PANIMULA

7 1 0
                                        

PANIMULA

"Ganon?  ganon lang yun? Matapos mong ipatalo sa sugal ang pangbayad natin sa kuryente ay sasabihin mong hayaan ko nalang? Mario naman pinakiusapan ko na nga lang si Aling Ising na sa isang linggo pa ako makababayad ng renta dito sa bahay,  pati bayad sa tubig hiniram ko pa kay Mareng Alma tapos yung perang pinadala ni Jack pambayad ng kuryente,  pinansugal mo pa? " halos maiyak na sa galit na hinaing ni Nanay 

"Anong magagawa ko! " hindi ko malaman kung tanong ba iyon mula kay Tatay "Ang akala ko'y mananalo ang manok ni Kanor,  malakas at mukhang palaban eh.  Malay ko bang matatalo iyon?  Disin sana'y duon ko nalang sa kalaban nya ipinusta! " halos mabingi na ako sa sigawan nilang dalawa.

"Ang hirap kase sayo inaasa mo sa kasusugal ang buhay natin!  Matuto ka namang magbanat ng buto.  Bukas makalawa ay wala na tayong kakainin! Mahiya ka naman sa balat mo,  hin-"

"Hoy Lorena! " putol ni Tatay "Wag mong masilip silip ang pagsusugal ko at hindi ko sinisilip iyang pakikipagtsismisan mo ha! "

Matapos sabihi'y walang anu anong ibinalibag ni Tatay ang mono block na nakaharang sa kanyang daraanan.

"Lintik! Mario! Hoy kinakausap pa kita,  wag mo akong matali-talikuran dito,  Hoy! " maagap na sigaw ni Nanay at sumunod sa loob ng kanilang kwarto,  kung saan pumasok si Tatay.

Araw araw ay ganito ang tagpo dito sa bahay namin.  Uuwing nagtatalo sina Nanay at Tatay hanggang sa magkasakitan.  Iiyak si Nanay at magbabantang lalayas,  pero hindi naman papayag si Tatay na isama ako,  kaya tatawag si Nanay kay Kuya Jack na nagtatrabaho sa Maynila bilang boy sa isang maliit na grocery store.  Si kuya naman magpapadala ng pera kay Inay pampalubag loob. Mauubos kaagad ang pera sa walang katapusang gastusin,  bisyo at sugal ni Itay.  Ang resulta magaaway na naman sila.  Basahin mo nalang ulit ito dahil ganun lang ulit ang mangyayari.

"Kristin! Ano ba,  tanghali na,  hindi ka ba papasok! Nasinagan na't lahat lahat ng araw iyang puwitan mo'y hindi ka pa bumabangon? " kay aga aga'y ito agad ang bungad ni Inay sa akin.  "Hala tumayo ka na jan at hindi ka yayaman sa pag iipon mo ng muta! "

"Oho babangon na! " agap kong tugon kay Inay habang tinitiklop ang aking kumot na nilipasan na ng panahon,  dahil alam kong mahaba habang misan na naman kung hindi pa ako tatayo.

Hindi ko na alam kung anong oras natapos ang World War 3 nila Inay at Itay kagabi.  Madalas ko na iyong makatulugan.  Sanay na din ako at araw araw namang ganoon ang tagpo sa amin.

"Ano hong ulam Inay? " medyo malakas kong tanong habang patungong kusina.

"Ayan may dalawang tuyo jan sa lamesa,  ewan ko kung may tinirang piniritong itlog ang Tatay mo.  Kung mayroon pa'y ikaw na ang bahalang mamili kung alin ang uulamin at alin ang babaunin mo! " sigaw ni Inay na marahil ay nasa likod ng bahay at nagsasampay ng mga pinalabhang damit ng kapit-bahay.

Inalis ko ang takip sa lamesa at nakita ko nga ang mga ulam na tinutukoy ni Inay kanina,  ni hindi pa umabot sa kalahati ang tirang itlog.  Maarte kase si Itay,  hindi yun naguulam ng tuyo,  kaya ipinapangutang pa ni Inay ng itlog o sardinas sa tindahang malapit.

"kumain na ba kayo? " muli kong sigaw kay Inay

"Tapos na ako,  iyo nang lahat iyan! " sagot ni Inay.

pinili kong ulamin ang dalawang tuyo at baunin nalang ang kaunting itlog na prito.

Nasa unang taon na ako ng kolehiyo.  Swerte ko nalang at may laman ang utak ko kaya nakapag aral pa ako.  Iskolar kase ako ni Mayor mula high school.  Si kuya Jack naman ang sagot sa baon at iba ko pang gastusin sa pag aaral. 

Kailangan ko daw magtapos ng pagaaral aniya para maiahon ang pamilya namin sa hirap.  Iyon ang dahilan kaya lumuwas pa siya ng Maynila at doon naghanap ng trabaho.  Dahil hindi ni kuya natapos ang high school,  third year lamang kase ang inabot niya,  kaya ayon at pinagsakto na niya ang sarili bilang isang boy sa grocery na pag mamay ari ng isang malayong kamag anak ni Inay sa Maynila.

Kaya heto ako,  kahit mahirap ay tinatyaga kong makatapos,  Business Administration ang kinuha ko iyong dalawang taon lamang,  makakakuha naman na ako ng certificate nun.  Itutuloy ko nalamang siguro kung kakayanin pa ni Kuya.  Bahala na.  Ang mahalaga ngayo'y matapos ko muna itong dalawang taon,  ladderized naman iyong kursong iyon.

KristinWhere stories live. Discover now