Chapter 5: 2nd Time Around

2.2K 31 5
                                    

KATH

Ilang araw na ang lumipas simula nung grumaduate kami pero kahit na ganun busy parin kaming lahat. Bukod sa busy kami sa kakasikaso sa pagcollege namin may kanya kanya din kaming gawain. At ganito kami magspend ng summer ngayon, hetic!

Ngayon palang nga eh, kakatapos lang namin tignan ang result namin at lahat kami nakapasa. Oo nakapagexam na din ako, yung second screening nila buti nalang at kasama ako sa mga nakapasa. Kadalasan kasi, sa unang batch palang madami na nakakapasok at napupuno na agad ang slot kaya naman bihira lang may makapasok sa second batch. Kaya paunahan talaga pagpasok sa unibersidad na ito.

Pagkatapos namin silipin ang aming resulta, nagkahiwalay hiwalay na din kami dahil may kanya kanya pa kami pupuntahan. Si Julia, kikitain na niya yung itutor niya. Agad na siya umalis at pumunta dun sa meeting place na napagusapan. Si EJ naman dumiretso sa Art School na sinasabi niya sa amin. Mageenroll na daw siya atska pati daw kami i-eenroll niya. Sabi naman niya siya na daw bahala sa amin wala daw kami dapat ikaalala kaya pumayag na din kami at sumali sa trip niya. Kami naman ni kuya Neil ipapunta ulet sa Ramos’ Restaurant. Kikitain nanaman namin ang Padilla family. Hay, sana naman sumipot na yung lalaki nang masabi na nila sa amin yung rason tungkol dito at nang mas lalo ko maintindihan kung bakit nagawa sa akin ito nila mama at papa!

"Insan ok ka lang ba?" Natigil ako sa pagiisip at napasulyap kay kuya Neil. Tinignan niya ako saglit bago bumalingulet sa kanya pagdridrive. "Ba’t parang ang lalim ng iniisip mo?"

“Wala insan! Napapaisip lang ako kung ano kaya istura nung mapapangasawa ko...”

Narinig ko hagikgik niya kaya tinignan ko siya nang masama. “Ayie! Excited na siya makita yung future niya”

"Hindi ha! Wag ka nga mang-asar dyan!" Bahagya ko siya hinampas. Tinawanan lang naman niya ako. Curious lang ako. Iniisip ko kung gwapo ba ito o hindi. Mataba ba o payat. Macho ba o hindi. Hmmm.. Ano kaya style ng buhok niya?"

“Ano ka ba insan? Wag ka nga mamoblema dyan! Makikita mo na yung tao ngaun. Malalaman mo na din kasagutan sa mga tanong mo..” Tinigil na niya ang kanyang kotse. Napatingin ako sa labas. Andito na pala kami at nakapagpark na pala siya. Agad ko naramdaman ang pagbilis ng tibok ng aking puso kasabay ng pagkahinto ng engine ng kanyang kotse. Napatingin ulet ako kay insan. “Ready ka na ba?”

Tumango ako at nag-iwas na ng tingin. Alam ko hindi na mapinta ang mukha ko dahil kinakabahan na ko.

“Halina!” Anyaya niya. Lumabas na siya sa kotse. Ako, hindi parin lumalabas. Halos hindi na ko makagalaw dahil nanginginig ako sa kaba. Nahihirapan na ko huminga at parang nastastatwa nalang. Parang gusto ko nalang magstay dito. O kaya naman tumakas nalang!

Napatingin ako sa manibela saglit bago yumuko at umiling. Kung marunong lang siguro ako magdrive nagawa ko na ang iniisip ko.

Napatalon ako nang biglang bumukas ang pinto sa akin tabi. Bahagya humahilig si kuya Neil para makapantayan niya ako. "Ba't ang tagal mong lumabas? Nagpapaganda ka pa ba?" Agad ako umiling sa kanya at bahagya siya tinulak para makalabas na ko. Pinatunog na niya ang kanyang kotse bago ako akbayan.

Napakusot ang kilay ko. Tinignan ko ang mga tao sa paligid namin habang naglalakad na kami at nakikita may mga babaeng napapatingin sa amin. Mga nalalaglagan ng panga. Napasulyap ako kay kuya Neil na nakashades ngayon at dire-diretso lang sa paglalakad habang hila hila ako sa pagkaakbay. I knew it! Malakas talaga ang dating niya kapag nakashades! Tinitigan ko siya habang mapasulyap siya sa akin at tipid lang siya ngumiti, nagkapit balikat. Ayaw niya talaga nakakakuha siya ng attensyon sa mga babae. Madali lang siya mailang sa mga tingin nito kaya everytime na may nangyayare sa kanya ganyan, nagiging malambing siya sa akin o kay Julia. Para lang mapakita na taken na siya at matantanan siya ng mga babae.

Stuck With Each Other [KathNiel On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon