Habang naglalakad kami ay hindi ko maalis sa aking isipan ang mga sinabi nya. I shook my head as I focus my mind to the game that will happen later. Naabutan namin na halos naroon na silang lahat. Sinalubong ako ng nakataas na kilay ni Paula.

Lumipat ako ng lugar at hindi na tumabi sa kanya. I need to save my energy for later.

"Quiet please..." Napatingin ako kay Blaze na nasa tabi ko pala.

Napatingin din sya sa akin. Ngumiti ako sa kanya pero nilagpasan nya lang ako ng tingin. Unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi. Hinila ako ni Jean palapit sa kanya.

Gaya ng ginawa kanina ay nagdasal muna kami sa pangunguna ni Blaze. I closed my eyes. Hindi ko pa rin maalis sa aking isipan ang ginawa nyang paglagpas lang sa akin ng tingin. I was expecting to smile back and that expectation hurt me. Dapat ay tinitigilan ko na ang pag-assume ng kung anu-ano tungkol sa kanya.

Kumain ako nang tahimik. Nagkakasiyahan sila at wala man lang ako magawang isingit. I was just listening and trying to smile when they are laughing the whole time.

After that ay binigyan kami ng 30 minutes para makapagpahinga bago mag-umpisa ang palaro. May kanya-kanyang spot ang mga kasama namin. Hinila ko na lang si Jean papunta sa isang kubo sa gilid ng pool.

Umupo ako sa upuan na gawa sa kawayan. May maliit na ilaw sa itaas na nagsisilbing liwanag sa paligid. Tahimik at tanging ang ingay mula sa mga kasama namin at pagaspas ng hangin ang sumisira sa katahimikan.

"You are almost there..." Jean said. That was just a whisper one but the effect to me was just so much to handle. My heart is on fire. My mind is messed up that I couldn't think well. "Almost over him."

Tumingala ako sa labas ng bintana. Malawak ang kalangitan na walang ulap kaya kitang-kita ang hindi mabilang na bituwin na nakapaligid sa buwan. It was a nice view but I just can't appreciate it. Hindi ko makalma ang sarili ko at bawat oras ang lumilipas ay mas tumataas ang kaba sa dibdib ko.

"I want to congratulate you now..." Naramdaman ko ang pagbalot ni Jean sa akin. Lumakas ang ihip ng hangin. "Finally, Chelsea."

Finally? Yes! Ito ang hinintay at ginusto ko. Ngayon ay abot kamay ko na ngunit hindi ko magawang kunin. Hindi ko magawang masaya kasi alam kong may mas malaki pa akong dapat na katakutan.

Napatingin ako sa lalaking pumasok. Gusto kong magmura at sampalin ang sarili ko... Bakit ba ganito ang kalabog sa dibdib ko? Bakit ko nararamdaman sa kanya ang mga dapat na nararamdaman ko lang para kay Blaze? Bakit... Bakit mo ako ginugulo, Ryde?

"Ryde..." Kumawala sa pagkakayakap sa akin si Jean. Humigpit ang hawak ko sa kanya nang mapalingon sa amin si Ryde. "Lyn is not bad, right? Maganda sya. Mabait..." Sabi ni Jean.

Sobrang sikip ng dibdib ko na dinadagdagan pa ni Jean. Bakit nya pa kailangang gawin ito?

"Uh, yeah. So?" Malamig na tanong ni Ryde.

Napanganga ako nang ilabas nya mula sa kanyang bulsa ang in-can beer. Isa 'yon sa mahigpit na ipinagbabawal. Bawal magdala ng kahit na anong inumin na nakakalasing. Hindi ko alam kung paano nya nagawang ipuslit 'yon.

"You like her?"

Tinungga ni Ryde ang alak habang nakatingin sa labas. Humangin muli na sumira sa porma ng buhok nya. Naka-simpleng black shirt lang sya na nakatupi ang ilang bahagi ng manggas nito.

"I like girls... Hindi na bago 'yon sa akin." Ngumisi ito kay Jean.

"So you like her?"

"Uh, she's a girl. So, I think, yes." He chuckled. Naging maganda 'yon para sa pandinig ko.

Trapped (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon