Chapter 6: First Project-Warm Up

53 2 0
                                        

Alex’ POV

Hinihintay ko ngayon si Nexie  sa labas ng school gate. Hindi kasi ako makapunta sa kanila para sunduin siya kasi nasa talyer ang motor ko. Pero tinext ko na rin siya na hintayin ko na lang siya sa labas ng school.

Habang nakatayo ako dun, nakita ko ang isang black na sasakyan. Wow. Ang kintab. So shiny. Hahaha! Huminto iyon sa tapat ng school at mula doon, bumaba si EJ Hyun ba? Basta EJ. Kasama niya si Jason. Nginitian ako ni Jason tapos si EJ tiningnan niya lang ako.

Sheesh. Sungit. Ano ba problema nun?

Nung nasa canteen eh ang sakit niyang makatingin sa amin ni Nexie. Tapos sinabihan pa niya si Nexie ng, “Masaya ka na ba?”

Ano raw? Oh well. Papel. Bahala na siya.

Malayo pa lang naramdaman ko na ang aura ni Nexie. Adik na kung adik. Ewan ko ba. Pinanganak ata ako na may Nexie Radar eh. Hahaha! *behlat.

“Oh Alex! Hinintay mo talaga ako? Galing.” Nakangiti niyang sabi.

“Oo naman noh. Tapos isa pa kasi…”

“Wala kang assignment?”

Teheeee. “Oo eh. Hahaha!”

“Sheesh. Kung hindi ka lang malakas sa akin, isusumbong kita sa Principal para alisin ka sa SEC.”

“Kung ganun eh wala ka nang gwapong makakasama araw araw.”

“Ang hangin naman. Teka. Maayos nga ang buhok ko.” Napakasarcastic talaga.

Tinali niya nga ang buhok niya, at inayos naman sa harap ang bangs niya. Teka, may stray hair eh. Inayos ko yun at napatingin ako sa mga mata niya.

Napatingin rin siya sa akin at mga ilang minutes rin kaming ganun.

Nasa buhok pa rin niya ang kamay ko.

Nakaramdam kami na may umubo sa likuran niya at pagtingin ko, si Alesa pala.

PANIRA.

Napaubo na rin si Nexie at inalis ko na ang kamay ko at nilagay sa bulsa ko. Nginitian ko silang dalawa.

“Tayo na?” Sabi ko.

“AAAYYY. Sorry po! Nakasira ba ng moment?” Ngingiti ngiting sabi Alesa.

‘Hindi ba obvious.’  -___-

“Aaah? Ewan ko sa inyo! Mauna na nga!”

“Teka N                exie! Eh ba’t namumula ka!? Hahahaha!” At tumakbo na si Alesa. Hinabol naman siya ni Nexie. At while in the process, panay naman ang pagpapahinto niya sa mga dumadaan at pinapagalitan pag may nakita siyang mali.

Napailing na lang ako at sinundan sila.

Kailan ko kaya---

Bahala na.

Nexie’s POV

Oh my goooosh nemen! Kinikilig ang lola niyo! Sana ganun na lang kami forever. ECHOS. Kyaaaaaaa!

Parang telenobela kami kanina. Mata sa mata. At unti-unting lalapit ang mga mukha namin,

Tapos…

*UBO!

Timing na naman si Alesa. Hay. At talagang niladlad pa ang pagblush ko ha. Tumakbo na siya at tumakbo na rin ako, pero teka…

“STEFAN! Ano ba ang sinabi ko tungkol sa earrings mo?”

“Sachi, ayusin mo nga ang uniform mo!”

“Veronica, stop texting or else I’ll confiscate you cellphone!”

Forever My Rival [On Hold]Where stories live. Discover now