Your dad and I cannot keep on bribing your school like this. Ang laki na ng nagagastos natin sa school mo para hindi ka nila i-kick out." Victoria, my mom, said.

I rolled my eyes at her.

"My temper's not the issue here, mom. That Jasmine girl was a total bitch. Akala nya siguro nasa teleserye kami. Do you know what she told me, mom? She told me to stoop down my throne and give up being  the queen of our school because I'm not prim and proper enough to be one. Hindi raw ako magandang halimbawa sa kapwa ko. Like what the actual fuck mommy? Ano klaseng school ang may queen? Pati ako dinadamay nila dyan sa walang kwenta nilang imaginary hierarchy sa school." Naiinis kong sabi.

Totoo naman. Pakana nila yang pagbibigay sakin ng title na queen bee ng St. Gertrude school for girls. Ni hindi ko nga alam bakit. Tapos ako yung aawayin nila dahil don? Aba mga luka luka sila! Para silang mga elementary mag-isip! Ni wala nga akong trono doon! Buti sana kung meron ako pati korona at mga alila. Baka matuwa pa ako sa kanila.

"Still baby, hindi mo dapat ginupit ng ganun kaiksi ang buhok ni Jasmine. You know how much she cares about her hair. Shampoo commercial model sya Demi! Her hair was her puhunan sa pagmo-model!" My mom argued.

"If she cares about her hair that much, she shouldn't have started acting bitchy on me in the first place. You know how much I hate it when people tells me what to do! Hindi ako tanga mommy! Alam ko mga ginagawa ko! Sino sya para diktahan ako? Maliit na bagay pinalaki nya. Bagay lang yon sa kanya!" I said.

"My god! Okay fine anak! Tapusin mo na yang ginagawa mo para makapag dinner ka na. Maaga ka pa bukas." Sabi ni mommy bago sya lumabas ng kwarto ko. Finally!

Pagkauwi ko galing school ay sinermunan ako kaagad ni mommy. Ipinatawag kasi silang dalawa ni daddy sa school. As usual, hindi sila nagpunta. Instead, ang secretary ni daddy na si Alex ang nagpunta on my behalf. May dala syang tseke na may nakalagay na generous amount of money para donasyon sa school. Binayaran nya rin ang management na nagha-handle kay Jasmine. Ang bruha kasi, bawal pala magpagupit dahil model nga ng shampoo. Nasa kontrata yon. Kailangan nya magbayad ng fine para sa hindi pagsunod dahil ginupit ko lang naman ang buhok nya. Apple cut. Galing ko nga eh.

Hanggang sa magsimula na akong gumawa ng homework ko ay hindi nya ako tinantanan. But I'm glad she already got my point. Hindi naman ako pinaparusahan ni mommy kapag alam nyang hindi ako yung nagsimula. As a Saavedra, my mom also knows how to stand up for herself. We can say na, mini me talaga ako ni mommy. My lola told me na ganito din naman dati si mommy nung high school pa sya. Ang kaibahan lang, ako kahit college na ganito pa rin.

They cannot blame me, though. I have low tolerance when it comes to bullshit at nanggigigil talaga ako sa mga bumabalahura sa akin. I have a reputation at school. No one gets away with messing with me.

I was studying at St. Gertrude. Exclusive school for girls ang lugar na iyon. Gusto na nga akong ilipat nina mommy ng school pero hindi ako pumapayag. Maganda ang turo sa St. Gertrude kahit pa tangina yung mga tao doon minsan lalo na ang pinsan kong pinaglihi yata kay satanas.

EZH #2: Timothy Samaniego [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin