Chapter 2: The Emotions

20.4K 488 6
                                    

Naglakad kami palabas. I decided to get a view sa bago kong titirhan. My senses are right, there's something exquisite in the place. Natigilan ako saglit nang mapansin ang kabuoan o… kalahati ng bayan. May mga tao na naglilinis sa harap ng mga bahay, may mga nakatambay sa tindahan, may mga sasakyang dumadaan bagamat bukid at gubat pa rin ang nakapalibot dito.

"Abah! May mga tao rin pala maliban sa ‘tin. Akala ko mga puno't damo lang."

"Ha. Ha. Ha. Funny. Syempre, what do you expect? Sea of grasses and sands?”

Sa sarap ng kwentuhan namin habang naglalakad kanina ay hindi ko napansin na marami ng mga kabahayan sa parteng ito.

"Kaya rito ko piniling tumira dahil magkakalapit ang bahay at mababait ang mga tao sa bandang ito ng bayan. Kung tutuusin, mga simpleng mambubukid, mangangaso, guro, bank teller, at kung ano pa'ng simpleng mga kabuhayan ng mga tao ang mga nakatira rito, mga simpleng mamamayan ng Mistletoe. Sa kabilang baryo ay puro mayayaman'g angkan na ang nakatira. Nagtatayugang mansiyones at hacienda. Kung tutuusin, iisang angkan lang talaga ang nakatira roon, ang mga Laurent." Itinuro ni isabel ang isang malayong baryo. Malayo pa lang pero kita na ang mga malalaking bahay.

"What? Ang korni." I laughed. Sobrang dami ba nila at talagang sila lang nakatira sa isang baryo?

"Please. Never dare to get involved with them, Cas. H'wag mong pairalin ang ugali mo sa Deniva rito. Not with them. I love you staying here. If you want to stay longer here, stay away sa kahit anong gulo."

I can't help but smile. She's seriously giving me warning.

"Wala akong balak sumabak sa gulo. Not here. Not yet, Sabel. Wala na akong pupuntahan kung ipapatapon mo pa ako."

"Good to hear that."

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Napansin kong may kakaibang tingin ang ilan sa mga tao na nadaraanan namin. It's as if they're telling me that I shouldn't be here. Pft! Kahit saan talaga unwelcome ang presence ko. Damn, I don't have a choice anyway. Napakunot-noo lang ako.

"Who are these Laurent? A threat?" I asked.

Umiling siya. "Not really. Technically, they owned Mistletoe, cousin. Their great great nth grandfather found this place. Sila rin ang namamahala ng lugar."

"Are they good?"

"Yes. They have kept Mistletoe in peace for years now, I heard. "

Lumampas kami sa baryo. Pupunta kaming sentro ng lugar dahil naroon ang mga kainan, doon na rin kami manananghalian.

Nakita ko ang signage na "slow down and be careful with wild animals" na nakapaskil sa isang puno. Mga kabahayan sa kanan at sa kaliwa naman ay gubat na. Isang malawak na kalsada lang ang pagitan. Hmm, it's creepy. Pwedeng mag-shoot ng horror movie sa bayan na ito.

"Pero okay naman. Mabubuhay ako ng payapa rito…for now," I mumbled the last two words.

Ipinikit ko ang aking mga mata at ibinuka ang aking kamay na tila dinarama ang hanging banayad na tumatama sa mukha ko. Nauna akong maglakad.

"Cass!"

"Cassandra!"

Hindi ko nilingon si Isabel. Habang naglalakad ako kanina pa lang, narinig ko na ang isang paparating na kotse. Kaskasero kung sino man ang driver nito. But my senses are telling me nothing will happen so I just slowly opened my eyes and stared at the goddamn running car towards me. It's a black convertible.

Cool. Ganito rin ang kotse ko back in Deniva. Mine’s just in a blacker shade than this.

The tires screeched as the driver stopped the car from hitting me. Ilang pulgada na lang ang layo nito sa katawan ko. Seconds later, unti-unting gumalaw ang bubong ng kotse para bumukas. Tatlo. Nakita ko ang tatlong sakay. Driver na lalake, isang babae at lalake sa back seat. Bumaba ang lalake na naka-black leather jacket, ang driver. Binata. Sa pormahan pa lang, masasabi kong mayaman ito. Hmmm, and with eyeglasses? He's damn hot.

"Hey, are you okay?"

Walang emosyon ang mukha niya, so I stared back emotionless, too

"Yeah. You didn't hit me, so I'm fine."

Matagal niya akong tinitigan, bumaba rin ang tingin niya sa kwintas ko, or... Was it my neck he's looking at?

"Cassandra! Shoot muntikan ka na!"

Isabel approached us. Hindi ko maalis ang tingin sa lalake. For a promdi, he looked like a city popper. His eyes are enticing and deep. And for a second, I think I saw a glint of pale yellow close to gold eye color shifting, then back to black. Wait, namamalikmata ba ako? I looked at Isabel, hindi siya nakatingin. She's checking if wala akong galos .

"I'm sorry, masyadong mabilis ang pagmamaneho ko. I thought walang sasakyan o mga tao ngayon," he said.

What does he mean by that? Gago pala 'to.

"Vince, let's go!"

Isang maarteng boses ng babae ang narinig ko. Nilingon ko ang mga sakay ng kotse.

I felt a flicker. Nagtama ang mga mata namin ng lalake sa loob na pinagmamasdan akong mabuti… like I'm a piece of an art exhibit. Emotionless.

Eh? Why am I nervous like I did something wrong? Fuck. Nilingon ko ulit ang driver.

"Hindi mo pagmamay-ari ang daan. Be careful next time," Iritang ani ko sa kanya.

Ibinaling ko sa driver ang inis sa nagwawala kong emosyon.

"Yes. And I'm sorry." He frowned, like he didn't get what I just say.

"Apology accepted."

And I walk past him.

"Let's go, Isabel."

Naramdaman ko ang pinsan ko sa tabi ko.

"Wait! Are you new in Mistletoe?"

Dumungaw sa bintana ang babae sa kotse. Is she talking to me? She looks like a goddess with her long blond hair. She is charming, I can't stop staring at her beauty. Ugh, what's with these people?

"Yeah." 

I saw a glimpse of a smile on her lips.

"Welcome to Mistletoe, then."

"Thanks," I shortly replied.

Nilampasan na namin sila. Saka ko lang naramdaman ang mahigpit na kapit ni isabel sa kanang braso ko.

"Damn it, Cass! Those are Laurent! Kasasabi ko lang sa 'yong stay away, e!" Tinampal ni Isabel ang kanyang noo.

They are? Shit, I just got bad feelings about them.

"Maybe I'm really a bad luck magnate," I scoffed to myself.

Anyway, who's that guy? He looked very familiar.   

 

Alpha and The BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon