"Okay ka lang?"

Ilang beses na napakurap si Rifka nang may baso ng tubig na biglang lumapag sa harapan niya. Nasa cafeteria siya ngayon para mananghalian kasama si Neschume at nandito na nga sa harapan niya ang kaibigan. Inilapag nito sa mesa nila na nasa sulok ang kanilang pananghalian na parehong burger.

"Nakatulala ka nanaman," komento ni Neschume nang umupo ito sa tapat niya.

Huminga naman siya ng malalim to compose herself. "Marami lang akong iniisip. Kumusta naman ang trabaho mo?"

Ngumiti ito. Masaya siya na nagagawa na nitong ngumiti at hindi na masyadong nagmumukmok.

"Mababait naman ang mga katrabaho ko at madali lang din ang mga ginagawa ko."

"Paano ang roommate mo?"

Nagkibit-balikat ito. "Hindi n'ya naman ako kinakausap. Hindi nga kami halos magkita. At kung magkita man ay deadma namin ang isa't isa."

Tumangu-tango siya. Buti naman. Ayaw n'yang madamay ang kaibigan niya sa gulo niya with Auberon and Mayor Kühn.

"Buti naman kung gan'on. Basta 'wag mo siyang bigyan ng chance na i-bully ka."

Tumango naman si Neschume. "Sabi ko naman sa'yo 'di ba, 'wag ka nang mag-alala sa akin? Kaya ko ang sarili ko. Nakaligtas nga ako mula sa mga tauhan ni Yitzhak."

Rifka agreed. Sabagay, kaya nga naman ni Neschume na protektahan ang sarili nito.

"Rifka!" biglang sigaw ni Neschume pero huli na ang lahat. Naramdaman na lamang ng dalaga ang malamig at malagkit na likido na biglang bumuhos mula sa ulo niya hanggang sa kanyang balikat.

"Oops. Sorry. Hindi ko sinasadya," sabi ng isang boses babae mula sa likuran.

Kalmadong hinarap ito ni Rifka at napag-alaman niyang si Sophia Falls pala iyun.

And she didn't look sorry.

"Ano ba'ng problema mo? Nakita kong sinadya mo 'yun!" singhal ni Neschume na napatayo pa sa sobrang inis.

"Hindi ko naman sinasadya," kibit-balikat na sabi naman ni Sophia.

"Binuhos mo ang orange juice sa ulo ng kaibihan ko. Kitang-kita ko! Makakarating ito sa Administration ng academy."

"At sino ang paniniwalaan nila? Ako na president ng student council, o ikaw na nagtatrabaho lang naman dito sa cafeteria?" hambog na sagot naman ni Sophia.

Inis na tumayo si Rifka at hinarap ang babae na mas matangkad sa kanya ng tatlo o apat na pulgada.

"Ano'ng problema mo, Ms. President?" she kept a steady voice kahit na naiinis siya.

Nasa malayo ang ibang mga estudyante at sa tingin ni Rifka ay walang nakakita dahil natabunan siya ni Sophia kanina.

"The ISOP President wants to see your poor friend. Naghihintay siya sa opisina ko," taas-kilay nitong sabi na tiningnan pa si Neschume mula ulo hanggang paa.

Agad namang napatingin si Rifka sa kaibigan.

"At kailangan mo talaga siyang buhusan ng juice?" galit pa rin si Neschume.

"Sinabi ko nang hindi ko sinasadya," nakangising sambit ni Sophia.

"Aba't...!"

Bumuntung-hininga si Rifka para pakalmahin ang sarili. "Sasama ako," sabi niya kay Sophia pero tinaasan lang siya nito ng kilay.

"You are not invited by the President, Ms. Strauss. Hindi ka special," anito sa mataray na boses.

Napapatingin na rin sa kanila ang ibang mga estudyante dahil sa lakas ng boses ni Sophia. Nakita na rin ng mga ito ang itsura n'ya kaya 'yung iba ay natatawa na.

SentryWhere stories live. Discover now