GAME 33: Just me

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi pala pero para kang tanga dyan na laging sa CCTV cameras lang nakaabang. like what the fuck,chain. daig ka pa ng gurang na Zerred na yon" pang aasar nito.

"Na malandi?" nakairap kong sabi dito. He laugh bluntly.

"Exactly! matuto ka naman minsan oh! matalino ka. alam kong alam mo ang dapat mong gawin." nakangisi nitong sabi.

"Tss." inis na tinalikuran ko na lang ito.

"Tss--tss ka dyan. ikaw din baka maunahan ka pa ng kung sino" sabi nitong nakakibit lang.

".."

"Hailey is a good catch. you know." nakakibit na sabi nito."Burn is single. Clyde is not really attached to that wendy girl. hmmm.. even--"

BLAG!

"Stop it. will you? dun ka na nga." inis na pagtataboy ko dito.tumatawang iniwan ako nito. Inis na bumaba ako upang dumeretso sa kusina na saktong kinaroroonan ni Hailey. speaking of witch.

"Here comes your hero!" Nakangiting sabi ni wendy na nakatingin saakin habang taas baba ang kilay.

kitang kita ko ang reaksyon ni Hailey na parang nahihiya. napatiim bagang ako ng makita ko ang bukol ni Hailey sa noo.

"T-Thank you" nakayukong sabi ni Hailey.

"You know what Hailey? Chain loves to eat lasagna." nakahagikgik na sabi ni Hara.

"Yeah right.. uh.may gagawin pa pala kami-- siege aalis na kami ni Hara" nakangising sabi ni wendy.

[HAILEY's Point of View]
Masakit pa din yung bukol ko sa noo. Pero masama okey na to at hindi dumugo. Buti na lang at nahimatay lang ako kung nagkataong masama malalagot ang natamo ko. nakow. yari sila saakin. saktong paalis na din sana ako ng biglang pumasok si chain sa kusina.

"Here comes your hero!" nakangiting sabi ni Wendy. Yeah right. kanina pa nga nila kinukwento yun eh. like chain is blah blah blah.

Pero in fairness naman ha. hindi ako pinabayaan nitong singkit na lalaking to. I bit my lower lip.Bakit ba ako kinakabahan?

"T-Thank you" nakayukong sabi ko.

"You know what Hailey? Chain loves to eat lasagna." nakahagikgik na sabi ni Hara. Napairap ako sa isip ko. grabe. parang binubugaw ako nitong dalawang to.Nang biglang sumibat sila wendy ay nako.confirm mga bes.

"Uh.you want lasagna?" tanong ko dito na hindi masyadong nakatingin.Imbes na sumagot ay mabilis itong lumapit saakin.

"Why don't you look me straight in my eyes?" tanong nitong kinakaba ko lalo.

"Uh,What are you saying? nakatingin naman ako ah"maang na sabi ko dito.I gasps when he cupped my face.

"look at me"seryoso nitong sabi habang nakatitig sa mga mata ko ng direkta.I gulped. Okey. alam kong gwapo si chain ..pero argh. mas gwapo sya sa malapitan. "Look at me.Just me.. " hindi ko alam kung bakit parang tanga akong tumango na lang basta sa chinitong to. Teka.bakit parang lumalapit yung mukha nya? Oh my gosh.

"T-Teka-- hindi pa ako ready" biglang sabi ko.kitang kita kong napahinto si chain sabay nagtatakang tinignan ako. natigil kami sa pagtititigan ng biglang may sumigaw.

"WHAT THE HECK IS THIS?!" nanlaki ang mata ko ng makilala ko kung sino yung sumigaw.

"K-Kuya!"

[A/N: sorry for the long wait. exam week eh.sorry na 😂]

TYRANT 7: The Manipulator ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon