_____________________Prologue______
JULIUS
"Bibili lang akong gamot niyo ma" sabi ko at ngumiti kahit na nanlalabo na ang mga mata sa luha. Tumayo ako at agad na lumabas ng bahay.
Di ko nanaman mapigilang umiyak. Idesregard na natin na kakagaling ko sa break up dahil mas mahalaga sakin ngayon ang pamilya ko.
Pinambili ko na ng gamot ang pinakahuling barya sa bulsa ko. Magpapart time na lang ulit sa canteen bukas.
Pagbaba ko sa hagdan ng butika may narinig akong sumitsit sakin.
"Psst... hey pretty!" Ani ng isang lalaki sa loob ng isang kotseng itim. Nakashades siya kaya diko maaninag ang mukha.
Napansin kong may kasama pa siyang ilang lalaki sa loob.
Sumenyas siya na nakakuyom ang kamay at nakatutok sa bibig. Alam ko ibig sabihin nun. Di ako tanga. Serbis.
Hindi na ako nagtaka na sasabihin ng isang lalaki yun dito, dahil itong street namin lunggaan lang naman ng mga prosti o pok-pok. Kaya nga ang daming nagkalat na bata sa daan. At baka napagkamalan ako. Bwisit.
Di ko nalang pinansin at naglakad. Pero madali nila akong sinundan sa pag andar ng kotse niya. Mabagal upang sabayan ako sa paglalakad.
"Ano? 500 oh! Malaki to...at masarap!" Ngisi pa nito.
Nagtawanan sila.
Biglang nag init yung dugo ko.
Nilapitan ko siya sa kotse niya at sa isang iglap pinadapo ang kamao ko sa mukha at pinadugo ang ilong niya.
"Gago! Hindi tayo talo!" Singhal ko.
***
[Not only pretty but palaban!]
V O T E for more U P D A T E S
Follow niyo rin ako XD Labyu!
YOU ARE READING
I'm The Playboy's Pretty boy! [boyxboy]
General FictionBromance| Yaoi| BxB - Julius Mañago. Isang lalaking madalas akalin na babae dahil sa taglay nitong panlabas na katangian. Bukod sa pagiging "pretty boy", matalino, palaban at higit sa lahat padalos dalos sa mga desisyon. Gagawin niya lahat para lama...
![I'm The Playboy's Pretty boy! [boyxboy]](https://img.wattpad.com/cover/114739044-64-k81336.jpg)