Chapter Three

Magsimula sa umpisa
                                    

“Bakit hindi pa sila nagpapractice?” Tanong ko kay Hera. She just shrugged her shoulders. Nasa couch kami ngayon habang tinititigan ko si Eros.

“Baka pasukin ng langaw yan?” Natatawang sabi ni Hera. Kinlose ko naman ang bunganga ko. Kasi naman e. Kanina pa ako nakatanaw kay Eros.

“Asan na ba si Marco? Nasa bar na naman ba? Nambababae na naman ba?!” Iritadong sabi ni Eros kay Daniel. Gosh! Ang gwapo niya parin kahit galit siya.

“Siya ang leader ng banda pero ang tagal  niya parin!” Nabigla naman ako sa sinabi ni Eros. Talaga? Si Marco ang leader ng banda nila? Hmmp... Dapat si Eros nalang!

“Akin na nga yan!” Sabad ni Eros  kay Daniel para kunin ang cellphone nito. Nakakatuwa silang panuorin.

“Hoy! Ba’t ang tagal mo?! Ano?! Hindi pwede. Andito kami ngayon sa bahay ni Ethan. Oo. Bilisan mo!” Saka niya inihagis ang phone ni Daniel sa tabi ko. Oo, sa tabi ko. Kasi sofa yun.

“Uhmm... Sorry.” Sabi niya--- SA AKIN. Oh.my.gosh!!! Kikiligin na talaga ako I mean, mamamatay na ko sa kilig. Okay lang na araw-araw akong matamaan ng hinagis niya basta kausapin niya ako-----

“Hey! Sorry kung natagalan ako. Ikinama ko pa kasi yung isang babaeng yun. Ang kulit e.”  Bungad ni Marco sa may pintuan na parang di alam na may babae dito. Pervert!

“Marco!” Nagbabantang sabi ni Ethan sa kanya na parang may sinesenyas na may babae dito. Hay nako! Di nalang ako magtataka someday, if mamatay sa AIDS tong lalaking to!

“Ay! Sorry, may babae pala dito.” Pagpapaumanhin niya sa min ni Hera. Di ba halata na merong babae dito? Like, duh! Inirapan ko lang siya. Kainis e! Akala mo kung sinong gwapo. Oo nga at gwapo siya pero—hmmp----BASTA! Nakakainit ng dugo ang presensya niya.

“O, ikaw pala yan, babe.” Sabi niya sa ‘kin.  Oo, darling ang tawag niya sa lahat ng babae pero ‘babe/s’ daw sa kin. Nakakainis! Pati ako sinasama sa mga kagaguhan niya.

“H’wag mo nga akong tawaging babe/s!” Irita kong sabi.

“Hmmpp... Para namang di  mo gusto.” Then, an evil grinned formed on his lips. Ang sarap talaga niyang sapakin. Atsaka teka---- Anong sabi niya?! E siya kaya ang may pakana nun. Wala lang akong magawa dahil kahit sapakin ko siya, ayaw paawat.

“Mamaya na ‘yang harutan. Practice na tayo, dude.” Iritang sabi ni Eros na siyang nakapagpabilis ng tibok ng aking puso. Urgh. Harutan? With Marco? No way! With you pwedeng-pwede.

“Okay.” Saka tinaas ni Marco ang kanyang dalawang kamay bilang pagsuko. Akala mo kung sinong gwapo! Err... Gwapo naman talaga siya pero------Hmmpp!

“Ba’t ba always bitter ka kay Marco?” Bulong ni Hera sa ‘kin. Tinatanong pa ba yan? “Ano ka ba Hera?! Syempre because I hate his presence!” Simple kong sagot. Then nalaglag ang panga ni Hera. Bakit?

“The heck? He’s so hot kaya. Siya nga ang gusto kong i-date pero I choose Ethan kasi I know na iiwan rin niya ko pagkatapos niya akong ikama.” Kinilabutan ako sa sinabi ni Hera. Eww... “Hera, that’s g-gross...” Hindi ko alam kung bakit ako nautal.

Naituon ko ang pansin ko nang i-strum ni Marco ang gitara niya. “Hello, mic test, mic test.” Sabi ni Eros sa gwapo niyang boses. Shocks! I’m really inlove with this man!  Napansin kong nakatingin si Marco sa kin kaya ko siya nilingon. Ano na naman ba, Marco?! Paglingon ko sa kanya kinindatan niya ko na mas lalong nagpainit ng ulo ko. Lagi na lang siyang ganyan sa kin! Dapat ay di niya ako tinuturing na katulad sa mga babae niya. It really pissed me off!!! That @$$! Ang sama---------

I know your insides are feeling so hollow, And it’s a hard pill for you to swallow, But if I fall for you, I’ll never recover, If I fall for you, I’ll never be the same...”

One Sided Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon