Chapter 14

297K 3.2K 374
                                    

Chapter 14


Kathryn's POV


"Huh? Ahhh...ano...uhhm...classmate ko lang" Totoo naman ahh. Classmate ko si DJ. Di ko nga talaga alam kung ano kami ehh. Friends or enemies? Di naman kami masyado enemies. Di ko naman pwede sabihin na friend kasi lagi kami magkaaway.


"Classmate? Sino?" BOOM! Ayun! Yun ang problema.

"Bakit mo gusto malaman? Ipapabugbog mo kuya? OA ka"

"Ikaw ang nag jump into conclusion tapos ako sasabihan mo ng OA"

"Classmate ko nga lang"

"Bakit ngayon ka lang umuwi? Anong oras na?" Tapos tumingin siya sa relo niya.


"Kuya, nagpaalam ako kay mama. Nanuod kasi kami ng barkada ng show ni Slater ng PBB tapos nag-sine kami"


"Barkada? One week ka pa lang dun ahh..."

"Don't worry, mababait sila" Except DJ "And kasama naman si Julia dun"


"Kahit naman kasama si Julia, di pa rin ako kampante. Kasabwat mo yun ehh" Hahaha. Oo nga noh.


"Kuya mababait nga sila. Mayayaman yung mga yun kaya disente sila"

"Wait lang, Alam ni mama na ginabi ka?"


"Oo. Bakit? Hindi niya sinabi?" Ayan. Malayo na pinaguusapan namin kay Daniel. Di na niya sana maalala yun para hindi siya ulit magtanong.


"Wala pa si Mama, nasa kumare niya daw siya"

"Gabi na kaya" Sabi ko.


"Ginabi ka na rin. Teka lang nga, bakit ang tagal mong bumaba dun sa kotse? Ano ginawa niyo?"


Aish! Malas ko talaga!

"Matagal bumaba sa kotse? Ako?"


"Nagstop yung kotse sa harapan. Naghintay ako ng ilang minutes bago ko nakita na bumaba ka, ano ginawa niyo dun?" Halatang pigil na pigil yung tawa niya.


"Kuya naman! Wala nga!" Sigaw ko.

"Bakit nga ang tagal mong bumaba? Boyfriend mo ba yun?"

"KUYA!"


O///////////O

Nakakahiya naman ito! Interrogation ni kuya nakakahassle.


"Kayo na ba? Bakit hindi mo pinapakilala?" Ang kulit!


"Kuya, hindi ko siya boyfriend. Classmate lang okay? Kasabay namin si Julia pauwi. Natagalan lang ako bumaba ng kotse kasi nagusap pa kami. Syempre, nag thank you ako sa kanya sa ride"

Stuck in the Moment (Stuck Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon