Psyche's Note

3 0 0
                                        

Beware.

...yan ang sinasabi sa akin ng mga tropa ko bago ako pumasok sa mundo ng roleplaying. madami silang naku-kwento sa akin about sa ROLEPLAY WORLD.







Masasaktan ka lang.

...Sinabi din nila yan sa akin. AKala ko dati hindi totoo. Kasi malabong magmahal ka ng tao na hindi pa nakikita. at tanging ang komunikasyon niyo lang ay chat.








PAKI KO.
...yan lang ang sinasabi ko. Dahil nga sigurado ako na HINDI. at never akong maiinlove. Ewan ko din ba Kung bat ako nag RP. Inggit na din siguro and to meet other people.






...Pero lahat nang sinabi ko at sinabi nila nawala sa utak ko nang makilala ko sya. Isang taong nagpasaya sa akin,isang taong akala ko hanggang dulo kami... at isang tao na dahilan kung bakit naging player ako sa kasalukuyan.... Si Drake

Roleplaying Psyche [DONE]Stories to obsess over. Discover now