Chapter 7 ~ What a small world :O

1.2K 19 12
                                    

[[ JASMIN'S P O V ]]

Nang mabadtrip ako kay Dexter. Nagpasya akong umuwi nalang at mag online. Pero nung pagka uwi ko. Nakita ko si lolo Willy sa study room. Aba't ang lolo Willy ko, busyng busy nanaman sa laptop nya. ('_ゝ´) Napasama pa ata ang pagtuturo ko sa kanyang mag fb. ( つ﹏╰)Mukhang wileng wili ang lolo ko sa pag ffb. Na curious naman ako kung sino ang ka chat nya at napapangiti mag isa ang loko. 

Kaya nung saglit na may kinuha si lolo sa kwarto nito ay palihim akong pumasok sa study room at tinignan ang laptop ni lolo. Tama nga ang hinala ko at nag ffb si lolo Willy. Buti nalang iniwan nyang bukas, kaya inusisa ko ang account nya.  (¬‿¬)  

Nakita kong may nag iisa syang ka chat. Na nagngangalang Amelia Reyes. Maganda ito. At mas maganda siguro ito nung kabataan nito, dahil sa tantya ko ay nasa mid 60's na ang babae pero papasa padin ang itsura nito sa 58 years old. The woman is still very beautiful despite her age. Reyes? Kaano ano nya kaya si Xander? Pero sabagay, madami din namang Reyes sa mundo. Haay Jasmin! Puro kana kasi Xander!!!

At habang wala pa din si lolo, binasa ko yung ibang conversations nila ni Amelia. At dun ko napag alamang may date sila nito! :O Si lolo at his age, nakukuha pa ding makipag date. And who is this Amelia? Matagal nang biyudo si Lolo. Pero sa tinagal tagal na yon, ni hindi humanap ng kapalit ni Lola. This Amelia is something special, I think?

Kaya palihim kong sinundan si Lolo Willy sa date nila. Feeling ko tuloy isa akong private imbestigator. ≧=ʘ‿ʘ=≦ Loveeeet!! HAHAHA!!!

Pero mukhang hindi lang ata ako ang umaastang private imbestigator dito. Dahil ang taong lagi kong naiisip at hindi man lang napapagod sa kakatakbo sa isip ko. Ay mukhang lihim din may pinagmamatyagan. Anong ginagawa ni Xander dito? 

"Xander? Ikaw ba yan?" tanong ko. At paglingon nito, mukha atang nagulat nang makita ako.

"Jasmin! :O Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong nito.

"Ikaw ang dapat kong tanungin kung anong ginagawa mo dito? O.o "

"Ssshh!! Ang lakas ng boses mo. Baka mapansin nila tayo." Bigla nyang hinila ang mga kamay ko at lumabas kami malayo sa place ng date nila lolo.

Hawak nya yung kamay ko :"> 

"Nagkita nanaman tayo sa di inaasahang pagkakataon." Nakangiting wika nito. Habang hawal nya padin ang mga kamay ko. Those smiles! :"""> Nakakahawa kaya napangiti din ako.

"Oo nga nu. Bat ba lagi nalang ganun? HAHA!! " Sagot ko.

"Hindi ko din alam. Maybe, destiny? "

Online LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon