Mannequin

11.6K 378 49
                                    

Abala ang course namin sa paghahanda. May event kasi sa University namin kaso sa course lang talaga namin pero invited ang lahat na pumunta at magenjoy.

Kami ang bubunot ng gagawin namin at swerte na lang kung hindi mapapasayo ang Mannequin. Bakit nga ba? Mamaya niyo mamalaman. 

Bumunot kami isa-isa at pagbukas ko..

"Hoi, Quentin. Entertainer akin. Ano iyo?" Tanong sakin ng bestfriend kong si Cass.

"Mannequin." pagkasabi ko nun, lahat sila tumingin sakin.  Para bang may ginawa akong kasalanan. Hindi po ako kriminal! Narealize ko na ang malas ko pala talaga. Hindi lang naman ako ang mag-isang gagawa nito. Ung ibang kablock ko kasi, natatakot at nahihiyang sabihin na Mannequin yung nabunot nila. Baka daw kasi pagtawanan sila. Tse! Ang aarte.

Bakit nga ba kinakatakutan at inaayawan ang Mannequin? Ito kasi yung magdamag kang nakaposing in a Im-a-Fashionista/Fabulous way tapos lahat ng maglalagay ng 500 sa box, gagawin na kung anong gustong gawin sa mannequin pero dapat walang galawan kaya ang malas kapag malakas ang kiliti mo. Kala niyo, maghapong posing at maghapong dadaan-daanan ka lang ng mga tao sa paligid noh? Syempre hindi! Bukod sa mainit na, mangangawit ka pa sa kakaposing mo.

"Hoi, umamin na kayo dyan. Yung mga mannequin dyan. Ayan na yung pinakamahal na kita natin kaya umayos-ayos kayo." sabi nung President. Letse siya. Ako tong Secretary na nahihirapan porke't taga ayos lang siya sa mga nagcocosplay e. Loko.

"Eh paano kapag may nanghalik at may nangiliti?" sabi ni Jade na mukhang mannequin rin ang nakuha.

"Kapag may nangiliti, stay put lang, wag tatawa at wag ngingiti pero kapag may nanghalik.. feeler ka na te!" sabay tawa nung President namin. Walanghiya talaga. 

"Quen, ikaw ang leader ng mannequin so dapat maabot niyo yung kota natin na 15000." Ang mahal naman. 500 kada isang tao. Sino namang pipila samin nun? Tsaka 500? Eh pangkain at pamasahe na yun ng dalawang araw. Palibhasa kasi puro rich kid nag-aaral dito. Seemingly humble lang ang nagkekwento. Hahaha! Pangcharity kasi ito lalo na sa mga nasalanta ng bagyo. So kung 15000 ang kota, dapat makatrenta kami. Okay. Pangdagdag tuition na rin yun!

"Mag-ingat ka Quen. Maraming loko-loko sa Engineering. Hahaha! Ang malas mo talaga friend! Lalo na kapag nakita ka ng 8 Monkeys este 8 Motion. See you, Best! Good luck." Sa inis ko, parang gusto kong sabunutan tong bestfriend ko e. Kilala ko yung 8 Monkeys na yun. Sila kaya yung laging pabida pero sa totoo lang, may gwapo dun. Secret na nga lang, mamaya ko sasabihin. Gwapong mayabang.

MannequinWhere stories live. Discover now