Chapter 30

128 1 1
                                    

Pag pasensyahan niyo na po ang mga maling SPELLING hirap mag type pag CP ang gamit. SALAMAT PO!!

"Basta Trisha dito lang ako ok? " sabay hawak ni Michael sa balikat nito.

"Tignan mo ko sa mata Trisha." at tumingin naman si Trisha sa mata ni Michael. Ngayon lang nito napansin na maganda pala ang mga mata ni Michael.

"Gusto ko mag pakatatag ka at ayoko na makita'ng umiiyak ka."

Ilang saglit pa nakatangap na ng tawag si Trisha mula sa agency.

"Hello mam Trisha"

"Ah Hello po"

"Ah mam good news po na approve po yung medical na pinasa namin sa school at tommorow po ay dadating na po yung mga documents ninyo na kakailanganin niyo sa pag alis niyo. At tumawag na po kami sa DFA at as soon as possible irerelease na po yung student visa niyo. Baka po next week maka alis na po kayo"

" Talaga po mam Salamat po ha"

At binaba na ang tawag.

"Michael natanggap pa din yung medical ko kahit buntis ako. Pinayagan pa din ako ng School na mag aral. Ang saya ko sobra, at alam ko ito na ang simula para sa baby ko"

"Tama yan dapat lage ka masaya kahit hindi ka pinanagutan ni Andrew dapat tuloy pa din ang buhay."

"Salamat talaga Michael at palage ka andyan para sa akin. hindi ko alam paano ako makakabayad sa lahat-lahat ng na itulong mo."

"Wala yun ang akin lang gusto ko makita yung dati'ng Trisha na masayahin at yung pagiging positive mo"

"Ah Michael balik na ako sa work ko salamat ulit ah"

Bumalik ulit si Trisha sa trabaho halo ang nararamdaman niya Masaya kasi nag ka pag asa siya na maabot niya ang pangarap niya. Malungkot kasi kapalit ng lahat ng pag abot niya ng pangarap niya ay ang pag kawala ni Andrew. Gabi na ng nag out siya sa trabaho. At ng makarating ng bahay ay agad niya kinuwento sa kaibigan ang mga ngyari sakanya sa buo'ng araw. At hindi niya mapigilan ang maiyak sa twing iniisip niya ang mga ngyari. Mahirap pa sakanya tanggapin ang pag kawala ni Andrew.. Kahit bumitaw na ito, inintindi niya na lang na kahit paano may pag kakamali din siya dahil nag sinungaling ito sa asawa.

"Fret kahit wala na si Andrew dito naman ako tutulungan kita ok."

"Friend incase na umalis na ako at mag tanong si Andrew wag mo sasabihin kung nasaan ako at ang tungkol sa anak namin. Ayoko na lang mag isip siya gusto ko na din na maging masaya siya kay Carla, kaya ko naman na alagan at palakihin ang anak ko mag isa."

"Naiintindihan kita fret sana maging masaya ka sa disisyon mo na yan. Mag pahinga ka na alam ko pagod ka fret eh. Good night fret."

"Good night din friend"

Maaga'ng pumasok si Trisha at nagulat si Michael dahil nauna pa si Trisha sakanya.

"Tumawag ako sa kakilala ko sa DFA tutulungan niya tayo marelease agad ang visa mo at para makahabol ka sa opening ng klase doon."

"Nakakahiya naman Michael"

"Wala yun para naman ma iba ang atmosphere mo at makalimot ka"

"Ang emotero mo naman Michael"

At unti-unti lumapit si Michael kay Trisha at hinawakan ang mga kamay nito.

"Tandaan mo lahat gagawin ko para maging masaya ka."

"Ah hindi mo kailangan gawin ito sa totoo lang wala ka naman responsibilidad sa akin at sa magiging anak ko."

"Dati wala pero ngayon meron na"

Worlds WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon