Chapter 2 - My dad is right :(

118 11 2
                                    

*Hermes/The Bride's POV*

Kakagising ko lang ngayon. Nabuhayan na ako ng loob pagkatapos kong makausap si Bessy kahapon.

Sinimulan ko na ang mga morning rituals ko. Nang matapos na ako ay bumaba na ako ng hagdanan at dumiretso sa dining room namin. Nagulat pa nga yung mga tao doon dahil siguro ngayon na lang ulit ako nakapunta dito.

 (A/N : Dad po ni Hermes yung nasa side ------>)

O.O - silang lahat

"?_? Bakit kayo nakatingin sakin?"

"A-anak ayos ka lang ba? M-may kailangan ka ba?"

"Mom ayos lang ako. Saka dito na ako kakain."

"Waah! Talaga anak? Talagang-talaga?"

"Oo nga. Ang kulit mo naman. Bakit ayaw mo ba?"

"Hindi ah! Gusto ko nga eh! Ngayon ka na lang kasi ulit kakain dito pagkatapos nung...."

"Nung?"

"Ah wala yun anak. Sige kain ka lang ng madami."

Alam ko naman kung ano yung sinasabi ni Mom eh. Tinanong ko lang para makasigurado. Base sa nakita ko, tama yung hula ko.

 Alam kong alam niyo din yun kaya hindi ko na sasabihin sa inyo. Baka kasi magflashback na naman sakin lahat ng nangyari nung araw na yun. 

Ayoko munang maalala. Babalik lang kasi lahat ng sakit na dapat ay makalimutan ko na ngayon.

Nagsimula na akong kumain. Napansin kong wala si Dad at ang kapatid kong maliit. Yeah. May kapatid ako. Lalaki siya. Ang name niya ay Andrew Daza. 5 years old pa lang siya. Ako kasi ang panganay. Baby Drew ang tawag ko sa kanya. Ang kapatid ko na yun ay maharot, makulit pero sweet. Namiss ko nga yun eh. 1 month kasi akong nagkulong sa kwarto kaya hindi pa kami nakakapagbonding.

"Mom nasan si Drew?"

"Nasa kwarto niya. Kakatulog pa lang niya eh. Napagod siguro kakalaro kanina."

"Eh si Dad nasan?"

"Nasa States siya ngayon. May inaasikaso na business dun."

"Bakit hindi siya nagpaalam sakin?"

"Magpapaalam dapat siya sayo. Kaya lang, ayaw ka niyang makitang nahihirapan. Kaya hindi ka na niya sinilip sa kwarto mo."

Close kami ng parents ko. Kaya naapektuhan din sila ng nangyari.

Mas close nga lang ako sa Dad ko. 

Ang Dad ko ay hindi strict. Pero kapag ayaw niya talaga, ayaw niya.

Sa totoo lang, tumutol pa yan sa plano naming pagpapakasal noon. Masyado pa daw kasi kaming bata at may mga pangarap pa daw kami na gusto naming matupad. Medyo nagtampo nga ako sa kanya nun kaya sa huli, pumayag din siya.

Ngayon ay nagsisisi ako dahil hindi ako nakinig sa kanya. Tama siya sa mga sinabi niya sakin noon.  :(

=FLASHBACK=

Nasa garden ako ng bahay namin ngayon. Nakaupo ako at nagiisip-isip. Nang biglang lapitan ako ng Dad ko.

"Hermes, my daughter. Gusto sana kitang makausap tungkol sa plano niyong pagpapakasal."

"Sige."

"Sigurado na ba kayo sa desisyon niyo?"

"Yeah."

"Alam kong alam mo na tutol ako sa plano niyong pagpapakasal sa simula pa lang. Masyado pa kasi kayong bata at nag-aaral pa kayo. Madaming pwedeng magbago sa oras na kasal na kayo. Marriage is not as easy as you think it is. Kaya sana pinag-isipan niyo itong mabuti."

"Dad alam namin ang ginagawa namin. Nagmamahalan naman kami kaya sa kahit anong problema na dadating, alam kong kaya namin itong lagpasan."

"Sabihin na nating nagmamahalan nga kayo. Pero paano naman yung mga pangarap niyo na gusto niyong maabot? Mahihirapan kayo sa pagtupad nito. Hindi kasi lahat ng gusto niyo ay pabor sa isa't isa. May mga gusto ka na ayaw niya. Siya naman ay may mga gusto na ayaw mo. Magiging komplikado na ang lahat kapag pumasok na kayo sa married life."

"Handa naman akong isakripisyo ang pangarap ko para sa kanya eh."

"Siya ba?Handa ba siyang isakripisyo ang pangarap niya para sayo?

"

"E-ewan."

"Tingnan mo nga. Hindi mo alam. Kilala ko si Andrei. Bata pa lang siya ay gustong-gusto niya nang matupad ang pangarap niya na maging architect. Diba lagi niya ngang nababanggit sayo ito? Pano na lang kung ikaw ang hadlang sa pangarap niya? Tapos kailangan niyang mamili between you and his dreams? Hindi natin alam kung ano ang pipiliin niya kapag nangyari iyon. Baka masaktan ka pa sa magiging desisyon niya. Hermes, ayokong makita kitang nasasaktan. Kaya habang mapipigilan ko pa kayo ay pinipigilan ko kayo." 

"Dad handa akong harapin ang lahat para sa kanya. Gusto ko talaga siyang mapakasalan. Kaya sana pumayag ka na."

"Ayoko man pero pumapayag na ako. Gusto kitang maging masaya. Kaya kahit tutol talaga ako ay hahayaan ko na kayo. Basta tatandaan mo lahat ng sinabi ko sayo."

"Waah! Talaga dad? Wag ka pong mag-alala. Tatandaan ko po lahat ng sinabi niyo. Promise! :)"

"Sige. Aalis na ako. Baka malate pa ako sa appointment ko."

Umalis na nga si Dad pagkatapos.

=END OF FLASHBACK=

"My Dad is right sa simula pa lang. Sana nakinig ako sa kanya. :("-nabulong ko ng mahina.

"Ha?Ano yun anak?"

"Ah wala."

Kumain na lang ako.

'Dad natandaan ko lahat ng sinabi mo at tama ka.'-yan ang sasabihin ko sa dad ko pag-uwi niya.

A/N : Vote and comment po kayo ^_^

The Bride [EDITING]Where stories live. Discover now