Wizard's Tale 1: Chapter 25

Start bij het begin
                                    

Nag-pout na lang siya sa pang-aasar at pananakot ko. "Babawi ako, akala mo!" Aba! Hindi na yata talaga siya natatakot saakin! "Basta mamaya, sumabay ka saamin mag-lunch!"

Pero napangiti na lang ako. Kung sa bagay, bakit nga naman siya matatakot? Isa lang naman ang pangontra kapag nagkakaroon ng impurity ang Bond Ring niya.

Yun ay ang pasayahin ako. And she's good at it.


* * *


(Alyanna POV)


Harujusko! Nadagdagan na naman ang dumi sa singsing ko! Bakit ba kasi ang pikunin ng wizard na yun? Ang hirap pa niyang pasayahin ngayon! Matagal-tagal na rin nung huli kong napakislap ang singsing at nakahingi ng wish!

Sa pag-aalburuto ko, nauntog tuloy ako nang di-oras. "Aww—" Hindi kasi ako tumitingin sa dinaraanan kaya lumanding tuloy ang noo ko sa pinto ng room namin! Ang sakit! Buti na lang walang nakakita...

"Okay ka lang?" Paglingon ko dun sa boses...

Oh my bulok na gulay! Bakit kailangan si Prince Dustin pa ang makakita ng katangahan ko! "O—Okay lang..." Okay lang na mamatay na ako ngayon sa kahihiyan.

Bigla naman siyang lumapit saakin at sumilip sa noo ko. "May bukol ka." At tinusok pa niya kaya napaatras ako! "Masakit?"

Aray naman! Bakit kailangan pa niyang tusukin? "Hindi naman masakit." Pero maluha-luha na ang mga mata ko!

"Sigurado ka? Tutusukin ko uli."

"Nawiwili? Masakit, okay? Masakit pala!" Sabi ko habang hinihimas ang kawawa kong noo. Medyo malapad na nga, nabukulan pa!

Pero aaminin ko! Kinikilig ako kasi kausap ko si Prince Dustin ngayon! "Bakit ka nga pala nandito? " Hindi kaya dinadalaw niya ako? At ang feelingera ko lang naman!

"Ahh kasi..." May hawak siyang box na may lamang pastries. Naamoy ko kasi yung mabangong amoy ng cinnamon at blueberries. "Hinihintay kit—" Nakatingin siya saakin at hindi ko rin maiwasan na titigan siya.

Kaya nga siguro na-concious siya at naunang umiwas ng tingin saakin. Sayang naman yung eye contact namin!

"I mean hinahanap ko si Elysse kasi... pinadala 'to ng mommy ko? Yeah! Pinadala nga ng mommy ko for—her." Medyo magulo siyang kausap ha. Parang hindi siya sigurado sa mga sinasabi niya. Buti na lang kahit utal-utal, pogi pa rin siya. "Di ba mag-classmate naman kayo? Pwedeng tanggapin mo—iabot mo na lang sa kanya?"

"Oo naman!"

"Thanks." He patted my head pero iniwasan niya ang bukol ko. "Alis na ako! Ingat ka sa susunod, Alyanna! Wag ka nang mauuntog!" At umalis na siya agad after kong mag-agaw buhay sa killer smile niya!

Bakit naman kasi kailangan niyang umalis agad? Hindi man lang humaba ang kwentuhan namin! Sayang! Hindi yata talaga makakalusot ang kalandian ko eh!

But I really have this feeling na type ni Prince Dustin si Elysse! Ang saklap naman kung ganun nga! Kaibigan lang kasi ang tingin sa kanya ni Elysse at bukod pa dun, si Brylle ang gusto ng babaeng maldita na yun.

Pumasok na ako sa loob ng room namin at nandun naman na pala si Elysse.

"Nandito ka na pala."

"Yeah. Why?"

"Hinahanap ka ni Prince Dustin kanina."

"What? Kasabay ko siya kanina. Siya pa nga naghatid saakin papunta dito."

"Ha? Eh pinabibigay niya sayo 'to."

"That's for me? Yan nga yung kanina pa niyang hawak pero bakit hindi pa niya binigay agad kanina?" Sinilip na ni Elysse ang laman ng box at, "That creep! This is not for me!"

At ibinalik niya saakin yung box. Nasilip ko na rin ang laman nito at cupcakes pala ang laman nun. Itsura pa lang, mukha nang masarap. Pero bakit kaya ayaw ni Elysse?

"That's for you."

"Sabi niya sayo 'to! Nag-bake ang mommy niya para sayo."

"First, I'm allergic to blueberries. Second, hindi marunong mag-bake ng kahit na anong pastries ang mommy ni Dustin."

"Ha? Eh sabi niya, sayo daw 'to."

"Sayo yan!"

"Sayo nga daw."

"Mas matalino ka pa saakin?" At kailan pa naging sukatan ng talino ang cupcakes ni Prince Dustin?

"Si Prince Dustin mismo ang nagsabi saakin na sayo 'to!"

"He just said that because he's torpe! I already told him that you like him. And base on his reaction, he's delighted to know your feelings for him."

"Hala! Bakit mo sinabi agad? Nakakahiya!"

"I think, Dustin feels the same way. Weird din ang taste niya sa babae."

"At anong ibig mong sabihin?"

"It's a compliment!" Compliment pa yun sa lagay na yun? "Kaya ka nga niya inabangan kanina para lang maibigay niya sayo yang gift na yan ng personal. Kaso dahil hindi siya marunong manligaw at sandamakmak na torpe ang lalaking yun, dinahilan niya lang na para saakin yang cupcakes. Pero sayo yan, Alyanna! Para sayo talaga yan!"

Maniniwala ba ako? Teka, pwede bang himatayin sandali? Kaso naman si Elysse lang ang nandito! Sa ugali niya, kahit siguro naghihingalo na ako, hindi niya ako papansin!

"Para saakin talaga 'to?"

"Bingi ka ba or just plain slow? Ayaw mo ba? Just tell me, I can throw it away for you."

"Syempre gusto ko 'to! Gustung-gusto!" At heto na ang kilig ko! Dinadalaw na niya ako! Para na akong tanga na nakangiti habang nakatitig dun sa cupcakes.

"I just did my part! Mukhang malaki ang chance na magkatuluyan kayo ng 'Prince' mo dahil sa sinabi ko sa kanya. You should thank me."

"Thank you!" May tinatagong bait din naman 'tong si Elysse. Hwahahaha! Mukhang magkakakulay na talaga ang nahihimlay kong buhay pag-ibig!

"You're welcome, pero may utang ka saakin. About my Brylle?" Biglang nag-twinkle ang eyes niya. "Did you tell him na ba about the lunch?"

"Inaya ko na siyang sumabay saating mag-lunch mamaya. Pumayag naman siya."

"That's great! May baon na nga akong food!" Kaya pala ang aga niya dito. "Pero hindi ka sasabay saamin. This lunch is only good for two. For me and for Brylle only."

"Ha? Paano ako?"

"Ano ka ba naman, Alyanna! If you really want to build me up on him, hindi ka sasabay sa lunch! Basta pag nandun na tayong tatlo sa cafeteria, iwanan mo na kami para makapag-sarili kami ni Brylle."

"Ha?" Grabe din pala makapag-plano itong si Elysse! Ganun niya ka-gusto si Brylle? All out sa love para lang makuha niya ang inaasam niyang lalaki!

"Pumayag ka na! Please, Alyanna!" At ngayon naman nagpapabata at pa-sweet pa siya ng boses. "Di ba nga, we are like fairy godmother to each other."

"Pero alam mo kasi yung si Brylle—"

"In return, I'll text Dustin na mag-lunch naman kayo today! I'm anticipating na tatawag agad yun sa isang restaurant!" Sabay nag-wink siya saakin. "Do we have a deal?"

"Okay deal!" Ang dali ko namang kausap! Okay na agad!

Kung sa bagay, kung kina Brylle at Elysse nga ako sasabay na mag-lunch mamaya, baka masoray lang ako sa gagawing paglalandi ni Elysse dun sa amo kong wizard na autistic minsan!

Isa pa, pagkakataon ko na 'to para ma-solo ang prinsipe ng buhay ko! Mukhang kahit papaano pala, makakatikim rin ng magandang love story ang isang tulad ko.




Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu