HE'S INTO HER #1

82 0 0
                                    

❤ Title of Story :HE;S INTO HER

❤ Author of the Story : MAXINEJIJI

📎 Matured Content : ROMANCE .

*******************************************

Masaya at madali lamang ang buhay para sa isang Deib Lohr Enrile, na hinahangaan ng napakaraming babae dahil sa itsura niya at bukod doon ay wala na. Halos ang lahat ay nasa kaniya na, mapagmahal na pamilya, maunawain at maasahan na mga kaibigan, talento, talino, magandang itsura, pera, kasikatan, magagarang gamit, kayabangan, kaaway at ugaling medyo may kasamaan. Mahilig siyang mangbully para lang mapasaya ang sarili. Kilala bilang Campus Enemy Number One dahil sa angking talento sa pang-aasar sa mga baguhang estudyante na papasok sa paaralang pag-aari rin naman ng kanilang pamilya. Sikat siya sa mga babae pero hindi dahil crush siya ng mga ito, kundi dahil takot silang mapag-TRIP-an. Para sa kaniya ay mabait pa rin naman siya, huwag mo lamang siyang aasarin.

Sa kagustuhang sagotin ng babaeng dalawang taon na niyang nililigawan ay nangako siya sa sariling magbabago at titigilan ang pagiging BULLY. Ganoon siya kadesididong maging nobya si Kimeniah, ang babaeng pinapangarap niya. Maganda, mabait, matalino at mayaman. Kung hindi lamang maliit ito ay mukha na siyang perpekto.

Ngunit sa pagpasok ng huling taon niya bilang High School student ay nagawa niyang sirain ang sariling salita. Nakilala niya ang kauna-unahang tao na naglakas-loob na patulan ang mga kalokohan niya. Ang taong kamumuhian niya ng higit pa sa inaakala niya. Ang taong nagawang baguhin ang mga pananaw niya sa buhay ng dahil lang sa hindi makatwiran nitong prinsipyo.

Siya ba ang gumulo ng buhay nito? O ito ang gugulo sa buhay niya?

Isang tao na kamumuhian niya ngunit may pagkatao na hindi niya mahulaan.

Ang babae na makapagpapatunay sa kaniya na hindi lahat ng taong gusto mo ay mahal mo.




*************** PROLOGUE*****************

Na-in-LOVE ka na ba?

Nagka-GUSTO ka na ba?

Nagka-CRUSH ka na ba?

Paano ko ba malalaman kung may crush ako sa isang tao?

Paano ko malalaman kung gusto ko siya?

At paano ko malalaman kung MAHAL ko na sya?

Sabi kasi nila, ang love daw ay nag-uumpisa sa CRUSH na kapag tumatagal ay nauuwi sa LIKE na natatapos sa LOVE.

Eh pano ko nga malalaman kung crush ko siya? Sapat na ba 'yung tingin lang ako ng tingin sa kaniya para masabi ko'ng crush ko siya? Eh paano kung kaya ako tingin ng tingin sa kanya ay dahil naiinis ako sa kaniya? Dahil ayaw ko sa itsura niya? Masasabi pa ba'ng crush 'yun?

Ang hirap, 'no?

Ngunit paano kung kabaliktaran ang maramdaman mo? Paano kung sobrang PAGKA-AYAW ang nararamdaman mo sa isang tao? 'Yung tipo'ng kung kailan ayaw mo siya'ng makita ay doon siya sumusulpot? 'Yung kahit na gusto mo na siya'ng burahin sa mundo hindi mo magawa dahil hindi ka naman pwede'ng pumatay na lang ng tao.

Sabi ng mga kaibigan ko, "THE MORE YOU HATE, THE MORE YOU LOVE". Well, I don't hate her! I just don't like her! Does that mean that I love her?! No way! She doesn't have the looks, the body, brain, humor and everything! She doesn't even have money to buy her own needs! And in my eyes, she's NONSENSE!




____

Meron po Season 2 nito,

Tignan niyo nalang po sa WORKS. ni Ate Maxinejiji :)

Filipino Wattpad Stories. Where stories live. Discover now