CHAPTER 21: Is it a sign?

Start from the beginning
                                    

                “Masasaktan at magagalit ako. Mahal ko siya pero iniwan niya ako para sa ibang lalake. Pero kung doon talaga siya masaya, magpaparaya ako.”

                “E pano po kung nagpakasal lang yun babae dun sa lalake dahil may malubhang sakit ito at may taning na ang buhay? Ganoon pa din po ang mararamdaman nyo?”

                “Siguro, pero kung yun talaga ang dahilan niya, hihintayin ko siya. Yan ba ang pinoproblema mo ngayon?” patay! Magdadahilan na lang ako.

                “Ah, hindi po. Yun kaibigan ko po. W-wala ho kasi akong mabigay na payo sa kanya. Ano po ba ang dapat kong i-payo sa kanya?”

                “Ahh. Sabihin mo sa kanya, sabihin niya ang totoo sa taong mahal niya. Maiintindihan naman siguro niya ang sitwasyon. Lalo na kung mahal na mahal siya noon lalake.” Sana nga, maintindihan ni Adrian kapag sinabi ko sa kanya ang lahat.

                “Talaga po? Salamat po.” Tumingin ako sa relo ko. Whaaa! 3:30 PM na. May party pa pala akong pupuntahan.

                “Ah, Lolo Al. Kailangan ko na po umalis. May pupuntahan pa po kasi akong party.” Pagpapaalam ko sa kanya.

                “Ako din pala. Sumabay ka na sa akin at ihahatid na kita.”

                “S-sige po.”

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pagkadating sa condo ni Yumi ay agad akong nag-shower. 5 PM ako susunduin ni Adrian. Si Yumi, ay nakaligo na at ngayon ay naglalagay na ng makeup.

                “Jen, dalian mo dyan! Naku, talaga naman. Ako na ang mag-aayos sayo.” Agad naman akong sumalampak sa upuan para maayusan na ako ni Yumi ng buhok at makeup.

*DING DONG*

Katatapos lang maglagay ng blush on sa akin ni Yumi. Buti na lang at mabilis si Yumi. Bago niya ako inayusan ay suot ko na ang dress. Nag-doorbell pa ulit ng ilang beses kung sino man ang tao na nasa labas ngayon.

                “O, ayan! Ang ganda mo na. Teka, buksan ko na nga ang pinto at baka masira pa ang doorbell ko.”

                “Sige. Magsusuot na ako ng sapatos.” Pagka-alis ni Yumi ay sinuot ko na ang sapatos ko at pati yun bracelet na bigay ni Lolo Al at ang kwintas na bigay ni Adrian. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, gumanda nga ako lalo. Hehe. Napansin ko na parang hindi bagay na may suot ako na kwintas. Turtleneck kasi itong dress. Kaya tinanggal ko na lang muna at itinago sa jewelry box ko. Nagsuot na lang ako ng hikaw kapalit nun kwintas.

                “Jen, andito na ang mga sundo natin. Halika na!” Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko si Adrian na nakaupo sa sofa. Halos mapanganga ako dahil sa sobrang gwapo niya. Black suit ang suot niya, white ang polo na panloob. Wala siyang suot na necktie at nakabukas ang ilang butones ng polo niya. Si Jiro ay ganoon din kaso gray naman kulay ng suit niya.

                “Love, natutunaw na ako sa titig mo.” Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin at binulungan ako sa tenga. Ang bango ng hininga niya at tumindig lahat ng balahibo ko nang marinig ko ang husky voice niya.

                “T-tara na. Baka ma-late tayo.” Hinila ko siya pero hindi siya gumagalaw. Ano kaya ang problema nito?

Crazy Textmates to Crazy Couple?Where stories live. Discover now