Love Pleads A Second Chance (SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB)

6.7K 76 49
                                    

Prologue

January 23, 2007

“I am so done with this, Elizabeth!” sigaw ni Zech sa kanya nang maabutan niya itong inilalabas ang halos lahat ng damit niya mula sa walk-in closet nila. Tinawagan siya nito at pinauwi kaagad, mabuti nalang at katatapos palang ng interview niya sa isang hotel kung saan nag-aapply siya. Wala siyang ideya na ang maaabutan niya ay ganitong eksena. Her husband is now kicking her out of their house.

 

“Ano bang problema?” kinakabahang tanong niya. Sinubukan niyang agawin mula kay Zech ang kanyang malaking maleta pero iniwas nito iyon sa kanya. “Mag-usap muna tayo Zech, hindi ko kasi maintindihan kung bakit ka nagkakaganyan eh.”

 

Tinitigan siya ng matalim ni Zech bago ito tumigil sa ginagawa. “Nagtatanong ka pa kung bakit ha?” sarkastikong turan nito sa kanya. “Sagutin mo nga ako. Totoo ba o hindi na may kasama kang lalake kagabi?”

 

Tumingala si Elizabeth at nag-isip. May kasama nga siya pero kaibigan nila iyon ni Zech noong College pa sila. “Meron, pero--”

 

Hindi na pinatapos ni Zech kung anuman ang sasabihin niya. “So tama nga ako. Habang nagpapakahirap ako sa pagtatrabaho, ikaw naman ay walang kahirap-hirap na naghahanap ng libangan habang wala ako. Magaling! Napakagaling!”

 

“Teka nga!” sigaw ni Elizabeth sa asawa. “Pakinggan mo muna ako bago mo ako pag-isipan ng hindi maganda!”

 

“Ano pang dapat kong malaman? Palagi kang lumalabas para makipagkita kung kani-kanino. Nakikita ka ng ibang mga kaibigan ko na may mga kausap na lalake sa iba’t ibang bar na pinupuntahan mo. Gawain ba iyon ng isang matinong asawa?” sigaw rin ni Zech sa kanya.

 

“They were actually interviewing--”

 

“Hindi ko na bibilhin ang mga sinasabi mo dahil kung tutumbasan ko ng pera ang bawat alibi mo, malamang baon na ako sa utang ngayon,” sagot ni Zech bago pumasok ng walk-in closet nila. Paglabas nito ay may kinuha itong envelope at inihagis iyon sa paanan niya. “The evidence inside is more than enough for me,” sagot nito.

 

Nanginginig ang kanyang mga kamay habang binubuksan niya ang envelope. Paghugot niya ng kung anumang naroon ay nagitla siya sa nakita. Stolen shots ang mga iyon pero kung mag-iisip ng masama ang titingin ay masasabi ngang may relasyon sila ng lalakeng kasama niya base na rin sa paraan ng pagkakadikit nila.  But it was Mike, Zach’s best friend during College. Nakipagkita siya dito dahil nabalitaan niyang hiring ang kumpanyang pinapasukan nito. It was the same hotel that she just had an interview with today. May malaking tsansa  na makapasok siya.

 

Ang hindi pa niya maintindihan ay kung bakit ganoon nalang kasama ang interpretasyon ni Zech sa larawan. Didn’t he know that Mike was gay? Umamin ito sa kanya bago sila naka-graduate ng college.

“Pinaimbestigahan mo ba ako?” naluluhang tanong niya habang nakatitig sa asawa. Nang makita niyang tumaas lang ang isang kilay nito ay nakuha na niya ang sagot na gusto niya. “Ganoon kababa ang tingin mo sa akin? Asawa mo ako pero wala ka ni katiting na tiwala to the point na magagawa mo akong pasundan?”

Love Pleads A Second Chance(Soon To Be Published Under LIB)Where stories live. Discover now