'Sir,wag kang ganyan..baka mahopia ang kaibigan ko.Mabilis pa naman mafall yan.'pinanlakihan ko lamang ito ng mata.Naku humanda ka talaga sa akin babae ka!

'Wala naman masama kung mafafall siya sa taong yun lalo na kung handa naman siyang saluhin.'tugon naman nito.

'Ehem!mawalang galang lang.Nandito po ako na pinagdedebatihan niyo.'Sabat ko.

'Ay!sori friend akala ko late hologram ka lang diyan sa tabi.Hindi ka kasi nagsasalita e!Baka naman side effect nayan ng mga bulaklak sayo!napipipi ka na friend.'buska nito.


Nakalabas kami na puro kalokohan ang lumalabas sa bibig ni marg sa mga kwento nito.

Hindi ko nalamang pinapatulan dahil pagod din ako sa mga ginawa namin buong araw.

Nagtungo ako sa basement kung saan nakaparada ang aking sasakyan.

Medyo kinabahan ako.

Bakit?paano ba naman patay sindi ang ilaw ng parking lot.

Idagdag pa ang kwentong naririnig ko sa ilan.Sabi nila may white lady daw dito.Kaya ang ilang guwardya ay takot rumanda rito pagkagat ng dilim.

Siyang nakaligtaan ko naman ng dahil sa wala na akong maparkingan sa labas kanina kaya ipinasok ko na rito.

Nangangatog ang aking tuhod habang hinahakbang ang aking mga paa.

Medyo may kalayuan ang aking pinaradahan.Kaya sa kamalas malasan binilisan ko na ang pagpunta doon.

Pinindot ang key para malaman kung nasaan iyon sa pumapailang na kadiliman.

Kaagad umilaw iyon at mabilis kong tinungo.Kakaba kaba kong sinuksok ang ang susi at dahil sa pagkataranta ay nahulog pa ito.

Agad akong yumuko para hanapin ito.Kapa dito kapa doon.

Mabuti at nakuha ko naman.Subalit habang sinususi ang pinto nito.Tila nanayo ang aking balahibo.Para bang may mga matang nakatingin sa akin.

Nagmamasid.

Hanggang sa tila ramdam ko na may nakatayo sa aking likuran.

Naiimagine ko ang itsura ng multong aking makikita sakaling lingunin ko ito.

Maputlang mukha,nangingitim ang mga mata,sabog na buhok at nagkalat ang dugo sa mukha nito.

Ito ang tumatakbo sa aking isip.

Halos tumigil ang pagtibok ng aking puso ng maramdaman ang kamay sa aking balikat.

Eto na ba?!!

Hihingi ba sya ng hustisya ng pagkamatay niya?Sasabihin niya bang tulungan ko siya?Sasapian niya ba ako!!

'Hey!you alright?'

Narinig ko ang boses na ito saka mabilis napaharap at napayakap sa kaniya.

Halos ramdam ko ang tila karera na pagbilis ng tibok ng aking puso.

Akala ko makakaharap ko na ang multo ng basement.Huhuhu..

Naramdaman ko ang paghaplos ng kaniyang kamay sa aking likod.Wari'y pinapakalma.

Nang maisdan ang kaba at takot ko ay nahihiya akong humarap sa kaniya.

'Anong nangyari?Pinagpapawisan ka pa.'ramdam ko ang pag alala nito sa kaniyang tinig.Mas lalo akong nahiya nang mabilis nitong punasan ng panyo niya ang tagaktak kong pawis.

'A-akala ko kasi may multo na sa tabi ko.'

Hindi ko alam pero nakita kong nag igting ang panga nito ng matapos kong sabihin ito.Saka luminga linga sa paligid.

'Okey ka na ba?'tanong nito na siyang kinatango ko.

Ewan ko pero parang may kakaibang saya na siyang aking naramdaman kalaunan dahil sa kaniya.

Pero naroon pa rin sa aking isipan ang salitang distansya.

Distansya na mapalapit muli sa kaniya.





A/N:Maikli talaga ang POV ni KLEIR.

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Onde histórias criam vida. Descubra agora