Chapter 34

97 1 0
                                    

Chapter 34

Pasensya na po sa mga mali'ng spellings

"Trisha" hindi malaman ni Andrew kung anu ang mararamdaman niya.

"Trisha ikaw nga" at unti-unti pumatak muli ang kanya'ng mga luha at bumaling siya ng tingin sa bata'ng abala pinupunasan ang kanya'ng damit

"Si--ya ba si Andrei?"

Tumango lang si Trisha at unti-unti sumilip ang mga munting luha sa kanya'ng mga mata.

At agad naman binuhat ni Andrew ang bata.

"Andrew akin na si Andrei uuwi na kami.." at agad naman kinuha ni Trisha si Andrei at lumabas na ng coffee shop..

"Mommy sino po siya?"

"Daddy mo!"

At hinabol naman siya ni Andrew at agad hinawakan ang braso.

"Sandali Trisha "

"Pwede ba Andrew tigilan mo na ako"

"Trisha anak ko din si Andrei apat na taon ko kayo hinintay."

"Bakit Andrew sino ba may sabi hintayin mo ko?"

"Please Trisha naman pakinggan mo naman ako."

"Bakit Andrew dati ba pinakinggan mo ko diba hindi naman?, at diba ikaw na ang nakipag hiwalay so wala ka na dapat ipaliwanag Tara na Andrei" at agad naman pumara ng taxi si Trisha.

At ng marating ang bahay ng kaibigan na si Roshell.

"Freett kailan ka pa dumating.?"

"Kagabi pa ,oh Andrei bless kay ninang Roshell"

"Ang bait na bata pasok kayo saglit magluluto ako ng pananghalian. Dito na ba kayo ulit titira?"

"Oo pwede ba?"

"Sus pwede anu ka ba? E ikaw pa malakas ka sa akin."

"May nag offer na company sa akin bukas pupuntahan ko"

"E di maganda fret. Ako muna mag aalaga sa pogi ko ina anak."

At ng maka uwi si Andrew sa bahay nila.

"Mom andito na po si Trisha at ang anak ko."

"Ha talaga naku gusto ko na makita ang apo ko."

"Kaso mommy may problema eh galit pa din si Trisha at ayaw pa din niya ako kausapin"

"Anak e di suyuin mo ulit at kahit papaano anak mo pa din si Andrei."

"Sige gagawin ko yun hindi ko susukuan si Trisha."

Kinabukasan maaga nag hintay si Andrew sa tapat ng compound na tinutuluyan ni Trisha. At ng makita niya ang papalabas na si Trisha ay agad niya ito'ng nilapitan.

"Trisha mag usap naman tayo pwede."

"Andrew nag mamadali ako may job interview ako."

"Kahit saglit lang please naman"

At huminto ng pag lalakad si Trisha at humarap kay Andrew. Saglit siya natulala dahil wala pa din pinag bago ang mukha ni Andrew gwapo pa din ito at mga mata tila nangungusap matatamis na mga ngiti... At kumurap lang si Trisha na pakiramdam niya na hihipnotismo siya.

"Ok after ng job interview ko mag kita tayo tatawagan kita ok?"

"Ok sige hihintayin ko"

At agad pumara ng taxi si Trisha. May mga ngiti gumuhit mula sa kanya'ng mga labi.

Worlds WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon