...
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are the products of the author's VERY WIDE IMAGINATION. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events are purely and honestly coincidental.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Votes and comments are really appreciated. Thankie!!!
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
"Ate....nami-miss na kita. Kailan ka uuwi? Naboboring na'ko dito! Aral! Aral! Puro na lang aral! Lagi lang akong pinagagalitan dito! Alam mo ba yun! Aish! Ate naman eh! Uwi ka na!"
Natawa ako sa ugali ng kapatid ko pero sa isip ko lang. Isip-bata. Isinukbit ko ang itim kong bag at tumayo sa pagkakaupo sa waiting shed. Naghihintay ng bus para makauwi. Sa loob ng limang minuto dumating din ang bus. Umupo ako sa bandang kaliwa kung saan dalawa lang ang upuan. Umupo ako malapit sa bintana. Isinandal ang ulo doon at pumikit.
"Ate wala ka bang sasabihin diyan ha?! Nami-miss ka na at lahat wala ka paring reaksiyon diyan! Aba! Grabe!"
Minulat ko ang mata at naramdaman ang pananakit ng dibdib. Gusto kong sabihin sa kanya lahat ng gusto kong sabihin pero hindi ko magawa. Nami-miss ko na rin ang kapatid ko kaya lang......hindi dapat.
"Mag-aral ka na lang. Sabihin mo kung magkano ang ipapadala kong pera sa'yo diyan, huwag kang mag-alala at ibibigay ko naman agad." Napabuntong-hininga na lang ako. Gusto kong sabihing miss ko rin siya pero hindi puwede baka puntahan niya lang ako at mapahamak pa siya. Ayoko ko nun. Bumaba na'ko at naglakad papunta sa tinutuluyan ko. Madilim na pero sanay na ako. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ng kapatid ko.
"Sige mag-aaral ako ng mabuti para sa wakas makauwi ka na rito. At ako naman ang magta-trabaho at ikaw naman ang iiwan ko dito. Sige tignan natin!" Ngumiti ako ng mapait. Gusto kong makasama siya pero hindi talaga puwede. Binuksan ko ang pintuan at sininde ang ilaw. Dumiretso ako sa kuwarto ko at humiga sa kama habang salita parin ng salita ang kapatid ko sa linya. Muli akong pumikit at pinakinggan siya sa gusto niyang sabihin.
"Ate....."
"Ate......?"
"Ate.....!"
"Ate miss na kita. Hanggang ngayon palaisipan parin sa'kin kung bakit tayong dalawa na lang....bakit wala si Mama, si Papa. Nakikitira ako kay Tita, ikaw naman nandiyan sa lugar kung nasaan ka man para magtrabaho para sa'kin. Ate ang hirap.... Ang hirap-hirap. Ang hirap ng walang magulang. Ang hirap ng hindi buo ang pamilya. Ang hirap. Bakit ganun? Simula ng matutunan kong magbasa, magsulat, magbilang, ikaw lang ang kasama ko. Ate anong pakiramdam na kasama sila? Masaya ba? Bakit......ba.....na...wala sila. Dahil ba sa'kin?" Napamulat ako ng mata sa narinig. Bumilis ang tibok ng puso ko sa sobrang galit na nararamdaman. Naupo ako mula sa pagkakahiga. Pinipigilan ang pagtulo ng luha at galit na nararamdaman. Simula ng mangyari yun hindi ko na magawang ilabas lahat ng saloobin ko laging nakatago sa loob ng pagkatao ko. Galit? lungkot? panghihinayang? Sa sobrang sakit namanhid ang lahat. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na yun kahit gustuhin ko dahil yun ang araw na nawala sila. Sinikap kong magsalita ng maayos kahit na sa totoo lang gusto ko ng ngumawa, sumigaw, magwala sa halo-halong emosiyon ko.
"Matulog ka na maaga pa ang pasok mo. 9 pm na. Sige bye." Binaba ko na ang linya ng hindi na hinihintay ang pagpapaalam niya. Muli akong humiga at pumikit. Pero naramdaman ko bigla ang gutom. Pumunta ako ng kusina ko para tignan ang ref kung may pagkain ba doon pero wala. Isang bottled water lang. Kumukulo na ang sikmura ko. Napahawak ako sa tiyan ko. Gutom na talaga ako. Tinignan ko ang cellphone ko kung anong oras na. 9:05 pm. May nakabukas pang tindihan. Kakain na lang ako ng instant noodles. Sinuot ko ang long coat ko at lumabas. Isang kanto lang ang mga tindahan dito. Pinakiramdaman ko ang paligid. Pitong hakbang na lang ang layo ko sa bibilhan kong tindahan ng may marinig akong sumisigaw. Lalaki.
"Tama na aray! Wala akong ibibigay sa inyo! Totoo yun maniwala naman kayo! Aray!Tama na! Aray! Tulong!"
"Ibigay mo na lang ang hinihingi namin kung gusto mo pang mabuhay! Sige na! Kundi ipuputok ko to sa bungo mo! SIGE NA!" Nakarinig ako ng putok ng baril. Wala sana akong pakialam kaya lang naisip ko kung noon wala akong magawa ngayon dapat may gawin na talaga ako. Lumapit ako sa direksyon ng ingay. Sa likod ng mismong tindahan na bibilhan ko ng pagkain ko. Nakaupo yung lalaking biktima habang nakapalibot sa kanya yung tatlong holdaper. Tatlo pa talaga. Hindi na naawa. Tumikhim ako para kunin ang atensyon nila. Lumingon sila sa direksyon ko at ngumisi. Tinignan ko sila. Kalmado lang ako.
"Aba't kung suswertehin ka nga naman dalawa pa! Miss ibigay mo ang wallet at cellphone mo't makakaalis ka na ng hindi nasasaktan. Basta huwag mo lang kaming isusumbong sa pulis maayos ang lahat." Lumapit sila sa'kin pero nananatili lang ako sa puwesto ko. Tinaas ko ang manggas ng long coat ko hanggang siko na ikinagulat nila. Pero sadyang masasama sila kaya hindi nagpatinag. Lumapit parin sila at sinimulan akong sugurin. Umiwas lang ako. Nakalagay pa ang mga kamay sa bulsa ng long coat ko. Hindi nahihirapan. Parang wala lang. Ganun.
"Ang yabang nito ha! Anong akala mo! Kaya mo ka-" Hindi ko na pinatapos ang kadramahan niya at pinagsisipa siya sa mukha kaya bumagsak siya. Isusunod ko pa sana ang mga kasama niya pero nagsitakbo na sila at nakuha pang hilahin ang walang malay nilang kasama ngayon. Tsk. Tsk. Tsk. Hanggang panakot lang pala. Hindi man lang ako pinagpawisan. Aalis na lang ako. Nagugutom pa pala ako.
"Te-teka lang!"
May tao pa pala dito. Tinignan ko siya at hinihintay ang susunod niyang sasabihin. Natulala siya. Pinagmasdan ko ang itsura niya, nakasalamin, kulot na dark brown na buhok, maputi, makinis, red lips, pointed nose. Ngayon alam ko na kung bakit to hinoldap sa itsura niya mayaman siya. Sinipa ko siya sa pagkakatulala niya.
"Aray! Bakit mo ginawa yun! Ang sakit ah!" Daing niya habang hinihilot ang hita niya na sinipa ko. "Magpapasalamat lang naman ako sayo!" Matapos niyang sabihin yun umalis na ako. Yun lang naman pala ang sasabihin nagsayang pa ng oras. Tumunog na naman ang tiyan ko. Nagugutom pala ako. Ang layo pa naman ng narating ko. Bumalik ako. Nasa tapat na ako ng pintuan ng tindahan na bibilhan ko ng may humarang sa mukha kong instant cup noodles na hindi pa nabubuksan. Ibinaba niya sa mukha ko yun at nakita ko yung lalaking tinulungan ko kanina ng nakangiti ng sobra. Mukha tuloy siyang tanga. Iniabot niya sa'kin yun.
"Oh! Sayo! Para sa pagliligtas sa'kin kanina. Salamat talaga at tinulungan mo ko kanina kung hindi ba-" Kinuha ko na agad ang cup noodles sa kanya. Ang daming satsat. Agad akong pumasok sa loob ng tindahan para doon na lang kainin. Pumunta ako sa water dispenser at nilagyan ng mainit na tubig. Umupo ako sa may bandang dulo. Napaso pa ang dila ko ng may biglang umupo sa harapan ko. Ngumiti siya at tinitigan ako. Nakapalumbaba. "Sige enjoy ka lang! Pakabusog ka!" Nakangiti na naman. Basagin ko kaya mukha niya. Tignan natin kung makangiti pa siya.
...
YOU ARE READING
Stand by Me
ActionAng lahat ng sikreto ay nabubunyag. Ang lahat ng kasalanan ay may kaparusahan. Ang lahat ng kamalian ay may dahilan. Ang lahat ng kasinungalingan ay may katotohanan. Sa likod ba ng lahat ng ito may taong handa kang samahan ano man ang mangyari?
