"Bakit mo nanaman ba gusto makipagkita?" Narinig kong tanong ni Justin kay Ella.

"Wala lang. Miss kita agad eh? Mamaya ulit?" Huh? Anong mamaya ulit? Anong pinagsasabi nito ni Ella?!

"Ella pwede ba?! Sinamantala mo yung kalasingan ko kagabi! May girlfriend ako." sagot ni Justin kay Ella. WTF?! Anong nakakasawa?! May nanyare sakanila?!

"May girlfriend ka nga. Pero nabibigay ba yung needs mo as a guys? Hello Justin! ang laki talaga ng pinagbago mo! Dati-dati, yung mga girls pa yung naghahabol sayo tapos ngayon?! Nagtiyatyaga ka sa babaeng ngi isang kiss, pahirapan makuha?!" Ako ba yung sinasabihan niya?! Grabe naman! So may nanyari sa kanila?! Habang kami?! Damn.

"Ayoko! Seryoso ko kay Zenia." Awwww. Kung seryoso ka sakin Justin! Bakit mo ginagawa to!

"Check please!" sigaw ni Ross tapos tumayo si Ross. Awww! Baka makita siya.

Tumayo nalang din ako pero nakatalikod lang.

"Wait. si Zenia ba yun?" narinig kong tanong ni Ella.

"Hindi. Hindi naman nagshoshorts si Zenia saka nasa school na yun ngayon." sagot ni Justin kay Ella. Kaya pala pinagshorts ako ni Ross? wow.

"Thank you come again." sabi samin nung waitress.

Naglakad na kami papalabas ng huminto si Ross sa may table nila Justin.

"The next time you drink coffee, not here. Okay? Mag date kayo sa malayo." sabi ni Ross kila Ella at  Justin. Tinignan ko si Justin, mukhang nagulat sa amin. Awww! Justin! Bakit kailangan pa manyari to?!

"Wala na Zen! It's over!" sigaw ni Ross sakin pagkalabas na pagkalabas palang namin ng shop.

Hindi ako nakasagot dahil naiyak na ako.

"Sandali nga, tetext ko na si Kriston na sunduin tayo. Please! Wag ka umiyak! Dumadami na yung tao. hmp! Buti nalang waterproof yung mascara na nilagay ko sa mata mo!" sigaw sakin ni Ross. Sobrang sakit ng mga words na narinig ko! Parang gumuho yung mundo ko.

Bakit ganito?! Bakit pa kailangan maging ganito?! May nagawa ba akong mali?

Ayoko! Mahal ko padin si Justin! I will not let him go! NOOOOOO!

Dumating agad yung sasakyan ni Kriston. Sumakay agad ako, pagkadating na pagkadating palang.

"Anong nangyare?" tanong ni Kriston.

"Confirmed!" sigaw naman ni Ross. Wala akong magawa! Nanghihina ako.

"So ano nang plano mo?" tanong sakin ni Kriston pero nakafocus padin sa pagdra-drive.

"Ano pa ba? Edi break!" sigaw ni Ross.

"AYOKO! Mahal ko si Justiiiiiiiin! I will not let him go! NO!" 

Secret Admire [Published under Viva Psicom]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon