'W-wala naman.Saka..saka ang galing mo nga e..'sana lamunin na ako ng kinauupuan ko ng maitago ang kahihiyan ko.

'Aah..salamat.Gustong gusto ko nga itong kantang ito e!ang ganda kasi ng meaning.'saad nito.

'Ipinararating kasi ng kanta na lahat ng tao ay nagkakamali.Na walang perpekto sa nilikha ng diyos.Lahat pinaghihirapan,pinag iisipan at pinag aaralan mabuti ang mga desisyon na tamang gawin.Pero minsan kahit pinipilit mo na ng gawin ang tama nakakalusot pa rin ang kapalpakan natin sa buhay.Pero sa huli lahat ng pagkakamali ay may ibibigay na aral sa atin.'

'At yung aral na yun ang magpapatibay pa sa iyong pagkatao.'

Napanganga ako sa kaniyang sinabi.'Si kleir ba talaga ito?




Naabutan namin si mama na nagpapahangin sa labas.Lagi kasi ako nitong hinihintay sa kada uuwi ako.

Aktong pababa na ako ng gulat na makitang pagbuksan ako ni kleir ng pinto.Paano nangyari yon?Ang bilis niya naman makababa nang sasakyan?

Nag iinit ang aking pisngi sa ginawa nito.Tila ba isa akong babae sa kaniyang ginawa.Err!

Sinalubong kami ni mama.Suot nito ang balabal niya dahil sa kalamigan na rin ng ihip ng hangin.

'Ma naman,malamig na dito sa labas.Baka ubuhin na naman kayo'Napa 'aray!'naman ako ng kurutin ako nito sa bewang.'Ikaw talagang bata ka!ikaw na nga itong inaalala!hmp!Teka sino yang kasama mo,teka sandali parang nakita na kita?saan nga ba yun?'sunod sunod na pang uusisa nito.

'Ma,siya si..si-'napatigil ako sa nais sabihin ng lumabas ang aking mga kapatid.

'Kuya!!'sabay na sigaw nito habang papalapit sa akin.

Kinuha ng mga ito ang aking dala.

'Kuya sino yung-waahh!!si K-KLEIR yan diba junie?!'nanlalaki ang mata ng mga itong pinagmamasdan ang aking katabi.


'Si KLEIR NANG BANDANG KARIE!!YUNG PABORITO NATIN!!'ang bulalas na sabi nilang pareho.

Tila hindi makapaniwala ang mga kapatid ko sa nakikita.

Lumapit sa akin ang mga ito at saka sabay inabot ang aking mga pisngi.

'Chup!'tunog ng kanilang mga halik sa magkabila kong pisngi.'Kuya ang galing mo nadala mo si idol dito!ang galing!'

Nagulat ako ng hilahin nilang pareho ang mga kamay ni kleir.Saka inaya papasok ng aming bahay.Wala naman siyang nagawa kung hindi magpatianod sa dalawa.

'Kita mo nga naman siya pala yung bokalista ng bandang Karie!aba e,bakit hindi mo naman na sabi na siya pala ang boss mo?!'nagtaka ako ng pasimpleng ikinawit ni mama ang buhok niya gilid ng tenga.Seriously si mama?!Argh!

Rinig namin ang hindi magkamayaw na kwento ng dalawang kapatid ko pagkapasok namin ng bahay.Doon ibinida nila ang mga poster o collectible item na kanilang inipon ng banda ni kleir.Wala sa wari ko ang mapangiti dahil doon.

Para kasing walang katumbas na kagalakan ang mga nakikita ko sa dalawa.Napatingin ako sa nakangiting si kleir na pinagmamasdan at nakikinig sa mga nakakabata kong kapatid.

'Tignan mo nga naman!ang gwapo pala nito sa personal kesa dyan sa mga picture lang na nakikita ko sa mga kapatid mo!May girlfriend na ba yang boss mo anak?'napangiwi naman ako sa mga sinasabi ni mama.Ginawa pa akong tsismoso.

'Ma hindi ko po alam.Saka bakit parang kinikilig kayo dyan?Baka naman naiihi na kayo?'

'Aba loko itong batang to!kinikilig ako dahil ang gwapo ng boss mo saka wag ka ngang killjoy.Fan rin ako niyan no!'At kelan pa?!











Samantala...

Hmm..malalaki na rin pala ang mga ito.Huli ko kasi silang makita ay mga maliliit pa at lagi kaming nagkakaayaang maglaro ng bola.

Nakaka amaze lang dahil todo suporta sila banda namin.

Napakasarap pala sa pakiramdam nang may mga nakakabatang kapatid.

Sad to say hindi ko naranasan ang makabonding ang mga kapatid ko sa mga magulang ko.Alam ko naman na ilag ang mga ito sa akin.Walang pagkakataon na makisalamuha sa kanila.Ni hindi ko nga alam kung nag eexist ako sa buhay nila.Bilang isang kapatid.

I sigh.

'Idol,bakit parang malungkot ka?'tanong ng nakasalamin na binatilyo sa akin.Sa pagkakarinig ko kanina siya si simon.

'Wala naman,may naalala lang.Nga pala matagal na ba kayong fan?'

'Opo.Simula pa noong makita namin kayo sa mga MTV niyo.'sabat naman nung junie na hawak ang mga poster at tumblr nito na pinirmahan ko kanina.

Kung ganon bakit hindi ako naalala ni Khalil?Nagkaamensia ba siya?Naaksidente?!

'Hmm,guys hindi niyo ba ako naalala?'

Nagkatinginan ang dalawa parehas na nagtataka sa aking sinabi.

Sabay din ang mga itong umiling.Marahil hindi nga na nila ako naalala o matandaan dahil maliliit pa sila noong unang nakilala ko.Pero si khalil?Paanong hindi niya ako makikilala.

Pumasok ang mama ni khalil sa silid niyaya na sumabay na ako sa kanilang hapunan.Tamang tama na rin ang pagkakataon para makausap ko ang mama niya.

'Sige iho,maupo ka na at pasunod na rin si khalil.Masarap iyang gulay na pinakbet at pritong galunggong.Paborito kasi iyan ng mga anak lalo na yang panganay ko.'
Pagkukwento nito habang naghahain ng mga pinggan.

'Ah,Tita nasaan na po si tito niyo?'yeah.Hindi ko maitatagong namiss ko sila kahit sa maikling panahon lang na nakasalamuha sila.Mas ramdam ko rin kasi ang pagiging magulang nila sa akin kesa sa magulang na meron ako.How pity i am right?

'Naku,matagal ng patay ang asawa ko gawa ng mga komplikasyon nito sa sakit niya.Kaya ayan si khalil ang nagsakripisyo ng mga panahon na nangamatay ang tatay niyan.Masipag na bata yan kaya pinagmamalaki ko yan.Siya na rin ang tumayong ama sa mga kapatid niya mapawi lang ang mga lungkot at pangangailangan ng mga ito.'Madamdamin nasaad ng ginang na siyang kinakatigan ko.

'Nagpalipat lipat kami ng tirahan dahil na rin sa kakapusan ng hanapbuhay namin.Hindi naman kasi kaya kung ako lang kaya gumawa rin ng paraan si khalil para makatulong,kung saan saan kami napapadpad na probinsya makahanap lang nang sapat na ikabubuhay ng pamilya namin.Masaya naman ako dahil mapalad na nakahanap ng trabaho si khalil dito.Sya na rin ang nagpapaaral sa mga kapatid niya.Medyo nag aalala lang ako dahil wala man lang akong marinig na kwento sa buhay pag ibig nyang batang iyan.Panay kasi kami ang inuuna.'

'Kinalulungkot ko po ang nangyari.Ah,tita may gusto po sana akong sabihin...'

Itutuloy..

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Where stories live. Discover now