01 [I just kissed back]

11.3K 87 3
                                    

|  T e s s a  V a l i r i e  |

 
 

Bakit ba humantong lahat sa ganito??

 
Masaya naman kami dati nung bata pa kami. Naglalaro sa playground, sa ulan, sa putikan. Walang pakielam kung marumihan, matapunan ng ice cream sa damit, malagyan ng chocolate sa gilid ng labi. Mahabol ng aso, manghabol ng pusa. Mawala sa amusement park, masaya pa din. Bakit–Bakit naging ganito??

 
 
"Alexander! Alexander!" Tawag ko sa pangalan niya. Saan na naman kasi siya pumupunta??! Malamang lang hinahanap na kami ni Mommy at Tita Solen. Ayss!

"Waaaahh!" Sigaw ko ng bigla na lang may humila saakin sa luob ng photobooth at ng tignan ko kung sino ang humila saakin.

"Alex! Ano ba!" Inis kong sabi sakaniya. Akala ko kung sino ng masamang luob humila saakin dito. Sa paghampas ko sa braso niya agad kong napansin yung hawak niyang teddy bear. Hindi yun malaki, maliit lang iyon at nakita ko yun kanina dun sa isang booth.

"Oh para sayo! Hindi siya malaki katulad ng gusto mo pero pinaghirapan ko yan!" Sabay abot niya saakin nito. Kinuha ko agad iyon at bahagya itong niyakap. "Happy 8th birthday

"Salamat" Sabi ko at pahilim na kinilig sa bigay niya. Crush na crush ko si Alexander. Wag kang mainggay ha?? Ayokong malaman niya kasi best friend ko siya simula nung kinder pa kami kaya ayoko masira iyon dahil sa crush ko siya. Hihihi.

"Sus! Wala yun taba!" Sabi niya at bahagya akong itunulak.

"Picture na tayo!" Sabi niya at mabilis akong hinakbayan. Pinindot niya yung start sa may harapan namin kaya nagsunod sunod ang flash ng camera.

GAME OVER (spg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon