Iyo Ako, Akin Ka

134 0 0
                                    

Ang sarap mabuhay, 'no?Lalo na kung ang puso mo ay inaalagaan ng isang tao.Para sa'tin 'to,na masaya ngayon ang puso.Para akong baliw na ngumingiti mag-isa sa t'wing naiisip kita,nakakainis, nakakatuwa na mejo nakakahiya, lalo na 'pag nakikita ako ng iba.Pero paano ba?Ang hirap lang pigilan ng saya— saya na dulot mo, sinta.Ramdam ko ang bilis ng pagkabog ng puso ko,na tila may nagaganap na karera dito,pero alam mo?Nang dumating ka sa buhay ko,

masasabi ko na ngang "meron nang nanalo."Ginalingan!Oo, ginalingan mo.Ginalingan mo ang pag-kuha sa pihikan kong puso.Kakaiba. Kakaiba ka, dahil sa iyong salita, ang pader na pumapalibot sa'kin ay unti-unting nagiba.

Iba ka— iba ka sa lahat,at mas minamahal kita sapagkat,totoo ka. Sa bawat araw na lumilipas,mas hinahanap kita.At mas nananabik ako sa oras,oras na makikita at makakasama na kita.
Kada umaga'y gigising na ikaw ang una kong hinahanap,at sa gabi'y nangungulila,iniisip na ikaw na ang unan na aking yakap-yakap.
Ang sarap— ang sarap mong mahalin.Di ko akalain na sa iyong pagmamahal ako'y mabubusog na din.Pagkabusog na hindi ko kailanman nakuha sa pagkain.
Sa banayad mong boses ako'y nanghihina,at sa iyong mga yakap— oh! Kay sarap siguro manatili, sinta.At ang iyong mga titig— gustong gusto ko ang iyong mga mata,kung maari nga lang na pati ito ay angkinin ko na,na ako na lamang ang siyang titignan nito, sinta.
Mahal kita.Mahal kita.Paulit-ulitin man ay hindi ako magsasawang ipadama,na maski may distansya— kakayanin natin 'to, sinta.
Konting panahon na paghihintay,walang-wala iyan sa panahong magiging magkasama tayo,kung saan tatanda tayo ng sabay.Kaya naman, masasabi kong,napakasarap mabuhay.Napaka-sarap mabuhay lalo na at hawak ko ang iyong kamay.
Mahal— kita,mahal kita, sobra pa sa sobra.Iyo ako, at akin ka,pang-habang buhay na 'to, sinta.


(c)Jan Emmanuelle Saet Paguntalan

Letter for youWhere stories live. Discover now